TWO

16 19 0
                                    

CRYSTAL POV

Nakakatakot naman itong si manong,bigla-bigla nalang sumusulpot at ngayon kung ano-ano naman ang pinagsasabi akala ata niya hindi nakakatakot huhuhu

"Natakot ko ba kayo mga bata? Pagpasensyahan niyo na ahh may tinapos lang kasi ako kaya natagalan ako ng kunti"ang weird talaga nito ni manong kita na nga kung paano kami nagulat kanina tapos ngayon nagtatanong siya kung natakot ba kami? Hayss nako nako....

Hinintay lang namin na papasokin na niya kami pero di parin dada lang siya ng dada na akala mo naman eh napakagandang pakinggan.

"Pasok na kayo mga bata"hayss salamat after 1000 years pinapasok na rin kami ni Manong

"Alam niyo mga bata,bihira lang ang nakapunta sa paaralan na ito.Simula nung may napadpad din dito na magkakaibigan dahil daw sa kanilang kuryusidad,pero matagal na yun hahaha siguro patay na yung mga yun.So bad at meron na namang napadpad ngayon. Hahahaha siguro naman iba kayo sa kanila!"anong pinagsasabi nitong manong na ito? Hala hindi kaya kinakatay nila ang mga estudyante dito sa loob? OMO so scary naman pala dito huhuhu ayoko na I want to go home na T_T huhuhu

Lumapit ako kay Rea na ngayon ay mukhang natatakot na din kagaya ko

"Rea nakakatakot huhuhu"bulong ko ni Rea para hindi marinig ni manong

"Tumahimik ka nga,wag kang magpahalata na natakot ka!"bulong ni Rea pabalik sa'kin.If I know natatakot na din siya.Tumango na lang ako at iginala sa paligid ang tingin.

Mga malalaking kahoy parin ang nasa paligid,malaki pa kesa sa kanina nung bago palang kaming pumasok dito.Tumingin ako sa bandang kaliwa at tiningnan ang mga kasama ko kung may napansin sila.Si Rylle, si Rylle lang ang nakikita kong nakatingin din dun sa kaliwang bahagi na dinadaanan namin which is mas malalaki ang mga puno.Lumingon ako sa kanan at kunti lang ang mga puno doon,lumingon lang ulit ako sa kaliwang bahagi kung saan hanggang ngayon ay doon parin nakatingin si Rylle.

"*CLAP CLAP CLAP*"

"Ay puta!!!!"hooo nagulat ako don ahh napahawak tuloy ako sa aking dibdib...panira ohh kapag nalaman ko kung sino ang pumapak nun bubugbugin ko talaga

"Ayy sorry miss,nagulat ata kita....well nandito na tayo sa office at kailangan niyong pumunta muna doon para magparegestrar bilang estudyante dito!"ngumisi ito ng mala demonyo pagkatapos magsalita.

Huminto na pala kami at ako lang ang hindi nakapansin nun dahil sa lalim ng iniisip ko kanina.Kaya ayun tuloy nagpipigil ng tawa ang tatlo.

"Oh anong tinatawa-tawa niyo dyan?!"pigil ang inis kong tanong sa kanila.

Sabay lang itong umiling,kaya linapitan ko ang mga ito at babatukan na sana kaso bumukas na ang pinto sa harap namin.

RYLLE POV

Pinasadahan ko ng tingin ang pinto sa harap namin.Lumang pintuan ito at may nakaukit na 𝑺.𝑨 𝑶𝑭𝑭𝑰𝑪𝑬 kulay pula na parang dugo ang pinta nito gaya nung sa gate.Bumukas na ang pinto at sininyasan kami nung may katandaang lalaki na pumasok na daw kami kaya pumasok na sila.

"Ano pang hinihintay mo Master! Halika na!"pumasok na ako matapos yun sabihin ni Kaille

Shit! Ang weird talaga dito! Sa lahat ng paaralan na napasukan ko ito lang talaga ang pinaka weird! Pano ba naman eh ang dilim,tanging ang mga kandilang malalaki lang ang siyang lumiwanag dito sa loob.Para kaming nag ghost hunting nito kaso nga lang may mga maleta kaming dala.

Nagpatuloy lang kami sa paglakad hanggang sa naabot namin ang isang pintuan,na may nakalagay na 𝑷  𝑶𝑭𝑭𝑰𝑪𝑬 sa tingin ko ito na ang office ng principal.Binuksan ni Manong ang pinto at bumugad sa amin ang mga papel na nakakalat lang sa loob.

SECRET ACADEMY (ON-GOING)Where stories live. Discover now