Kabanata 29

90 4 0
                                    

Fades

"Sigurado ka bang sa condo unit kayo mananatili ni Noah?" Apollo asked while driving. Ihahatid niya kami patungo sa condo. Noah is just sitting in the backseat, playing his toy.

"Oo Apollo, susubukan kong alagaang mag isa Noah." Sagot ko.

"Kayo mo ba? Di ba mag mamanage ka ng kompanya?"

"Kaya ko naman, maghahire na lang siguro ako pag minsan ng mag babantay kay Noah."

"Okay it's your choice, just call me if you need help." He said. I smirked.

"Ikaw ha, di mo sinabing ikakasal ka na!" I teased. He laughed.

"My love life is out of your concern." Natatawa niyang sinabi. Natawa rin ako. Hindi ko akalain na ikakasal na talaga itong si Apollo. Paano kaya yun nangyari? Naisip ko pa noon na hindi siya marunong pumorma sa babae dahil sobrang tahimik at busy sa trabaho.

Nang makarating sa condo ay agad na ring umalis si Apollo dahil mukhang may jowa. Ako naman ay nilibot ko ang buong unit while Noah is doing the same thing.

"Wow mommy! Tayo lang titira dito?" He asked amazed. Natawa ako. Ngayon lang kasi kami maninirahan na kami lang dalawa, madalas ay may kasama kaming kasambahay.

"Oo Noah, kaya behave ka lang ha wag papasakitin ang ulo ni mommy." Pangaral ko sa anak.

"Of course mommy! I'm a very good boy!" Pagyayabang niya kaya pinisil ko ang mapula niyang pisngi.

Inayos ko ang mga furniture ng buong condo. Hindi naman ito sobrang malaki sakto lang para sa aming dalawa ni Noah. Tatlo ang kwarto at malako ang kitchen. Inutusan ko si Noah na maglinis na ng sarili para makakain na kami ng lunch dahil may pupuntahan kami pagkatapos.

Bukas pa ang simula ng pagpasok ko sa office kaya ngayon ay ieenrol ko muna si Noah sa isang Kindergarten.

"Ma'am kami po yung pinadala ni Don Geodencio na bodyguards." Sabi ng isang lalaki nang makalabas kami sa condo unit ni Noah.

"Sige, salamat." Sabi ko at hinayaan silang sumunod sa amin ni Noah pababa sa entrance. Sinulyapan ko si Noah na hawak hawak ko ang isang kamay, ang isa naman niyang kamay ay hawak ang kaniyang laruan na robot. He's so cute while wearing his polo shirt and pants with his leather boots, may suot pa siyang bull cap, ang astig niya tuloy tingnan.

"Nag iintay na po sa baba yung van na sasakyan Ma'am." The bodyguard said. Bale tatlo ang kasama naming bodyguards, sa tingin ko ay ayos lang ito, it's for the safety.

"Okay, pakisabi sa driver na we're heading to the nearest kindergarten school, I want to enrol my son." I said.

"Sige po Ma'am."

Nang makababa ay nakahanda na nga ang isang itim van.

"Noah hop in." Sabi ko kay Noah, mabilis naman siyang sumunod ng pagbuksan kami ng bodyguards. Inayos ko ang aking skirt bago umupo sa tabi ni Noah sa loob. I'm wearing a maong skirt and white blouse with my wedge sandals in my foot, I let my hair flow down through my shoulder. I sighed. Kailangan ko ng magpaputol ng buhok dahil medyo humahaba na ito. Mamaya after kong ienrol ang aking anak.

Nang makarating sa school ay agad kong inienrol si Noah, but I feel uncomfortable when everyone is looking at us like we're something showbiz. Hindi ko na tinatago ang totoo kong mukha. I let everyone see it pero hindi pa rin ako sanay buti na lang may bodyguards kami. Madalas din silang sumulyap kay Noah. Noah has the foreign features of his father kaya natural lang na pagtinginan ang aking anak.

"What his name Ma'am?" Tanong nung teacher na nakausap ko para sa registration ni Noah.

"Noah Schuyler Echavaria." I answered.

To Break the Chains (TCB#5)Where stories live. Discover now