Chapter 3

35 7 9
                                    

[VIENNE]

Anong gagawin mo kapag pakiramdaman mo ay sobra na ang mga pagsubok na ina-allow ng Diyos sa buhay mo?

I want to blame God now because of what happened kay mama. Gusto ko na Siyang kuwestyonin dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon pero...

Pero may parte sa puso ko na hindi ko dapat gawin iyon. At may parte din sa puso ko na ayos lang. Na ayos lang na magpakatotoo kay Lord tulad ng sinabi ko noong una.

Dahil sa sobrang sakit ay pinili kong tanungin ang Diyos at nagpakatotoo sa harap Niya.

Bakit ganito? Ano bang plano Mo?

Marahang may tumapik sa balikat ko habang nakaupo ako dito sa gilid ng pasilyo ng ospital. Tahimik akong nakikipag-usap kay Lord. Inangat ko ang tingin ko at bumungad sa akin sina Marco at Mariel na may pagtatantiya ang mga tingin sa akin. Kita ko sa mga mata nila ang takot at pag-aalala.

Iniwas ko ang tingin sa kanila at tumingin na lamang sa sahig ng ospital. Si tita na ang kumausap sa pamunuan ng ospital para sa mga dapat asikasuhin sa paglabas ng katawan ni mama.

Luigi is nowhere to be found. Umalis ito kanina at hindi namin alam kung saan nagpunta, but I trust my brother. He won't do anything to harm himself. He just need space, I think. At sa sobrang panghihina ko ay wala akong lakas para hanapin ang kapatid ko. Marco said na hinahanap na siya nina Pastor. Our churchmates came at sinamahan din kami.

Lumapit sa akin si Mariel at inayos ang nagulo ko sigurong buhok at inayos ang mukha kong puno ng luha. My eyes are swollen, I'm sure. Narinig ko din ang pagsinghot ni Mariel kaya naman napatingin ako sa kanya. Maga din ang kanyang mga mata habang inaayos ang buhok ko at pinupunasan ang mga luha sa pisngi at mata ko.

It's past midnight and umuwi na ang iilang churchmates namin. God gave me the strength to thank them earlier sa pagpunta nila na kung iisipin ay pwede naman silang pumasyal bukas na lang sa bahay, but they decided to come here to comfort me and my brother.

Tahimik lamang sa tabi ko si Mariel at Marco, waiting for me to stand up at ngumiti sa kanila.

But I think somehow, alam din nila na hindi ako makakangiti ngayon. They'll patiently wait there with me hanggang sa maiuwi na namin si mama sa bahay mamaya at panibagong mga araw ang haharapin na wala na siya sa tabi namin.

I surrendered everything kay Lord at marahan akong tumayo mula sa kinauupuan. My two ever dear friends Marco and Marielle helped me to get up, assuring me that everything will be okay.

Five years later...

"Engineer, heto po 'yung pinapapirma ni architect. Need na daw po mamaya kasi iyan," nakangiting bungad sa akin ni Jason dito sa site ng ginagawang malaking stadium sa Pampanga. Mataas ang sikat ng araw pero kaya naman.

Inaya ko si Jason na sumilong kami sa lilim ng isang puno sa gilid lang ng construction, para na din mabasa ko ang pipirmahan ko.

"Kumusta naman ang asawa mo, Jason?" Tanong ko habang binabasa ko ng mabilisan ang dokumento bago pirmahan.

"Ayos na ayos lang siya, engineer! Sobrang cute ng baby namin!" Sabi nito at halata sa boses ang saya niya.

"Maraming salamat sa regalo mong crib, engineer! Nakatipid kami ni misis!" Sabi pa nito kaya naman natawa ako.

"Napansin kong malikot ang baby n'yo, kaya sinigurado kong matibay iyon!" Sabi ko naman. Noong isang araw ay pina-dedicate ang baby nila sa church at invited ang buong department namin.

Ibinigay ko kay Jason ang dokumento matapos kong napirmahan at mabilis naman na siyang nagpaalam dahil madami pa daw siyang gagawin. Isa sa mga foremen si Jason at sobrang sipag niya. He reminds me of my father kaya naman sobrang magaan ang loob ko kanya.

Napatingala ako sa langit kahit pa sobrang taas ng araw. Napapikit ako dahil hindi natagalan ang liwanag.

I smiled.

It's been five years simula nung mamatay si mama and hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nalampasan namin iyon ng kapatid ko. That midnight when our mother died, I questioned God and aaminin ko, it came to the point na sumuko ako. Ilang weeks akong hindi nagchurch, kasi pinakinggan ko ang nasasaktan kong puso.

But then, na-realized kong hindi ko pala kakayaning lumayo ng matagal kay Lord. Mas masakit ang wala si Lord sa buhay ko and I still remember the night that I prayed like I never prayed before to ask God to forgive me and to help me stand up again.

And He did. His grace is present when our strength isn't.

I learned that serving Jesus is not all about emotions -- it's a decision. A firm decision kaya naman hindi puwedeng kapag okay ka ay doon ka lang magp-pray. I have learned that whatever season we are in sa ating mga buhay, we should thank Jesus and worship Him because He's all worthy.

Me and my brother are okay now, maayos ang aming buhay at natupad ang pangarap.

I'm a licensed civil engineer now while my brother is currently taking his masters sa pangarap niyang university sa Manila. He's a teacher now. Once a week lang kami magkita dahil sobrang busy niya din sa thesis niya na malapit ng i-defend.

"Kailan ka free?" Halos sigaw na bungad sa akin ni Marielle, narinig ko na lang ang pagtawa ni Marco sa kabilang linya. I sit comfortably dito sa upuan ng temporary office namin sa site. Break ko kasi.

"Namiss n'yo 'ko ng sobra?" Pang-aasar ko. Narinig ko sa kabilang linya ang pagkukulitan ng mag-nobyo kaya napangiti ako.

Yes, si Marielle at Marco na. After graduation namin ay nagpaka-ninja na si Marco sa kaibigan kong laging maingay, pero nagiging tahimik kapag inaasar na ni Marco.

"S'yempre 'no! Ba't kasi sa Pampanga ka pa na-assigned?" Naiinis na tawa nito. Sumandal ako lalo sa upuan ko at pumikit. Pinaikot ko iyon ng marahan.

"Ngayon lang naman. After nito, ang sabi ni Engineer Ruiz ay sa Manila na lang niya ako ia-assign." Paliwanag ko. Nasa iisang company si Mariel at Marco while ako naman ay nahiwalay. Well, okay lang naman sa akin na hindi sila kasama sa work, training din sa 'kin para masanay na wala sila minsan sa tabi ko. Hindi ko naman sila laging makakasama.

"This Saturday let's meet? Uuwi din si Luigi that's why need kong umuwi this weekend," sabi ko dahilan para tumili si Marielle sa kabilang linya. It's twelve at lunch break din nila.

Natawa ako sa patuloy na pagtili ng kaibigan ko. I really missed them both.

I gently stepped on the gas habang marahan kong tinatahak ang SCTEX pabalik ng Manila ng Friday ng gabi. Gusto kong makabalik ulit ng bahay ng maaga para bukas ng umaga ay madatnan ako ng kapatid ko.

Madilim na sa labas kaya naman doble ingat ako, pero hindi ko maiwasang mapahinto ng may madaanan akong sasakyang nakahinto sa gilid ng kalsada. Ang alam ko wala naman talaga gaano humihinto sa mga expressways unless nasiraan.

What happened?

To be continued...

Refueled FaithDonde viven las historias. Descúbrelo ahora