Chapter 3 - Goodbye Barb

11 0 0
                                    

Le Señoritas

6:30PM na nang nakarating na sila Eia sa Mansion, pinasok na nila ang mga kotche nila, at nagsipasok na sa Mansion, sila Kendra, Lexi, at Syd ay dumeretso sa salas at nanood muna ng T.V, habang sina Eia, George, Barb, at Eunice ay sa kusina dumeretso para maghanda ng mga kubyertos sa hapag kainan. Si Eia, naglabas ng tatlong 1.5 na Coke. Si George, siya naglagay ng mga kubyertos. Si Eunice naman ang nagsaing. Anong namang ginawa ni Barb? Edi siya yung naglapag ng mga pinamili sa Jollibee. Bonak.

"Barb, nakita ka nanaman ni Dom kanina, baka hindi nanaman maka get over yon." Pabirong sabi ni Eunice habang nagtatakal ng bigas para sa isasaing.

"Shhhh, dapat di nalang nga ako nagpakita eh. sigi ka magkamali ka ng pagsaing mo, magsermon nanaman si Bari ahahahaha" Sambit naman ni Barb habang hinahanda ang bawat mga binili galing sa Jollibee.

"Eh kahit di ka naman makita non, hindi parin nakaka get over sayo yon matagal na. Kailan ka kaya non... you know... ilet go na?" Tanong naman ni George habang nakaupong nagcecellphone. Si Eia naman ay nakikinig lang habang nakaupong nilalaro ang pusang inuwi niya.

"Ewan ko nga rin ih, sana mapatawad na niya ako... alam kong hindi ganon kadali para sakanya, pero ang tagal na rin." Sagot ni Barb habang nakasandal sa lamesa na nakahalukipkip.

"Magusap kaya kayo? Baka sakaling nakapag isip isip na rin siya. I mean matagal na rin nga, pero baka nagmature na. Well, we hope so." Ika naman ni Eunice na naka upo sa kitchen counter pag katapos niyang magsaing.

"You all know naman na hindi siya nakikinig saakin, ni-hindi rin naman ako laging iniintindi. It's always him, always his emotions, his thoughts that I always understand, but never did he even understand me. It's his pride." Sambit naman ni Barb na may halong galit.

"Oo nga naman, pero what if nga... lahat na rin kasi moved on na, matagal na. yung pagka-ayos nalang ninyo ang kulang. Ikaw rin, kailangan mo yon Barb, kailangan ninyong dalawa yon." Sagot ni Eunice habang binabantayan ang sinaing.

"Di ko alam kung paano, ayaw ko rin naman na ako ang tatawag na makikipagusap kasi ilang beses na rin akong nakipagusap." Sambit ni Barb, nang pumunta si Syd sakanila at nahinto ang paguusap nila, at tinitigan ni Syd sila Barb at Eunice.

"Pinaguusapan niyo? Bat parang ang init ng pinaguusapan niyo? May uling ata mga bunganga niyo." Sambit ni Syd habang kumakain ng tinapay.

nang biglang dumating na sila Joaquin, alam na nila dahil sa busina ng 4x4 niyang kalakas lakas.

"Dom, kahit gusto ko rin naman kayong magbalikan, kahit pinaglaban rin namin ng mga kaibigan mo yung sainyo ni Barb, wala na talagang chance. kaya kailangan niyo talagang mag-usap na para sa ikakabuti niyong dalawa. Oh kalma ha." Sambit ni Joaquin kay Dom habang hinihintay na may magbukas ng gate.

"I understand, ako na mauunang makikipagusap sakaniya." Sagot ni Dom.

Nang biglang lumabas si Lexi para buksan ang gate, naipark na ni Joaquin ang kotche at biglang tumambad si Lexi sa pintuan ng kotche niya na nagtutuktok sa bintana, binaba naman ni Joaquin ang bintana,

"Hoy koya, may alcohol drinks kang naiuwi?" Pangungulit ni Lexi, nang nagulat siya dahil nakita niya si Dom,

AugmentWhere stories live. Discover now