Chapter 1: Sobre

109 29 35
                                    

                   STELLA || ONE

"Lipad na naman ang utak mo, Stella!" isang nakaka-binging tawanan ang narinig ko mula sa mga pa-epal kong kaklase.

Porket hindi ko nasagutan 'yang 'covalent covalent' na 'yan! Lumilipad na kaagad 'yung utak ko! Wala naman 'tong pakpak!

"Sorry, Ma'am. Next question na lang po."

"Boba! Last try mo na 'yan. Go to your seat na! Haist!"

Muling nagtawanan ang lahat habang bumabalik ako sa upuan ko. Sanay na 'ko sa kanila. Palagi na lang kasi na ako yung nagkikita nila.

Anyways, hindi naman talaga ako boba tulad nang sinasabi ni Ma'am Bagonggahasa. Scholar nga ako dito eh! May bobo bang scholar ha?! Text niyo ko kung meron.

"Awit naman, Stella. Ang dali na no'n!" sabi sa akin ng katabi kong si Pia. Close friend ko siya pero hindi bestfriend ah.

"Edi wow. Edi sana sinalba mo 'ko." medyo nakaka-inis din kasi yung mga ginagawa nila. Ginagawa nila akong Stupid, Uneducated, Hillbilly -ano pa ba? Basta ginagawa nila akong tanga!

Sadyang may iniisip lang talaga ako kanina habang sumasagot sa blackboard.

Sa daan kasi papasok ng school, may mysterious na daan papunta sa kabilang gawi. Napupuno ito ng mga puno. Even the big roots of the trees are blocking the driveway.

Medyo ang weird kasi sobrang pamatay yung awra papunta sa lugar na 'yon. Usap-usapan talaga sa dito sa'min yung napaka-laking mansion na nakahimlay doon.

At ayon ayon sa usap-usapan. Dahil tsismosa akong tanga, hindi magaganda ang naririnig ko tungkol do'n.

May naka-tira daw na engkanto, tikbalang, manananggal, mangkukulam at parang mga kampon ng demonyo. Pero siyempre hindi ako naniniwala do'n.

Ang sosyal naman kasi ng mga tikbalang at engkanto na 'yan. Sa bilyones na mansion nakatira.

Hindi ko rin naman talaga po-problemahin 'yang mansyon kung wala akong dahilan. May itim na sasakyan kasi na dumaan papunta sa loobb ng mansyon doon. Saktong pa-uwi na ako nang lumipad papunta sa'kin ang itim na sobra mula sa sasakyan.

Hindi ko alam kung nilipad mula sa nakabukas na bintana o sinadya nila palipadin papunta sa akin. Hinabol ko ang kotse pero natakot akong pasukin yung masukal na daan.

"Ano? Hindi ka pa uuwi?" napalingon ako nang tanungin ako ni Pia. Naka-alis na ang lahat, patay na rin ang ilaw sa room at naka-tayo siya sa gilid ng pinto.

Mabilis akong nag-ayos. Nawawala na naman ako sa wisyo. Nang matapos ang sabay kaming lumabas ng school.

May service siya samantalang ako ay wala. Hindi siya nag-iinsist na isabay ako dahil hindi naman kami parehas ng dadaanan. Mag-isa akong naglalakad pa-uwi.

Palagi kong madadaanan ang mapunong daan papunta sa mansyon na 'yon. Wala pang nakakakita sa amin ng mansyon at wala ring naglalakas-loob na pumasok dito.

Nasa loob ng bag ko ang itim na liham. Nagbabaka-sakaling may maabutan ako pabalik ng nito.

Alas-sais na ng hapon. Palubog na ang araw at mapapalitan na ito ng sinag ng buwan. Malas lang ngayon dahil may nakasalubong akong mga lalaki na parang ito-tokhang sa itsura.

Tatlo sila at parang nalulunod pa sa eksistensya ng droga. Nasa tapat kami ng nakakatakot na daan na tinutukoy ko. Gusto ko mang umiwas sa kanila, pero ito lang ang daan pa-uwi sa amin. Kakalbuhin ako ni Mama kapag na-late ako umuwi.

Behind The Iron Gates of FortuliaWhere stories live. Discover now