Kabanata 32

94 3 0
                                    

Meeting

Kinakabahan ako habang nakaupo ako dito sa opisina. Diana said that I have another meeting with E-TECH Corp. hindi ko alam kung anong mararamdaman.

Should I personally ask him about my wallet? Paano kung wala naman siya sa meeting? Maybe next time? Napapikit ako ng mariin at napasubsob sa table. Kung sa text na lang kaya? I will ask his number? Damn baka naman iba ang isipin niya?

Damn paano yung wallet ko? Nandun lahat ng ATM's ko! That's...important!

"Ma'am?" Napaayos ako ng upo ng pumasok sa office si Diana.

"Why?" I asked.

"Kumpleto na po sila sa Conference room, ayos lang po ba kayo?" She asked maybe she noticed my uneasiness.

"S-Sige, I'll go in five minutes."

"Okay ma'am." She said before left.

Mabilis akong nag ayos ng mukha. I even combed my hair. Tumayo rin ako sa harapan ng malaking salamin dito sa loob at tiningnan ang aking suot ngayon. I am wearing a tube top blue fitted dress and black blazer with my stiletto. I look very formal.

Nang maging maayos na ay lumabas na ako. Bodyguards followed me at hinayaan ko sila hanggang sa makapasok sa conference. Shit! I am so nervous. Lumipad na yata ang utak ko!

"Good morning Miss President!" Bati kaagad ni Miss Rioz sa akin ng makita ako. I looked at the people and I just smiled before I sit on my swivel chair. Hindi ko na sinulyapan ang lalaking nakaupo sa tabi ng malaking table ng conference. Hercules is here!

Itatanong ko ba mamaya?

Nang magsimula ang meeting ay para akong lumulutang. Pero pinipilit ko pa ring makinig sa mga sinasabi nila. Lalo pa akong nawala sa sarili ng aksidenteng magtama ang mata namin ni Hercules, he is very serious while looking at me. Ang mga tingin niya ay para bang ngayon lang niya na realize na nasa meeting ako! He looks at me like I am some a random girl!

Mabilis akong nag iwas ng tingin sa kaniya. Precious Sky, you should stop thinking about him. At siguro nga kailangan kong itanong yung wallet ko sa kaniya! Bakit ba ako natatakot? Wala na siyang pakielam at ako na lang itong ganito umasta. I should stop alright? I need to be brave!

Wala namang masama kung...magtatanong ako di ba? It's an important thing!

Pero mas lalo pa yata akong pinagpawisan ng matapos ang meeting, after all of this I will walk out in this damn place!

Nagsitayuan na ang lahat after nung meeting. Nakipagkamayan ako sa mga katabi ko pero ang aking mata ay pilit na hinahagip si Hercules na nakikipag usap sa isa sa mga board members. Sana lang ay wag muna siyang umalis.

And luckily hindi pa siya umaalis! Kaya naman I decided to walk near him, umacting ako na kakausapin si Mr. Lim na malapit sa tabi ni Hercules.

"Hindi ko akalain na ikaw ang magpapatakbo ng kompanya pagkatapos ni Apollo." Mr. Lim said, his chinky eyes smiled at me. Peke akong ngumiti, I feel so awkward, lalo na dahil malapit lang si Hercules and now he's talking to a beautiful lady beside me! Wait! Is she also a board member? Sino ba yung babaeng yun?

"Ahh oo nga...po." pinilit kong ngumiti kay Mr, Lim. Marami pa siyang sinabi sa akin pero hindi ko ito mapag tuunan ng pansin dahil sa dalawang tao na nag uusap sa tabi ko!

"Hindi ka pa rin talaga nag babago Hercules. You are so handsome!" Narinig kong malambing na sinabi nung kausap na babae ni Hercules. Kumunot ang noo ko doon kahit nagsasalita sa harap ko si Mr. Lim.

"Really? The reason why you talk to me?" Hercules said in a very flirty tone!

What the hell?! Hindi pa rin talaga nagbabago! Meron na siyang Bernadette Cruz tapos ngayon may ibang babae ulit siya? Wow!

To Break the Chains (TCB#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon