Chapter 4

14 1 0
                                    


Chaoter Four

"Ha?" tanging nasambit ko dahil sobrang out of nowhere ang sinabi niya.

"I told you before na pamilyar ka sa'kin 'di ba?" he explained. "Ngayon sa tingin ko alam ko na kung saan kita nakita," he smiled. "Ikaw si Jhoanna."

"Oh, ano naman kung ako si Jhoanna?" halos matawa-tawang tanong ko. Malamang ako si Jhoanna, pangalan ko 'yun eh!

"Grade Eight, Junior High. Ikaw 'yung sumuntok sa'kin nang maghiwalay kami ni Bliss," he smiled triumphantly.

Unti-unting nanlaki ang mata ko at nag-sink in din sa'kin ang sinabi niya. Siya 'yon? 'Yung patpating butiki na akala mo kung sinong gwapo kung makalakad sa loob ng campus namin?

Si Bliss ay high school best friend ko. Dati, siya ang pinakahabulin ng lalaki sa'min. Sa bawat classroom nga yata ng school namin, mayroong may crush sa kanya.

Ang totoo may dahilan kung bakit hindi ako pansinin dati. Kaya naramdaman ko na ang paggapang ng pag-aalala sa sistema ko. Alam kong alam niya ang salitang pinakaayaw kong marinig kung siya nga ang lalaking 'yon.  Nakatingin lang ako sa kanya habang nananatili siyang nakangisi sa'kin.

"Tomboy," he said.

The hell.

"Akalain mo nga naman!" he exclaimed while scanning me. "Kaya pala hindi kita mamukhaan," he chuckled. "Babae ka na kasi ngayon."

I took in a deep breath then tried to keep my cool.

"Tigil-tigilan mo nga ako March. Wala ako sa mood makipagbiruan sa'yo," I said then went back to my food trying to suppress my temper.

"Grabe," umiiling na saad niya habang nakatingin pa rin sa'kin. "Ngayon, alam ko na kung saan mo nakukuha ang tapang mo," tumawa ulit siya kaya naman nainis na 'ko.

"Pwede ba?" I spat.

"Bakit?" he smirked while acting innocently. "Wala naman akong ginagawa ah?"

Dahil nakakabadtrip ang presensiya niya, kinuha ko na lang ang mga pagkain ko at ibinalik ang mga 'yon sa paper bag.

"O' aalis ka na?" puna niya pero inirapan ko lang siya. Nang matapos ako sa pagliligpit ay saka ko siya hinarap.

"Isa pang tawag mo sa'kin ng t-"

"Tomboy," he said then grinned.

Huminga ako ng malalim at sinubukan pakalmahin ang sarili ko. Pero wala na eh, ubos na ang pasensiya ko.

"Bading!" huling saad ko bago ako nagmamadaling naglakad palabas ng convenience store.

The hell. Badtrip. Sa lahat ba naman na pwedeng makaalam sa nakaraan ko siya pa? Ang lakas pa man din no'n mang-asar!

Pero kung tutuusin kasi, medyo nag-iba na talaga ang dating niya ngayon kaya siguro hindi ko din siya namukhaan. Mas tumangkad siya at medyo nagkalaman ang katawan. Hindi ko masabing macho dahil hindi ko naman nakikita ang katawan niya dahil lagi diyang naka-long sleeves. Kulay brown ang buhok niya ngayon na bawal noong high school, at parang may kahawig siya, hindi ko lang maalala kung sino. Sa dami ba naman ng lalaking dumaan sa buhay ko.

Naging boyfriend siya ni Bliss noong grade seven kami. Gano'n siya kalandi. Trese pa lang may kalandian na. Oo siya lang, dahil inosente pa ang kaibigan ko no'ng mga panahon na 'yon. Nagkahiwalay sila noong grade eight dahil kay March. Nag-cheat daw ito sa kanya. Kumulo kaagad ang dugo ko sa lalaking 'yon nang malaman ko. The hell! Ang bata bata pa namin no'n napakalandi na!
Kaya nang makita ko siyang pakalat-kalat sa school grounds noon, nilapitan ko siya at walang sabi-sabing sinuntok ko ang mukha niya. May mga kasama pa 'yong mura at kaunting talsik ng laway dahil sa galit ko.

ArieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon