FOUR

22 12 0
                                    

Third Person POV

"Ke bago-bago gulo agad"

"Kala mo kung sino... Sigurado akong bali-bali ang mga buto niyan"

"Nako pre! Ang ganda pa naman. Sayang.."

Yan at iba pang bulong-bulongan ang maririnig mo sa loob ng room.

Ngumiti ng mala demonyo ang lalaking kaharap ni Rylle,hanggang balikat lang siya at sobrang taba pa nito. Akala ng lalaki ay natatakot ang dalagang kaharap,ngunit nagkamali siya. Dahil ngumisi din ito pabalik at saka tinaboy ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito saka sinuntok. Napaatras ng dalawang hakbang ang lalaki na ngayon ay may dugo na sa gilid ng labi.

'Tsk! Hindi ko pa nga ibinuhos ang lakas ko' sabi ng dalaga sa kanyang isipan

'Woahh' sigawan ng mga nanunood

Susugurin na sana ng lalaki ang dalaga ng biglang may pumigil dito.

"Itigil mo na yan Hyun!"sigaw ng isang binata

Tumigil ang lalaki na nagngangalang Hyun sa kanyang pagsugod at nagdadabog patungo at paupo sa kanyang upuan,pinatiran pa niya ang nakaharang na upuan dahil sa inis. Wala pang nakakasuntok ng ganon ganon lang sa kanya pwera lang sa isang lalaking kinatatakutan ng mga estudyante dito. Kaya inis na inis siya sa babaeng yun.

Habang ang magkakaibigan naman ay nagpipigil ng tawa dahil sa nangyari. Alam nilang hindi lang sana dun aabot ang away sa pagitan ng Master nila at nung Matabang pangit. Kung hindi sana sila sinita nung lalaki kanina ay sure silang may dadanak na dugo sa loob ng room.

Napapaisip din ang lalaking pumigil kanina, dahil di biro ang lakas ng babae.. For the first time ay nakuha ng babae ang kanyang intensyon,gusto niyang makita at malaman kung ano pa ang kakayahan ng babae. Tila ba napakamesteryoso nito para sakanya,dahil ngayon lang siya nakaengkwentro ng ganung klaseng babae.

Nang makaupo na ang magkakaibigan ay maya maya lang pumasok na ang kanilang guro.

Bahagyang nagulat ang guro dahil nagkaroon siya ng mga bagong estudyante. Dahil di biro ang pumasok sa akademyang yun, akademyang hindi legal ang pagpatay,akademyang puno ng mga masasamang tao,akademya kung saan pinapatapon ng kanilang mga magulang dahil ito ay subra na sa sama... Akademya kung saan ay lahat ng estudyante ay mga GANGSTER,MAFIA at ASSASSIN!!!! Lahat ng napaloob sa akademya ay sinasadyang ipatapon ng kanilang mga magulang.....pwera sa magkakaibigang bago pa lamang napasok.

Nagsimula agad ang guro sa pagtuturo. Tahimik lang ang lahat at walang nagsasalita ni isa,pero di dahil tahimik sila ay nakikinig sila. Tahimik sila dahil may kanya-kanya din itong ginagawa, ang iba ay natutulog,merong nagsa-soundtrip,meron ding nagkukulay ng kuko,merong naglalaro sa cellphone. Halos lahat walang modo ang nandito sa loob ng classroom,pwera sa bagong dating na magkakaibigan at isang lalaki na taimtim na nakikinig sa guro. Alam ng guro na isa lang ang makikinig sa kanya kaya nabuhayan ulit siya nang makita ang magkakaibigan na nakikinig din sa kanya.

Sa kabilang dako naman ay nagtitipon silang dating magkakaibigan dahil sa nangyari. Hindi sana nila balak na ipasok ang kanilang mga anak sa akademyang iyon. Akademya kung saan sila dati nag-aaral. Alam din nila kung ano o sino ang mga naroon,alam nilang mga masasamang nilalang ang naparoon o di kaya ay mga anak na tinataboy na ng kanilang pamilya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SECRET ACADEMY (ON-GOING)Where stories live. Discover now