Prologue

154 16 0
                                    

"What can you say about the success of your movie together with Kade Leighton? Your movie together earns 15 million on the first day! What is your message to your fans?"

Ngumiti ako sa camera at bahagyang inilayo ang ulo ko sa mga microphone na nakatutok sa akin at banayad akong ngumiti.

"At first I am speechless, I'm just glad that everything turns out successfully. I did not expect that this movie will earn that much money. I can't thank enough the people behind this movie, our fans, the directors and producers, and our family. Kade and I can't make it this far if you guys do not support us. We owe all of this to you!"

I give a bigger smile to the camera and give a flying kiss bago humarap sa ibang camera na nakatutok sa'kin. Sa dami ng tao ay nagkakatulakan na at hindi maiwasang magkagulo sa paligid. Nakapaligid ang mga body guards ko sa'kin at malakas ang hiyawan ng mga tao.

Maraming flash ng camera sa paligid at alam 'kong kinukuhanan ako ng picture pero hindi ako nasilaw ni isa sa mga 'yun. Siguro ay nasanay na rin akong palaging nakaharap sa camera kung hindi naman ay sa harap ng maraming tao.

"What is your plan after this? Do you have an upcoming teleserye or big projects?" One of the reporters asks.

"I will be focusing on my modeling career for now as many fashion and lifestyle magazines are contacting me to be their model. But if they will offer me a teleserye, I would love to be part of it." I said enthusiastically.

"I have another question!" Saad ng isang reporter kaya naman humarap ako sa kaniya at ngumiti sa camera at bahagyang itinaas ang dalawa 'kong kilay at hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

"Are you in a relationship right now?" She asked full of curiosity.

Agad nagpanting ang tainga ko sa narinig ko. The question is very out of context! Kanina lang ay about sa movie at career ko ang pinag-uusapan, bakit biglang napunta sa love life ko?

Naramdaman ko naman bigla ang mga pares ng mata na nakatingin sakin. Bahagya akong lumingon at nakita 'kong nakatuon din sa'kin ang mga mata ng ibang reporters galing sa iba't ibang network at mukhang hinihintay din ang aking sasabihin.

Sa halip na magsungit ako ay nanatiling nakangiti ang aking mukha. I didn't like her question but I can't tell her that, not here, not in front of the camera.

Napansin ko ang bahagyang paglapit ng mga microphone sa'kin. I sighed, I guess I have no choice but to answer her stupid question.

"Unfortunately, no. I'm currently not in a relationship. Wala pa kasi sa isip ko 'yan, as of now focus muna tayo sa work." I managed to sound jolly kahit sa loob-loob ko ay naiinis ako sa tanong niya.

Alam 'kong curious sila pero ang mga ganung bagay ay personal na, hindi na dapat tinatanong.

Napalingon naman ako sa kaliwa nang makita ko ang manager ko na sumesenyas sa akin. Agad naman akong inalalayan ng mga bodyguards ko upang maka-alis sa pwesto. Ngumiti muna ako at kumaway sa mga reporters, hudyat na kailangan ko nang umalis.

Nang makalapit ako sa manager ko ay tinulungan nila akong makalabas ng gusali. Nakasalubong naman namin ang mga fans ko na may mga hawak na banner at naghihiyawan. Kumaway ako sa kanila at binigyan sila ng malaking ngiti. Agad na nawala ang inis na nararamdaman ko kanina. My fans never failed to make me happy.

They are chanting my name as I exit the building, some people are shouting something but it is not audible that is why I can't understand it clearly. Before I enter the van, I turned my back to them and wave again. I know I can't thank them one by one but I am grateful that I have had them throughout my journey.

Dealing With the Nuisance (Celebrity Series #1)Where stories live. Discover now