1

100 8 2
                                    




"Remember the time noong 4th year back in college when you threatened me inside the washroom with Shanielle and Jiandra?" tanong  ko kay Queah habang kumakain kami sa cafeteria ng hospital

"I do. Even yung time noon noong bago mag-Christmas break." She recalled from the past as she laughed and I can't help but to remember it.

Flashback

"Shit..." mahinang bulong ko nang makita ang hitsura ng kotse ko.

Isang tao lang ang kilala kong may matinding galit at kaya itong gawin sa akin...

Tinignan kong muli ang nakasulat sa kotse ko... 'Bitch.'

My car got keyed and ruined the paint.

May narinig akong tumatawa sa likod ko. Agad ko itong nilingon at nakitang si Queah iyon.

"Ganda naman ng kotse mo." Ani niya habang pinaglalaruan ang susi ng kotse niya na tingin ko ay ginamit niya sa hood ng kotse ko

"Oo nga eh kaso pinapangit nung pangit na nagsulat." Sumandal ako sa hood at saka ikinrus ang mga braso ko.

"I think it's cute... Bagay sa may-ari bitch din naman ." Sabi pa nito

Tinaas ko ang kilay ko rito. "Hindi bagay sa akin... Ampangit ng handwriting kung sana naka-calligraphy yan baka hindi ko pa papinturahan ng bago." Sabi ko saka siya tinalikuran at sumakay sa kotse ko

End of flashback

Petty...

"Geez... I was really childish back then."Tatango-tango nitong sabi "I'm sorry..." mahinang anas nito at makikita ang sinseridad niya pati ang pagkapahiya sa kanyang iniasta.

Humarap ito kay Reia. "And sorry to you too."

Ngumiti ako rito saka hinawakan ang kanyang kamay sa ibabaw ng table "It's all good..." sabi ko sa kanya "Yeah. That's in the past saka isa pa wala naman na kami pati si Sei at Coelth." Paliwanag naman ni Reia na hinawakan na rin ang mga kamay namin

"I'm really glad we are friends now." Sabi nito "Thank you for helping me out back then..." bulong nito

Unang umalis sa paghawak si Reia at lumayo. "Ano ba yan ang da-drama niyo" umirap ito sa amin

"Oh bat magkaholding hands kayo?" tanong ng bagong dating  na si Azrich

Agad naman kaming nagbitaw ni Queah na nagpatawa kay Azrich

"Edi hawakan mo rin. Seselos ka yata sa akin at ka-holding hands ko iyang ex mo." Hindi niya tinignan si Azrich habang sinasabi iyon at itinuon ang paningin sa kinakain.

"Puppy Love ko yan Doktora." Nakangising sabi ni Azrich saka umupo sa tabi ko

Napairap na lamang ako sa hangin at hindi na lamang ito pinansin habang kumakagat sa aking  sandwhich

"Ah inisnob!" panloloko  ni Reia rito agad naman siyang inirapan ng isa

Nagpatuloy kaming kumain nang biglang magsalita uli si Reia "Oh pupunta ba kayong mamayang gabi?" tanong nito

"Pass maraming operation." Sabi ni Azrich

"Hindi ka naman inaaya." Sabi uli ni Reia para mainis si Azrich ngunit nagkibit balikat lang ang huli

Kumunot ang noo ako na agad na napansin ni Queah

"Party ni Nic mamaya." Sagot nito kaya agad kong kinuha ang phone ko upang tignan ang araw ngayon.

"Shit..." bulong ko

"Chicken feetingina nakalimutan mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Reia

"I forgot na ngayon nga pala ang balik niya galling sa States." Nasapo ko na lamang ang aking noo

"signs of aging..." bulong ni Azrich

"Shut up." Shaking my head

"Tapos naman na ang shift mo mamaya right?" naniniguradong tanong ni Queah.

Tumango lang ako rito at nagpatuloy kumain bago ako mag-rounds

"Fudge anong isusuot ko?" frustrated kong ginulo ang buhok ko habang nakatingin sa walk-in closet ko

Kinuha ko ang cellphone ko at idinial tinawagan si Reia.

"Hoy anong bang isusuot ko?" tanong ko rito nang sagutin ang tawag ko

Natawa naman to sa kabilang linya "Sa bar ang venue do wear what you used to wear noong nagpaparty ka pa." Tumawa ito

Pinatay ko na lamang ang tawag dahil wala akong mahihitang sagot mula sa kanya.

In the end I picked a deep V neck low cut sequined dress na umaabot hanggang sa itaas ng tuhod ko and also my silver high heels.

Naglagay lang ako ng kaunting make-up at ibinun ang buhok.

Kinuha ko ang clutch ko na naglalaman ng susi, cellphone, pera at lipstick saka lumabas ng unit.

Subscribe (Offer Offer duology #2)Where stories live. Discover now