Kabanata 18

94 3 0
                                    

Addicted

Nang kumawala siya sa halik ay namungay agad ang aking mata. Nakakapanghina. Nakakalito. Magulo ang isip ko ngayon. Pakiramdam ko ay nagkanda buhol buhol ang lahat ng system sa katawan ko.

"You'll not forget me anymore.." he said after that.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng bumaba kami sa ferris wheel. Sabi niya ay ihahatid niya na daw ako sa trabaho ko hindi na ako umalma at hinayaan na lang siya sa gusto niyang mangyari, at hanggang sa gitna ng trabaho ay naalala ko lahat ng nangyari pati na rin ang mga salita niya.

He said those words like it's not the first time he saw me. Para bang dati niya na akong kilala at inintay lamang na dumating at muling makita. Bakit...pakiramdam ko ay meron akong hindi alam sa pagkakakilala sa akin ni Hercules?

Kilala na nga ba kita Hercules? Kilala mo ba ako Hercules?

Lumipas ang isang linggo naging ganun lagi ang set up. Tuwing lunch ay kasabay ko si Hercules, at bago naman mag trabaho ay inilalabas niya ako kung saan. And those moments are the greatest. Inaalala ko ang lahat ng ito dahil pakiramdam ko ay mabilis itong matatapos. Ibinigay sa akin ito ng mabilisan at baka bawiin din sa akin ito ng higit pa sa inaasahan.

"Hindi na ako magtatanong tungkol sa namamagitan sa inyo ni Hercules pero...Sky...gustong kong paalalahanan ka na kailangan mong mag ingat." Biglang sinabi ni Elli isang gabi habang nasa gitna kami ng trabaho. Napabaling ako sa kaniya at bigla akong kinabahan.

Nakita niya ang kaba ko pero hindi maalis sa kaniyang mukha ang pag aalala.

"Ang sabi ng kasama natin sa dorm kahapon daw habang nasa school tayo may naghahanap daw sa atin, tatlong lalaki daw at mukhang... bigatin, naka tuxedo daw eh." Sabi ni Elli.

Bumuntong hininga ako at bigla kong naramdaman ang kaba sa aking dibdib. Nakakainis! Sino ba yung mga yun? Bakit sa hinahaba ng panahon na nanirahan ako dito ay ngayon lang nangyari ito?

"Ilang taon ka nga ulit Sky?" Biglang tanong ni Elli, kinakabahan. Bigla akong nagtaka sa tanong niya.

"Eighteen bakit?" Tanong ko. Nakita ko ang malalim na paghinga ni Elli. Mabilis niya akong hinila patungo sa CR. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya.

"M-Mukhang alam ko na kung bakit may mga naghahanap sayo..." Elli said in a nervous state. What the?!

"What is it?!" Hindi ko na mapigilan ang pagsasalita ng ingles sa sobrang kaba.

"Naalala ko kasi na may isang abogado ang dumating sa mansion niyo noon, isang aksidente na narinig ko ang kanilang usapan dahil ako ang naatasang maglagay ng tea sa kanila. At narinig kong pagdating mo ng legal age ay ipapamana sayo ang lahat...at mukhang pinaghahanap ka dahil nasa legal na edad ka na!" Gulantang na sinabi ni Elli.

Kung ganun...kaya ngayon ngayon lang sila kumikilos dahil sa edad ko!

"Pero sino...ang naghahanap sa akin? Yung abogado?" I asked. Umiling iling si Elli.

"Palagay ko ay hindi...Sky." naiiling na sinabi ni Elli na para bang may pilit inaalala.

"Kung hindi sino Elli?!" Halos isigaw ko na ang tanong ko. Kinakabahan ako. Hindi kaya yung may dragon tattoo ang nasa likod nito? Iniisip ko pa lang ito ay para na akong mamamatay sa kaba.

"Palagay ko'y may isang taong gustong manghimasok sa pera at mga ari arian ng mga Echavaria." Napapikit ako sa sinabi niya. Nagtagis ang bagang ko. May malaki akong kutob na maaaring yung may dragon na tattoo! Damn!

"Kailangan mong mag ingat Sky...at...wag mong hayaan na may madaya pang iba dito Sky...tama na ang dalawang buhay na kinuha nila sayo...wag mong hayaan na...may dumagdag pa." She said meaningfully.

To Break the Chains (TCB#5)Where stories live. Discover now