Chapter 2: Payong

82 22 14
                                    

STELLA || TWO

Busangot ang mukha kong lumabas ng bahay. Bitbit ang payong sa kanan at sobre sa kaliwa. Isa 'tong suicide mission, Mama!

Binuksan ko ang payong. Kahapon, grabe ang weather kung magpa-ulan. Ngayon, daig pa panahon ng El niño sa init. Buang lang.

"Magandang umaga, Stella!" bati sa akin ng kapit-bahay naming may maliit na karinderya.

"Hello po." famous ako dito. Bukod sa matagal na kaming naka-tira dito. Lahat na rin kasi ng batang-kalye ay naka-laro ko na.

"Huy Ella, ikaw na ba 'yan? Parang dati lang ang liit mo pa ah! Hindi ka pa nga marunong mag-punas ng sipon mo no'n."

Nangitian ko na lang din si Ate kahit gusto ko na siyang beltukan. Grabe! Ang lakas ng memory niya!

Tumuloy na ako sa pag-lalakad hanggang sa narating ko na nga ang nakakatakot na daan. Naka-tayo ako sa bungad ng driveway. Nagdadalawang-isip kung papasok o magpapa-kalbo na lang ako kay Mama.

Punyeta! Ayoko talagang pumasok! Kaso makakalbo ako ni Mama kapag umuwi ako nang mission unaccomplished.

Pumitas ako ng bulaklak. Tinanggal ko ang isang petal nito.

"I will enter.." tinanggal ko ulit ang isang petal.

"I will not enter.." tinanggal ko ulit ang isang petal.

"I will enter.."

"I will not enter." nang makita kong nag-iisa na lang ang petal ay alam ko nang papasok na talaga ako. Kaya hinati ko pa sa dalawa ang petal.

"Hehe. I will not enter."

Tumalikod na ako pauwi. Haha! Akala ba ninyo wala akong basehan? Goodbye maderpakers! Okay lang makalbo kesa mamatay!

Nagulat ako ng biglang humangin ng malakas. Bumaliktad ang payong ko at nagmistulang dish satellite ng kapit-bahay! Gamit ang dalawang kamay ay ibinalik ko ito sa dati ngunit nilipad ang hawak kong sobre!

Tangina marunong umuwi yung sobre sa kanila!

Hinabol ko naman ito papasok sa driveway. Ang init-init tapos ang lakas ng hangin?! Depungal na weather 'yan! Nakayuko ako habang tumakbo. Daig pa kasi ng palaka ang sobreng ito. Marunong tumalon!

Sa wakas! Nakuha ko rin ito. At nahulog ang panga ko sa aking nakita. Kung alam niyo ang Garden of Eden, pwest itulad niyo ito sa itsura ng mansyon.

Mukhang hindi naman talaga totoo ang mga usap-usapan. Sa itsura ng mansyon, masasabi ko na parang anghel ang naka-tira sa loob.

Itim na itim ang malaking gate. Pero makikita pa rin naman ang malaking victorian mansion sa loob. Kinatok ko ang gate.

"Tao po." ang bobo lang no? Anong akala ko sa gate? Pinto?

Wala kasing doorbell, wala ring mailbox para sa sobreng hawak ko. Muli akong sumigaw.

"May tao po ba diyan?!"

Wala pa ring lumabas mula sa mansyon. May malaking fountain sa labas at napapaligiran ang buong mansyon ng mga naglalakihang mga puno kaya naman walang pumapasok na sinag ng araw dito.

"Shoppee delivery po!" biro ko sa sarili ko. Awit, ang corny ko e.

Tinulak ko ng marahan ang gate. Hindi ito nakasara kaya pumasok na ako. Hindi naman siguro nila sasabihing tresspassing ako?

"Ang ganda. Kung walang naka-tira dito, yayaan ko na lang si Mama." tugon ko habang lumilinga-linga.

Naka-lapit ako sa malaking double door. Muli akong kumatok at nagsalita. Matagal akong nag-hintay pero wala pa ring nagbubukas ng pinto.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: May 11, 2020 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Behind The Iron Gates of FortuliaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt