Mga Salitang Ikaw ang naging dahilan upang magkabuhay Pusong sinaktan at Iniwan Mga tintang nagsilbing Luha Mga tintang nagsilbing marka sa sakit na nadama Mga tinta sa bawat pahinang ikaw ang paksa Mga pahinang kung saan noong ako'y nasasaktan pa Pahinang unti-unting hindi na ikaw ang bida Pahinang hindi na lungkot ang nilalaman kundi pahinang saya ang dulot sa karamihan.