Chapter 27
--------------------
Penny's PoV
--------------------Natatakot na nagdial si Penny. Ilang ring pa ay sumagot na ito.
"Eirene"
"Nagawa mo na ba?"
"Yeah." ang kaninang natatakot na tono ay muling napalitan ng pagka bitchy. "Ako pa?"
"Good good good. Im sure they are fighting right now. It's my time to shine" tumawa ito ng may halong panlalandi.
"Good luck he's mad right now. Muntik na niya akong mapatay gosh"
"Thank you bitch" naiiling na pinatay niya ang tawag.
Pinara nalang niya ang taxi na dumaan. Pupuntahan niya ngayon si Eirene. Kaya lang naman niya tinanggap ang alok nito na sirain si Keifer at Reign. Una dahil high paid,pangalawa she's bored, at pangatlo gusto niya rin si Keifer.
Pagkarating niya sa bahay nito agad siyang nag doorbell. Pinagbuksan namn siya ng katulong nito.
Nagulat siya ng makita ang limang lalaki na nasa sala. Hindi niya ito kilala at ang papangit nila . Wag mong sabihin nagbago ang taste nito so yakkk ha.
"Hey bitch" bati niya. Napatingin ito sa kaniya pati narin yung limang lalaki.
"Hey" nakangiti ito. Tiningnan niya ang mga lalaking kasama nito "who are they?"
"Ahh they are my men. Pinababantayan ko sa kanila si Reign."
"Ahh that's good" pabagsak siyang naupo sa sofa. "Hayst im tired"
----------------
Reign's PoV
----------------Tatlong araw na ang nakalipas. Hindi siya umuuwi sa bahay nila ni Keifer. Alam rin niyang pinapahanap siya nito.
"Captain" nilingon niya si Lauren ng tawagin siya nito. Sa tatlong araw na iyon ay akala nila Penny ay nagtagumpay ang plano ng mga ito na paghiwalayin sila ni Keifer. Uwing uwi na siya at gusto nang yakapin ang asawa pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili.
Naawa na siya kay Keifer dahil ayon sa source niya hindi daw ito tumutigil sa paghahanap sa kaniya at sa gabi naman lagi itong umuuwi na lango sa alak.
Konting tiis nalang Keifer.
Siya ang nasasaktan sa nangyayari dito. Wala siyang magagawa gusto niyang magtagumpay ang kaniyang plano.
Tinawagan narin niya yung limang bisugo. Luckily hindi ito nagtaksil sa kaniya. Hindi siya binigo ng mga ito. Sila ang nagiging dahilan kung bakit alam niya ang nangyayari sa loob ng bahay ni Eirine at Penny.
Yes kilala niya ang dalawang ito una palang. Kung akala nila na maiisahan siya ng mga ito. Nagkakamali sila ng kinalaban.
Flashback
Mag re'retouch lang sana siya sa restroom ngunit bigla siyang naihi. Kaya naman pumasok siya sa isang cubicle.
Lalabas na sana siya ng may mga yapak na papasok dun. Hindi muna siya umalis sa loob. Hindi rin siya naggawa ng kahit anong ingay.
"Did you move already?" wika nito.
"Yeah gawin mo ng maayos ang trabaho mo Penny. Wag kang magpapahuli" wika pa nito. Bahagya niyang iniawang ang pinto at nakita niya ng babaeng kausap kanina ni Keifer.
End of flashback
Tumawag na rin sa kaniya ang lider ng mga bisugo na 'yon. Dadalhin na daw nila sa hideout si Eirene at Penny. Hindi naman nakahalata ang dalawa at mukhang masaya pa. Dahil ang alam ng mga ito naron siya at bihag.
BINABASA MO ANG
MY SWEETEST SURRENDER (Obsession Series 1)
General FictionSTATUS: COMPLETED (UNDER REVISION AND EDITING) You're my ecstasy fire and gasoline.