HHS: Chapter 11 (Last chapter)

19K 376 24
                                    


Nag ready na kami ng mga dadalhin para bukas.

Sinama nadin namin si manang Ruby, para naman makapag enjoy din si manang.

"Ready ka na ba love?" Tanong saakin ni Joshua. "Yes po." Sagot ko. "Mag bi-bikini ka ba?" Tanong ni Joshua. Hinampas ko naman siya sa maskulado niyang braso. Napatawa nalang si Joshua.

-
Habang nag da-drive si Joshua nasa likod si manang Ruby at Zach. Natutulog silang pareho dahil medyo mahaba haba ang biyahe namin. Siargao kasi ang pupuntahan namin.

Pag kalipas ng ilang oras ay nakapunta na kami dito sa private resort nila Joshua.

Madaling araw kami umalis sa bahay kaya tanghali kami naka dating dito.

Walang ka tao-tao dito. Alangan. Private nga naman ei.

Nilapag ko na si Zach sa higaan niya at pinatuloy ko ang pag tulog niya. Dahil mamaya mag di-dinner daw kami sa restaurant dito sa loob ng resort.

Pinili ni Zach na matulog katabi si manang Ruby. Dahil mag lalaro daw sila mamaya ng kung ano ano at mag ke-kwentuhan pa daw sila.

Pumasok na ako sa room namin ni Joshua. Nahalata ko na kanina pa nasa phone si Joshua. Nag ta-type. Baka may work pa siya. Bakit pa kasi siya nag resort resort kung alam niyang may work pa siya sa company niya.

"May kailangan ka bang ayusin sa office mo? Dapat hindi nalang tayo nag resort muna." Sabi ko sakaniya. Ng narinig niya ang sinabi ko ay nilagay niya agad ang cellphone niya sa maliit na table sa gilid ng kama. "Wala naman love. May kinausap lang ako." Sagot niya. Tumayo siya at niyakap niya ako na parang sumasayaw. Niyakap ko naman siya pabalik. "Mahal na mahal kita Zarah." Sabi niya. "Alam ko." Sagot ko. "Wala lang man i love you too Zachy?" Sabi naman niya ulit. "I love you to Zachyyyyy." At sinunod ko ang gusto niyang marinig mula sa bibig ko.

-
Pag ka tapos naming mag lambingan ni Joshua. Lambingan lang ah?
Ay dumeretso na kami sa restaurant.

Hindi muna sumama si manang Ruby dahil may gagawin daw muna siya sa kwarto nila ni Zach. Habang kaming tatlo ay naka upo na.

Lumapit ang waiter saamin.

"As usual orders sir?" Sabi ng waiter. "Yes." At umalis na ang waiter.

"Daddy. Mag si-swimming po ba tayo bukas?" Sabi naman ni Zach. "Yes Alex. Mag si-swimming tayo bukas." Mas maganda sana kung may tao naman dito sa resort. "Parang ang boring naman Joshua dito kasi walang masyadong tao." Sabi ko. Habang nag smirk lang si Joshua. Baliw ba toh? Oh ano?

Pag katapos namin kumain. Dumeretso na kami sa kwarto namin.

Ang sabi ni manang Ruby ay siya na ang bahala mag pa tulog kay Zach. Mag pa-hinga nalang daw kami ni Joshua.

"I can't wait to see you in bikini love." Sabi saakin ni Joshua. "Nakita mo na nga akong nakahubad tapos bikini pa." Sagot ko. "Bakit? Muhkang gusto mo na ata mag hubad sa harap ko." Sabi niya at sabay smirk. "Loko. Baliw ka talaga ano?" Na pangiti naman si Joshua.

"I can't believe it Zarah. Na nandito ka na ulit sa akin." Sabi niya. "Binigyan lang naman kita ng pag kakataon Joshua. At pinatunayan mo na nag bago ka na. Sa harap ko at harap ng anak natin." Hinawakan ko ang muhka ni Joshua at pinunasan ang mga luha niya. "Gusto ng anak ko ang kumpletong pamilya Joshua. At gusto ko din yung Joshua. I love you so much Zachy. Hindi na kami mag tatago ng anak mo. Hinding hindi na."

Pag katapos ng kwentuhan, lambingan, ay natulog na kami ni Joshua.

-
Nag bihis na ako ng aking black bikini swimwear. At pinatungan ng see trough cardigan.

Lumabas na ako at nakita ko ang mag ama ko na nag lalaro na sa tabing dagat.

Nilagyan ko na ng sunblock ang mag ama ko. At pinatuloy ko na silang mag laro.

Tinalsikan ang ng tubig ng mag ama ko. At binuhat naman ako ni Joshua. "Ano ba Joshua! Yung cardigan ko mababasa!" Tinanggal naman ni Joshua ang cardigan ko. At hinulog na sa tubig. Habang ang makulit kong anak ay tumatawa naman kasama si manang Ruby.

"Close your eyes love." Utos saakin ni Joshua. "Bakit-" "Just close it love. Sinunod ko naman ang utos ko at wala akong naramdaman kundi ang tubig, dahil nasa tabi ako ng dagat.

"Open it." Binuksan ko na ang mga- Mama!? Nandito sila kuya. Mga pinsan ni Joshua. Sila Bella. Si Vincy at ang boyfriend niya at siyempre si Jana at ang asawa niya. Nandito din ang nanay ni Joshua.

"Zarah." Lumuhod sa harap ko si Joshua. "Nag ka mali ako na iniwan kita sa daan. Pero simula ng nakipag break ako sa ex ko. Hinanap kita. Kung nasaan ka. Hanggang na hanap ka ng tauhan ko na buntis. Nilapitan ko ang nanay mo. At sinabi niya ang lahat ng totoo saakin. Tinanong ako ng tatay mo kung gusto ko bang lumapit saiyo at ayusin ang relasyon ko. Pero ang sinabi ko ay wag muna. Palihim kong binibigyan ang asawa ni Jana at binibigay niya sayo na akala mo ay sweldo mo. Pero pera ko yun. Ng nalaman ko na aalis kayo ng anak ko ay hindi naman sinabi ni mama na makikipag kita siya sainyo. Nagalit ako ng kunti pero alam ko naman ang dahilan mo. Kaya sinundan ko kayo at kinausap ako ni Zach na kina gulat ko. Kilala pala ako ng anak mo. Hanggang sa naging mabuti na ang lahat. Binigyan mo ang ng dalawang buwan, at pinatunayan ko ang totoong ng bago na ako. At hindi kita binigo." Pinunasan ko ang mga luha na tumutulo sa mga mata ko. "Zarah William. Will you marry me?" Nag sigawan naman ang mga pamilya namin. "SAY YES NA SIS! ARTE KA PA AH!" Sigaw ni Vincy. "Joshua. Of course yes..." Tumayo naman si Joshua at hinalikan ako at sinuot na ang ring sa daliri ko.

"YIEEE! IKAKASAL NA ANG BESHY NAMIN!" Sigaw ng mga kaibigan ko.

"Ikakasal na si mommy and daddy! Yeeyy!!"

"I love you so much soon to be Mrs. Sterling."

"I love you more my soon to be Husband."

-
"At iyon ang love story ni mommy and daddy. The end..." Nakita kong natutulog na ang mag a-ama ko. Tulog na ang bunso kong babaeng anak na si Jeremiah at ang panganak ko naman ni si Zach. At nakitulog nadin ang aking asawa. Hinalikan ko isa isa ang mga noo ng aking mag a-ama.

"I love you all..."

Thank you for reading! Love y'all and God bless! 💜

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Thank you for reading! Love y'all and God bless! 💜

Take care! 🤗

Hiding His SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon