Chapter Three

54 10 0
                                    

As a celebrity, kissing someone in a movie or teleserye is also been easy as it is part of my job. I've been into multiple kissing scenes and waste no sweat performing them. I am known for being a professional and versatile actress. 

Kissing someone is not new to me. Oo, nakahalik na rin ako ng ibang lalaki dahil sa trabaho ko. Pero dahil iyon sa trabaho kaya hindi big deal para sa'kin, pero iba ang nangyayari ngayon. 

Nanatiling namamanhid ang katawan ko sa nangyari. Hanggang ngayon ay magkalapat ang mga labi naming dalawa ni Axel, ni isa sa amin ay walang bumibitaw. Maging s'ya ay tila namanhid ang buong katawan.

Alam kong bawat sandali ay maaaring lumabas si Lauren sa cr at makita akong nakikipaghalikan kay Axel o hindi naman kaya ay may taong biglang dumaan at makilala kaming dalawa ni Axel. 

Nakamulat ang mga mata naming dalawa at halos lumuwa na dahil sa gulat. Tila namatay kami nang ilang sandali. Hindi kalayuan ay nakarinig ako ng sigawan. That is not a happy shout, it sounds more like terrified and fear pero wala paring nauunang gumalaw saming dalawa ni Axel.

Gusto ko s'yang itulak ngunit nanlalambot ang buong sistema ko. Wala parte ng katawan ko ang nais gumalaw para itulak s'ya o lumayo. 

Muli akong nakarinig ng sigawan ng mga tao at bahagyang humina ang music. Akmang itutulak ko na si Axel nang may bigla magsalita sa gilid namin.

"Pucha naman Axel, mamaya kana makipag halikan! Si Conan nagwawala!" Sigaw ng lalaki sa gilid namin bago n'ya hinila si Axel palayo.

Mas lalong natulala ako sa nangyari, did they just leave me alone? Tumingin muli ako sa direksyon nila Axel at ng taong humila sa kaniya na sa tingin ko ay ka-band mate n'ya ngunit hindi ko napansin ang mukha kaya hindi ko matukoy kung sino sa kanila. 

Bakas parin sa mukha ni Axel ang gulat at pagkabalisa nang higitin s'ya nito palayo. He is looking at me like he wants to say something that he can't utter. Napakapit ako sa pader nang makalayo na sila, namatay na rin ang music sa paligid kaya rinig na rinig na ang sigawan ng mga tao ngunit namumutawi ang isang galit na galit na boses. 

"How dare you disrespect her?! I will kill you!" Sigaw ng lalaki. 

Sa halip na mabalisa ako o matakot ay tinatangay pa rin ako ng isipan ko sa nangyari kanina. Wala sa sarili akong napahawak sa mga labi ko, ito ang unang beses na may nahalikan akong lalaki ng hindi dahil sa trabaho ko. Ang masama pa nito, iniwan ako mag-isa. Pakiramdam ko ay nag-take advantage s'ya sa'kin. 

Matapos n'ya akong halikan ay iiwan na lang n'ya ako nang basta-basta?! Wala man lang 'sorry' o kahit anong apology? Kung sa kaniya ay hindi big deal 'yun, pwes sa akin, oo!

"I'm so sorry--" Hindi naituloy ni Lauren ang kaniyang sinasabi nang mapansin ang reaksyon ko. Doon n'ya lamang napagtanto na may nagbago sa paligid dahil namatay ang music at mukhang nagkakagulo.

Binalik n'ya ang tingin sa'kin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "What happened to you?" She paused and look around. "What happened here?" She is persistent in asking.

"I.. I don't know.. what happened." Saad ko habang nakatingin sa kawalan. 

Parehas ang sagot ko sa tanong n'ya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa amin ni Axel dahil hindi pa gumagana nang maayos ang isip ko sa mga pagkakataong ito at hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa paligid. Wala na rin ako sa wisyo upang alamin pa.

"Oh no.. I'm so sorry. I should've not leave you here." May pagsisisi sa mga boses n'ya bago kagatin ang ibabang labi. 

Mula sa malayo ay nakita namin ang isang lalaki na bugbog sarado na inaalalayan ng mga bouncer palabas ng gusali. May bahid na rin ng dugo ang damit nito at puro pasa sa mukha. Tumingin sa'kin si Lauren at bahagya akong hinawakan sa braso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dealing With the Nuisance (Celebrity Series #1)Where stories live. Discover now