Part 15: Caught In Act

671 40 21
                                    

Rita's POV

Naging steady lang ang routine namin ni Ken na susunduin ako after work tapos sabay kaming uuwi sa kanila para mag hapunan at mag spend ng time kay Kendra, tapos ihahatid niya naman ako sa bahay pabalik. Nasanay na kami at wala namang problema. Pero nahihiya na ako kay Ken. Pero hindi naman kasi ito nagrereklamo. Sabi pa nga niya "Basta mahal ko ang tao hindi ako mapapagod na pagsilbihan yan." 🙈❤️

Araw-araw may mga sorpresa siya na binibigay, minsan sumasali na din siya sa amin ni Kendra na ginagaya ang mga iba't-ibang sayaw na makikita niya sa YouTube, pinagluto niya na rin ako ng ulam. Masarap pala siyang magluto. A lot can truly happen in a day kaya every time I am with him, I make sure na well-spent yon.

Hanggang sa dumating ang Sabado. Eto na maglilipat na kami. Maagang dumating si Ken so may time pa na ipakilala siya kay Lola Rosa.

"Abogado ka? Sigurado ka?"
Tanong ni Lola Rosa kay Ken.

"Haha lahat po yata ng tao na nakikilala ko hindi po naniniwala na abogado ako La." sagot ni Ken.

"Talaga? Wag mong mamasamain ha. Kasi anak, mukha kang mabait. Diba yung mga abogado, matatapang? Parang naghahanap ng away palagi yung mga mukha nila eh."

Natawa naman si Ken sa sabi ni Lola Rosa.

"Nako mabait po talaga si Ken la, tsaka promise abogado yan. Isa sa pinakamabait at matulungin na abogado. Diba mahal?"

"Awww na touch naman ako doon mahal. Salamat."

Hinalikan niya ang noo ko.

"Tama na yung harutan pwede niyo naman kami tulungan muna ni Makoy na magbuhat ng mga gamit diba?" sabi ni Joana.

"Ay sorry bakla haha"

Unti unti na naming binuhat yung mga gamit namin papunta sa van ni Ken. Mga maleta, mga durabox, yung mini ref, yung gas stove, mga pinggan at kubyertos, yung maliit na mesa at apat na upuan, maliit na TV, electric fan, foams, bedsheets, kumot, mga unan, tsaka yung kama namin na dinis-assemble muna namin para magkasya lahat. Pero hindi nag kasya. Haha. Inuna na ni Ken at Makoy yung mga mabibigat at malalaki na gamit doon sa bago naming bahay. Binalikan na lang nila kaming tatlo kasama ang mga iba pang natitirang gamit.

Mabuti na lang talaga na nandito si Makoy at Ken.

Napalingon kami ni Joana sa bahay at nag-senti na nagpaalam tsaka nagyakapan kami. Ito na kasi ang kinalakihan namin na bahay mula first year high school. Malungkot kasi marami kaming alaala dito kahit na maingay at masikip, may mga masasayang alaala din kaming nagawa dito kasama si Lola Rosa.

Pagkadating namin sa bago naming bahay, nakita ko ang ngiti ni Lola Rosa.

"Hala anak? Dito na tayo titira? Ang ganda ah."

"Oo la dito na. Ayan may kapit bahay tayo dyan may mga bata din dyan. Ayun sa tapat ng bahay may mga ka edad ka rin dyan la mag make friends ka na lang dyan."

"Nako sementado. Naka tiles pa. Nako salamat, Rita, Joana, ha?"

"Syempre mahal ka namin la!"
Sabi ni Joana.

"Kulang pa nga to la sa lahat na pag aaruga at pagmamahal mo sa amin ni Joana La." Sabi ko naman kay Lola.

"Hay tama na ang drama. Again, back to work tayo!" Sabi ni Joana

Ang saya namin na nag a-arrange ng mga gamit sa bahay. Nagkukwentuhan at nagkukulitan kami.

Pagpasok mo ay may konting space pa for sala. So mukhang mapapabili na kami ni Joana ng furniture nito ah. Tapos Dining area, at isang kwarto, kasya naman ang dalawang kama. Syempre tabi kami ni Joana and yung isa, kay Lola Rosa. Katabi naman ng kusina ang banyo sa bandang likod. Ok na ok na sa amin ito. Ang saya tingnan yung pinag ipunan namin ni Joana. Lakas maka saya sa puso.

DiventandoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon