Chapter 4 - Long Time, No See

13 0 0
                                    

Pagkatapos ng kalokohan ni Dom at Joaquin, ginising na nila si Ace at pinapunta na sa kotche para umuwi na, nagpaalam na sila kay Dom para umuwi na, habang pauwi naman na sila Ace, nag-iisip si Joaquin kung puntahan niya kaya si Eia sa kwarto niya at mag-usap sila, o kaya ayain nalang siya sa labas kinabukasan, pero ang pag-iisip ni Joaquin ay nahinto dahil sa pag-urok ni Ace sa tabi niya. Nakarating na silang dalawa at ginising ni Joaquin si Ace para buksan ang gate, pagkapasok na nila ng kotche ay sinara na rin ni Ace kaagad ang gate at naunang pumasok na ng mansion at deretso sa kanyang kwarto, si Joaquin naman ay nanatili muna sa kotche at nag-isip muna ng saglitan dahil gusto niyang makausap si Eia, pinatay niya na ang makina at bumaba na rin ng kotche, pumasok na siya ng mansion at nakita si Syd at Lexi sa salas na nanonood pa ng T.V., habang umiinom ng wine.

10:30PM

"Oh, bakit tulog na yung iba?" Tanong ni Joaquin habang kumukuha ng coke sa ref,

"Hindi pa kuya, Gising pa sila tignan mo oh katabi namen." Asar na sambit ni Syd, nang biglang napatigil si Joaquin sa pag-inom ng coke,

"Punyeta ka, Syd. Aga naman nilang natulog, san pa ba kayo pumunta kanina nong umalis na kayo galing sa safehouse? Lexi?" Tanong niya habang papunta sa salas at paupo sa sofa,

"Naghanap ng bukas ng restaurant, tapos deretso sa milktea ayon, umuwi lang rin kaagad." Sagot ni Lexi habang umiinom ng wine na nakatitig sa T.V., sumandal na si Joaquin sa sofa dahil rin sa pagod ng ginawa nila sa pagkuha kay Luke, nagsimula na ring nanood si Joaquin pero biglang pumasok sa isipan niya ulit si Eia,

"Si Eia pala?" Tanong niya agad pagkatapos ng ilang segundong tahimik,

"Sa kwarto niya, kaka-alis niya lang nong pagka-dating mo" sambit ni Syd, nang bigla siyang tinignan ni Lexi na napahinto sa pag-iinom, at umalis kaagad si Joaquin sa salas at tumaas para puntahan si Eia,

"Bat mo sinabing kaka-alis?? Magtataka yon si Bari." Tanong ni Lexi na hindi nilalakasan ang boses,

"Hayaan mo na, parang hindi niya naman napansin yung kaka-alis part kitdi, umalis kaagad nong sinabi kong nasa kwarto niya." Sagot naman ni Syd na nagcecellphone,

Joaquin's POV

Di ko alam sasabihin ko pero gusto ko lang siyang paalalahanin na mahal na mahal ko siya, araw araw ko to ginagawa, kaya bakit pa ako natatakot mygoodness, heto na, nandito na ako sa pintuan niya, should I knock and open the door, or should I just knock... *Knocks 3 times*

"Uhmmm... Eia? Can we talk? I mean okay lang if you won't reply, I just want you to know... everyday... na mahal kita..." sambit ko habang paupo sa labas ng pintuan niya,

"I just wanted to say that I'm still here, waiting... and probably you're thinking of maybe I'm just doing this kasi I failed replacing you, pero no...." sambit ko habang tinitignan ang bukas na pintuan ng terrace sa dulo ng hallway na tapat na tapat ang buwan,

"Out of all of those I met, I denied them. Not only because mahal parin kita, pero I want you in my life the most until the end, and there's no other woman like you to fit here inside my heart....." ika ko habang patayo na at pinapagpag ang aking pants,

"I just want you to know that wanting you back in my life is a choice I made, not a decision that made me come back. I love you, and I miss you even though nagkikita tayo." Sabi ko na paalis at paderetso sa terrace para titigan ang buwan, nang bigla kong nakita si Eia na nakaupo sa upuan na nakatitig rin sa buwan, so hindi niya narinig mga sinabi ko kanina shet hahahahaha

AugmentOù les histoires vivent. Découvrez maintenant