HHS: Chapter 4

18.5K 431 46
                                    

Nakarating na kami sa America at pumasok na sa mansion ni kuya Dexter at ate Therese. "Zachhyyy!" Tumakbo naman si Zach papunta kay ata Therese. Niyakap ni Zach si ate. "Nakooo. Big boy na ang pamangkin kooo. Do you want to play inside? I have a big toy car for you baby." Pumasok naman si Zach kasama si ate.

"Kamusta ka na Zarah? Ano ba ang buong dahilan kung bakit kayo bumalik agad agad dito sa America?" Ito na ata ang oras. "Kuya. Nakita ko si Joshua doon sa playground na paburitong puntahan ni Zach. Nandoon siya sa gilid. Nakatinggin saamin. Habang pinuntahan kami ng isa sa mga tauhan ni Joshua." Tininggnan ko si Zach sa malaking bintana. Naka sakay sa electric car niya. "Sigurado ka bang hindi kayo nasundan ni Joshua? Alam mo naman ang lalaking iyon. Lahat ng gusto dapat makukuha niya." Sabi saakin ni kuya. "Eh tinaboy niya nga kami ng anak niya noong una. Sigurado ba siyang gusto niyang kunin ang anak ko? Baka hindi lang ako ang babaeng na buntis non." Sabi ko. "Pero dapat mag ingat ka pa din Zarah. Lalong lalo na si Zach. Nandito na kayo sa America. Nandito na din ako kaya po-protektahan namin kayong dalawa. Mag pahinga ka muna. Kami na ang bahala kay Zach."

Pumasok na ako sa bahay at umakyat na ako sa aming kwarto ni Zach.

Hindi pa din maalis sa utak ko ang nangyari sa playground. Nandoon siya. Naka tinggin saamin ni Zach. Habang kinakausap kami ng isang tauhan niya.

J.Z.S POV

"Pabayaan mo na ang anak mo. Hindi ba't tinaboy mo ang mag ina mo? Ni hindi mo man lang pinakinggan ang sasabihin ni Zarah." Sabi saakin ni mama. Hanggang sa bumalik ang mga ala-ala na nag mamakaawa saakin si Zarah.

Flashback

"Pakinggan mo naman ako Joshua! Please lang!" Pag mamakaawa saakin ni Zarah. "Tapos na tayo Zarah! May mahal na akong iba. Ginamit lang kita! Kasi nag break kami ng girlfriend ko. At ngayon kami na ulit. Kaya pwede ba? Umalis ka na!" Iniwan ko si Zarah mag isa sa gilid ng daan. At bumalik sa kotse ko. "Sino yun babe?" Tanong saakin ni Patricia. "Wala yun babe. Halika na. Mag di-dinner pa tayo." Pinaandar ko ang aking kotse at pumunta na sa favorite na restaurant ng girlfriend ko.

-
"Ano toh Patricia!?" Nagulat si Patricia kasama ang isang lalaki na naka hubad. Pareho silang nakahubad sa kwarto namin ni Patricia. "B-babe. Let me explain baby. Akala ko n-next week ka pa u-"

"Patricia!? Nag lolokohan lang pala tayo! Nakaka gago ka Patricia! Minahal kita tapos ganto lang pala ang mangyayari!? Binigay ko ang lahat ng gusto mo! Tapos etoh!? May kabit ka!?"

Umalis na ako sa condo namin. Pinabayaan ko na silang dalawa.

Tinext ko ang aming yaya at sinabi ko na kunin lahat ng gamit ko sa condo namin.

-End-

"Oh. Natulala ka ano? Matagal mo nang iniwan ang anak mo. Tinaboy mo yung pag ka-kataon na maging tatay ka. Isang anghel ang tinaboy mo Joshua." Sabi ni mama. "Hindi ko naman alam ma na buntis siya eh." Sabi ko. "Hindi mo alam kasi hindi mo pinakinggan si Zarah. Baka nga kahit pakinggan mo pa si Zarah baka hindi mo din matanggap dahil sa malanding at pokpok na ex mo, si Patricia. Na puro pera lang ang habol sayo. Buti pa si Zarah. Galing man sa mayaman na pamilya ei hindi ni isa nanghingi ng pera ko at pera mo." Sabi ni mama saakin. "Oh. Susundan mo ang mag ina mo? Wag mo nang sundan. Uulitin ko lang ah. Matagal mo nang tinaboy ang mag ina mo. Kaya wala ka ng magagawa. Baka ayawan ka din ng anak mo." Sabi ni mama. "Hindi ako titigil mama. Kukunin ko ang anak ko." Napatinggin saakin si mama. "Hindi lang ang anak ko ang kukunin ko. Ang mag ina ko ang kukunin ko."

Zarah POV

"Pag ka gising ko ay bumaba na ako papunta sa sala at nakita ko si kuya at ate na nilalaro si Zach. Magiging mabuting tatay ang kuya ko. Makikita mo sa mga mata niya na mahal na mahal niya si ate. Kung ganiyan lang din si Joshua. Edi sana ganto ka close si Zach sakaniya.

"Oh. Gising ka na pala Zarah. Iniintay ka namin kasi kakain na tayo ng dinner. Halika." Sabi ni ate. "Nako, inintay niyo pa ako. Dapat nauna nalang kayo ate." Sobrang bait ni ate Therese. "Nakakahiya naman na mag isa ka lang kumain dito ng dinner. Halika na."

Kumain kami ng dinner. Masaya at normal na dinner. Nakita ko ang saya sa mga mata ni Zach. Makita konlang iyon ay masaya na ako. At wala na ang pagod ko.

"Kailangan mo pa bang mag trabaho?" Tanong saakin ni kuya. "Oo naman kuya." Sagot ko. "Tandaan mo Zarah. Nag tatago kayo ng anak mo. Bawal kang lumabas ng bahay hanggang maayos na ang lahat." Sabi saakin ni kuya. "Dito nalang muna kayo ni Zach. Habang kami ng kuya mo Zarah ay mag tatrabaho." Sabi saakin ni ate. Wala na akong magagawa dahil wala din naman mag aalaga kay Zach.

"Sige po kuya." Magiging maayos ang buhay mo Zach. Kapit ka lang kay mama. Ihahaon kita sa nangyayari ngayon.

 Ihahaon kita sa nangyayari ngayon

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

Vote and comment! Thank you! 💜

Hiding His SonOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz