My Nerdy Princess

1.4K 23 6
                                    

"Hazel, pwede bang kumalma ka muna?" Iritadong saway ni Trixie. Tuloy parin sa palakad lakad si Hazel, parang naiinip. "Di ka titigil diyan?"

"Di ka titigil diyan?" Hazel mocked her. Mabuti nalang dumating na si Jane, baka lumala pa eh. "Wow!? Bilis mo ah!?"

"Sorry, I had errands to do." Pagpapalusot niya. Sinungaling! Wala naman siyang gagawin ngayon eh.

"Oh tara na, ma-late pa tayo. Tahimik lang yung isa diyan pero naaatat na yan makita bebe niya." Pagtukoy ni Trixie sa'kin.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Whatever. Tara na!"

"Sabi sainyo excited eh!" Sabi ni Hazel at tinusok tusok ako sa tagiliran. "Hay! Parang dati lang fictional character mga pinagpapantasyahan mo! Ngayon may bebe ka na!?"

"Ang ingay mo!" Sabi ko at tinakpan bibig niya. Kararating lang namin, pero marami na agad tao. Late na kasi kami, kasalanan 'to ni Jane eh!

"Woooooh, let's go Mig-gy!" Sigaw ni Hazel at tumakbo papasok.

'Parang tanga talaga!'

"Tara na, hinihintay ka na ng bebe mo." Siko ni Trixie sa'kin at nauna pumasok. Sumunod naman sakanya si Jane.

'Huhu nahihiya na ako. Paano ba naman kasi malapit na matapos, ang late ko dumating. Baka magalit siya sa'kin. Ano gagawin ko? Huhu ayoko na.'

"Pota ano na!?" Nababagot na sabi ni Trixie at hinila ako papasok. Pagkapasok namin ay agad na bumungad sa'min ang maiingay na hiyawan galing sa mga manunuod.

"Woooh pota, Miggy durugin mo yang mga yan! Oy! #5 Pisatin mo, oh oh ayan! Tadyakan mo urur!"

'Hazel, basketball ito...'

"Ang ingay mo," saway ni Jane kay Hazel na nagwawala. "Maka-cheer ka, ikaw yung bebe ha?"

"Ayaw niya naman i-cheer eh!" Turo ni Hazel sa'kin nang naka-nguso. "I-cheer mo naman oh! Pagod na pagod na, mukhang kanina ka pa hinahanap, kanina pa palingon nang lingon sa kung saan eh!"

Tumabi ako kay Hazel at agad kong nakita si Miggy mula sa kinatatayuan namin. Tama nga si Hazel, kung saan saan lumilipad paningin niya.

'Kanina mo pa siguro ako hinahanap. I'm sorry, si Jane kasi ih!'

"Woooh let's go boys! Go, go, go!"

Sabay kaming napalingong apat sa nag-cheer.

"Tingnan mo 'tong bayot na 'to oh," bulong sa'kin ni Hazel habang tinuturo si Janine. "Pabagsakin na natin 'to habang may chance."

Siniko naman siya ni Jane nung narinig niya ang sinabi niya, "gaga! mapapagalitan ako pag-uwi, tumahimik ka nalang."

"Edi kagatin mo," advise niya kay Jane.

"Let's go, babe!" Sigaw ni Janine na ikinagulat naming lahat.

"Babe!? Ang kapal niya talaga ah!?" Sabi ni Hazel na akmang tatayo. Pinigilan ko siya bago siya maka-gawa ng escandalo.

Kaya kusa akong tumayo at sumigaw, "HOY MIGGY, KAPAG IKAW HINDI NANALO, LAGOT KA SA'KIN MAMAYA!"

Natural na sa'kin mapunta ang atensyon ng lahat, pero tanging kay Miggy lang ako naka-tingin.

"Hindi ko alam kung cheer ba ginagawa niya o pagbabanta," sabi ni Trixie.

Rinig na rinig naman ang pabagsak na upo ni Janine nang tumayo ako. Sorry, classmate, pero akin po kasi siya. Huwag kang nakiki-babe ah?

