ONE

18 19 0
                                    

RYLLE POV

"Ma,Pa may nahanap na kaming paaralan at doon kami mag-aaral"alam na nila mama at papa na naghahanap kami ng paaralan at alam kong maging sila ay matutuwa na mag-aaral na ulit kami,,,two years din kaming tumigil dahil sa gang namin.Mga gangster kami dati,kami ang pinakamalakas na Grupo/Gang dito sa lugar namin.

"Mabuti naman kung ganon,para hindi na mabangasan yang mukha mo! Nako kababaeng tao takaw naman sa gulo!"see? hayss kailan kaya to susuporta si mama sakin,palagi nalang kinokuntra ang mga ginagawa ko.

"Hon,wag mo ngang pagsalitaan ng ganyan ang anak mo,mabuti pang susuporta nalang tayo total masaya naman siya sa ginagawa niya"kung si mama palaging kumukuntra si papa naman ang tagapagligtas sa akin galing sa bungangera kong ina

"Kasi naman hon eh,,alam mo naman na hindi ko pinabayaan ang katawan ng anak mo noong bata pa siya,ni lamok nga hindi ko hinahayaan na makalapat sa kanya..tapos ngayong malaki na siya nababangasan na lang ng ganon ganon?"here we go again,,hayss grabe talaga to si mama kahit kailan yung katawan ko parin ang inaalala, masyadong pasyonista

"I know,I know hon,,pero hon malaki na yang anak mo alam na niya kung ano ang tama at mali,ang makakabuti o ikasasama sa kanya"Oh diba? Hahaha grabe! Kay papa na talaga ako.

"Ahm Ma,Pa mag-impake muna ako"sabay silang lumingon sa akin na nakakunot ang noo

"Bakit kailangan mong mag-impake anak? Tsaka saan pala kayo mag-aaral? Anong pangalan ng paaralan?"sunod-sunod na tanong ni papa habang nakakunot parin ang noo

"Wait isa-isa lang po mahina ang kalaban!.. Kasi pa,malayo yung location ng paaralan at sa tingin ko ay doon kami hanggang sa makapagtapos ng high school,di ko alam kung saang lugar yun sila si Rea ang may hawak sa location nun,tsaka ang pangalan ng paaralan na yun ay SCRAYNE ACADEMY doon po kami mag-aaral"mahabang paliwanag ko.
Nagtaka ako sa reaksyon nila nung marinig nila ang pangalan ng paaralan na yun..

"Bakit Pa? May problema ba?"tanong ko sa kanila na hanggang ngayon ay naguguluhan padin sa reaksyon nila

"Siguro ba na dyan kayo mag-aaral?"usisa ni mama sa akin

"Opo,may problema po ba dun?"tanong ko ulit.Nagkatinginan ulit sila Mama at Papa tapos tumingin sa akin na may alalang reaksyon...

"Mag-ingat ka dun anak!. Tandaan mo ang lahat na itinuro ko sayo"tumango lang ako kahit na naguguluhan padin at tumuloy na sa aking kwarto para makapag-empaki.

Matapos ang isang oras at natapos na din,marami akong dinalang gamit gaya ng gadgets,make-ups,at nagdala na rin ng pangself-defence.Pagkatapos ay bumaba na ako tsaka nagpaalam nila mama at papa,pinahatid nila ako sa driver namin doon sa meeting place naming magkakaibigan,pero bago magsimula ang byahe ay tumawag muna ako sa kanila

"[hello Rylle nasan ka na?! Alam mo bang kanina ka pa namin hinihintay? Pa VIP masyado,bilisan mo kung ayaw mong iwan ka namin!]"agad inilayo sa taenga ko ang cp dahil sa lakas ng boses ni Crystal

"Kahit kailan ang ingay mo! Papunta na ako dyan hintayin niyo ko dyan nalang ako magpaliwanang"pinutol ko na ang linya dahil sigurado akong bubunganga na naman yung babaeng yun

Pagkatapos ng tawag ay sumakay agad ako sa kotse at sininyasan si manong Ed aalis na kami,habang nasa kalagitnaan ng byahe ay nababagot ako kaya kinuha ko nalang ang aking iPad at nagheadset

By the way ako nga pala si Rylle Min-Young,17 years old, and only child of Ryen Min-Young and Havoire Min-Young hindi ko alam kung bakit pareho ng middle name at last name sila Papa...Kaya hindi ko na iniisip yun atleast meron akong kompletong pangalan

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising dahil sa bahagyang pagtapik ni manong Ed sa aking balikat

"Ma'am nandito na po tayo"binuksan ko ang mata ko saka nagpalinga-linga sa paligid. Bumuntong hininga nalang ako at bumaba,pagkababa ko ay nakita ko silang lahat at mukhang ako nalang ang hinihintay

SECRET ACADEMY (ON-GOING)Where stories live. Discover now