PrologueNgiting - ngiti akong pumasok sa loob ng coffee shop kung saan kami magkikita. After ng ilang ulit kong pag-aya sa kanya na makipag-date sa'kin ngayon lang siya pumayag. Kaya lang, ako lang ang nakakaalam na date 'to. Ang sinabi ko kasi sa kanya ay may importante akong sasabihin.
Mas maaga ako ng twenty minutes sa napag-usapan naming time, maaga kasi akong nagising kanina para mag-ayos, kaya naman kahit hindi ko nakikita ang sarili ko sa salamin, alam kong maayos ang hitsura ko. Pruweba na rin siguro nito ang pagsulyap sa'kin ng mga nadaanan ko kanina.
Lumapit ako sa counter at tumingin sa makulay na menu nila sa taas.
"Good afternoon, ma'am, may I take your order?" Nakangiting bati sa'kin ng babae sa counter. Nginitian ko din siya pabalik.
"Isa nga ng Caramel Macchiato at isang slice ng cheesecake," saad ko sa kanya.
Inulit niya ang order ko bago ako nagbayad at umupo muna para hintayin yun.
Umupo ako sa medyo gitang bahagi ng coffee shop, sa pang-dalawahang table lang. Wooden at polished ang table nila, halos lahat sa paligid ay kulay brown pati ang walls, iba iba lang sila ng shade. Maliban na lang sa mga decorations nila. Wala masyadong tao sa loob kaya naman naki-wifi muna ako habang naghihintay.
Mayamaya pa ay may humila na ng upuan sa harapan ko, kaya naman agad akong tumingala para tingnan siya.
"Kuya Hugo," nakangiting sambit ko sa pangalan niya.
"Pasensya na nalate ako ah, may tinapos pa kasi ako bago pumunta dito eh, kanina ka pa ba?" Tanong niya.
"Hindi naman," nakangiti pa ring sagot ko.
Sa totoo lang, sobrang saya ko na talaga na pumunta siya, kaso hindi ko maitatanggi ang disappointment ko dahil naka-lab coat pa siya at gulo gulo ang buhok. Oo, gwapo pa rin siya, pero... hay wag na nga, ang importante, pumunta siya.
"Um-order ka na ba?" Tanong niya ulit.
"Oo, kaso yung akin pa lang, hindi kasi ako sigurado kung anong gusto mo eh," sagot ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sa'kin, "Okay lang. Sandali lang ah, oorder muna ako."
Pagkasabi niya nun ay agad na siyang tumayo at tumungo sa counter, kasunod naman nun ang pagdating ng order ko.
Nang makabalik na siya, ay nakita kong tiningnan niya ang order ko.
"Naks, yaman natin ah!" Bati niya nang nakangiti. "Malaki siguro allowance mo ngayon no?"
"Sira ka, iisang piraso nga lang binili ko eh, mayaman pa rin?" Natatawang sabi ko at saka hinigop ang inumin ko.
"Kahit na, dati kaya hindi ka napasok sa ganito, puro ka kaya fastfood!" Asar niya.
"Dati yun!"
He merely chuckled. Napatingin ako sa kanya at nanatili lang siyang nakangiti sa'kin. Kaya naman sinubukan ko nang humugot ng lakas ng loob.
"Uhmmm, Kuya, may gusto sana akong sabihin," pago-open ko ng may pilit na ngiti sa mga labi ko.
"Ano yun?" He asked enthusiastically.
"Ang totoo..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko, ramdam ko ang biglang pag-init ng mukha kahit na alam kong sobrang lakas ng aircon. Naramdaman ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Sasabihin ko ba...na matagal na akong may gusto sa kanya?
"Anong totoo?" Tanong niya gamit ang malumanay niyang boses, na para bang tinutulungan ako na sabihin kung ano ba ang dapat kong sabihin.
"Ano, kasi eh," yumuko ako at tiningnan ang mga daliri ko. "May --"
BINABASA MO ANG
Arie
RomanceArie's story Behaving by how you want others to see you, is far more different than behaving the way you want to. Date Started: May 1, 2020