Nilipat ko ulit ang tingin ko kay Miggy. Nakatingin siya sa'kin nang naka-ngiti.

Pagkatapos ng mga ilang sandali, nanalo sina Miggy! Mvp pa siya! Agad kaming pumunta sakanila at cinongratulate namin.

"Bab!" Bati ko at yumakap sakanya. Binuhat niya ako at inikot ikot ako. "Tama na, nahihilo na ako."

"Kala ko hindi ka pupunta.." nagtatampo kuno niyang sabi. "Sayang, ipapatalo ko na sana."

"Heh, wala kang tiwala talaga sa'kin ano?" Simangot ko.

"Sino ba naman kasi pupunta nang patapos na?"

"Sige, uuwi na ako."

"Uy, joke lang." Sabi niya. Akmang aalis ako nang hilain niya kamay ko.

"Ang korni niyo," singit ni Trixie. Inakbayan naman siya ni Dexter na ikinagulat namin.

"Inggit ka?" Turo ni Dexter sa'min. Namula ang buong mukha ni Trixie at tumingin sa malayo.

"Pake ko sakanila. At bakit ka naka-akbay sa'kin? Ang baho mo, lumayo ka nga." Tulak niya rito pero hindi ito natinag.

"Arte mo ah," Kamot-ulong ani Dexter.

"Hala? Ako nalang ba walang jowa dito!?" Turo ni Hazel sa sarili niya.

"Si Jane pa.. asan nga siya?" Tanong ko at hinanap siya.

"Ayon.. umalis na, deretso sogo yata," Trixie smirked. Lumaki ang mata ko, hindi ako maka-paniwala. Speed lang? Walang paalam?

"Oy! Kain raw sabi ni Coach! Treat niya!" Sabi nung isang teammate ni Miggy.

"Ge lang, mauna na kayo." Sabi ni Miggy sakanya. Nginusuan lang siya nito.

"Ay sauce! Palibhasa may jowa na.."

"Oo naman! Bebe muna," sabi ni Miggy at hinila ako palayo.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.

Nginitian niya lang ako pero hindi niya ako sinagot. Maya maya nalang ay nakarating kami sa parking, dumiretso kami sa kotse niya.

"Hoooy, baaab? Saan tayo pupunta?" Tanong ko ulit sakanya.

"Hush, child. Ang ingay mo." Saway niya sa'kin at pinagbuksan ako ng pinto sa shotgun seat.

"Ayaw pa kasi sabihin eh, pabitin ampots."

"Atat ka naman masyado eh," sabi niya at pumasok sa kotse. Pinaandar niya agad ito at nag-drive.

Unfamiliar yung streets na dinadaanan namin, hindi naman kasi ako taga rito. Tahimik kami sa byahe. Mukhang malalim yung iniisip niya.

"Bab," tawag ko sakanya.

"Bakit?"

"Are you happy?"

"Why wouldn't I be happy?" Pagbabalik niyang tanong.

"Is there something wrong?" Tanong niya muli.

"Wala lang.."

Ang dami kong gustong sabihin sa'yo, pero hindi ko magawa. Nahihiya ako, baka ma-kornihan ka.

"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na." Sabi niya at lumingon siya sa'kin saglit.

"Alam mo ba nung una nagdududa ako sa feelings ko.. May times kasi na feeling ko na hindi sincere nararamdaman ko para sa'yo. Nakuha ko ata 'to kay Ma eh, lol. Natakot ako na baka mabilis kitang pag-sawaan, nakaka-gago diba?

"Buong buhay ko hindi ako nagkakagusto sa lalake. Nasa utak ko na yon na walang makakapasok sa puso ko, na walang worth it. Pero nang makita kita parang pinwersa mo sarili mo sa loob ng puso ko, kaya ngayon hindi ka na makalabas. Nakakaasar pero nang dahil sayo nag iba ang tingin ko, at sa tingin ko mahal na kita."

My Nerdy Princess (Epistolary)Where stories live. Discover now