Chapter 20

28 3 0
                                    

[VIENNE]

"I'll meet the worship team tomorrow after service, para ma-relay na sa kanila ang napag-usapan tonight," sabi ni Jill habang nagsusulat sa notebook niya. She's the leader of the worship team.

"Habang maaga, talk about the songs to line-up na din," sabi ni Claire. She nodded kay Jill bago ito nagpatuloy magsulat.

"Ate Vienne, gumawa na ako ng form noong isang araw for the details ng mga new comers," sabi sa akin ni Ayen, ang secretary ng youth sabay pakita sa akin nung laptop niya since magkatabi lang naman kami. Tumangu-tango naman ako ng makita ang ayos nung form. Ipinakita ko iyon kay Claire na katabi ko lang din. She thanked Ayen for it bago ibalik ang laptop nito.

"Vienne, kumusta ang mga invites natin?" Tanong ni Claire sa akin kaya naman kaagad kong inilipat sa kanyang harap ang laptop na dala ko. I presented to her the names and contact numbers ng mga youth na napasyalan ko sa campus noong isang araw, specifically sa campus nina Luigi din.

"We are expecting more than 200 youths, wala pa ang mga youth natin and mga attendees for the last months," sabi ko. Claire smiled widely at tinapik ako sa balikat.

"Praise God, ang dami," she said. Busy ang iba sa ginagawa. Some are talking about the design ng church, ang iba'y sa food, sa cleaning, sa sasakyan para sa hatid at sundo, and to contact and meet the guest speaker para sa gabi ng event.

I'm part of evangelism ng church, kasama ang tatlong youth pa namin ay pumupunta-punta kami sa iba't ibang campuses to invite them and share Jesus.

William and Brandon are busy talking about the finances or sa budget na gagamitin para sa gabing iyon. I'm somehow relieved kasi nakikita ko namang masaya si William sa trabaho niya kahit hindi naman talaga iyon ang pinangarap niya.

I'm still curious about doon sa napag-usapan namin noong isang gabi pa. Sometimes, gusto ko ng tanungin si Pastora Grace or si Brandon pero nahihiya ako.

And I'm not sure if it's really appropriate for me to ask dahil hindi pa naman kami ganoon kalapit ni William. It might be awkward for him kaya naman hanggang sa pagmamasid na lang muna ako sa kanya.

Sabi niya noong isang araw ay for good na sila dito ni Faith sa Manila, and once a month na lang siya pupunta ng Batangas to assist his tito sa trabahong tinurn-over sa kanila.

Natapos ang meeting ay doon pa lamang sinerved ang pagkain sa mesa namin.

"Kain na!" Sabi ni tita sa amin matapos ilapag ang mga pagkain. Maraming putahe ang nasa harapan namin, iba-iba.

"Wow, mukhang masarap lahat!" Sabi ng mga kasama ko habang pinagmamasdan ang mga pagkain.

"Hindi lang mukhang masarap, masarap talaga!" Sabi ni tita Meng kaya naman napapalakpak ang iba.

"Let's pray na!" Sabi ni Claire bago kami kumain.

I'm happy because they really enjoyed the food. Habang ine-enjoy nila ang Maja Blanca ni tita Meng ay inaya ko si tita sa office niya.

Kasama si Timothy ay pumunta kami ng office niya, nagtataka si tita ng makitang kasama ko si Tim na pumasok sa office niya.

"Upo ka, Tim," sabi ko kay Tim. Naupo si tita Meng sa swivel chair niya sa tapat ng kanyang table at tumingin sa aming dalawa.

"Anong pag-uusapan natin, Vivienne?" tanong ni tita habang nakatingin na kay Tim din. Napangiti ako kay Tim na nakayuko at nahihiya kay tita.

"Tita Meng, si Timothy po," pakilala ko kay Tim. Tumayo naman si Tim at muling nagmano kay Tita. Tita smiled pero napansin kong may pag-aalinlangan iyon.

"Sino siya, Vivienne?" Tanong na ni tita. Lumunok muna ako, praying na okay lang kay tita Meng. Ikinuwento ko sa kanya kung paano ko nakilala ang bata, at siya man ay naawa sa kalagayan ni Tim.

"Kahit gaano kahirap ang buhay noon, hindi naisip ng mga magulang n'yo na ipamigay o itapon kayo," sabi ni tita Meng. Napangiti ako.

"Masaya ako tita, kasi kahit na nawalan din kami ni Luigi ng mga magulang, hindi mo kami iniwan," sabi ko. Ngumuso naman si tita, halatang nagpipigil ng ngiti.

"Hindi ko nga kayo iniwan, pinahirapan ko naman kayo," malungkot niyang sabi.

"Tita, tapos na 'yon, okay na man na tayo di ba?" Nakangiti kong tanong sa kanya. She smiled at me at muling tumingin kay Timothy nagmamasid sa aming dalawa.

"Ikaw iho, hindi ka ba galit sa tito mo na iniwan ka na lang basta?" Tanong ni tita sa kanya. Marahang umiling si Timothy.

"Hindi naman po. Hindi na po kasi nila ako kayang buhayin," paliwanag ng bata kaya napatingin sa akin tita na may pagkamangha.

"Ilang taon ka na?" ani tita Meng.

"Twelve po," sabi niya. Napatangu-tango si tita at ngumiti.

"Vivienne, sabihin mo na. Anong balak mo?" Tanong ni tita Meng.

Hinaplos ko ang buhok ni Timothy at ngumiti sa kanya. He smiled at me na may pag-asa sa mga mata.

"Sa susunod na Martes po ay pupunta kami nina Luigi sa Cebu, sa mga kamag-anak ni Tim," simula ko. Tumango si tita.

"Magiging okay lang kayo?" Tanong ni tita Meng.

"May mga kasama naman po ako, kaya naman po namin," sabi ko. Last week kasi ay napag-usapan namin nina Luigi at William ang tungkol sa bagay na 'to. Sasama silang dalawa sa amin ni Timothy.

"Sasama 'ko," biglang sabi ni tita kaya naman parang kinurot ang puso ko.

"T-Tita Meng..." naiiyak na tawag ko sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin at medyo ngumuso. Napangiti na ako.

"Ako ang legal guardian mo, dapat nandoon ako sa desisyon na gagawin mo, Vivienne," sabi niya. My eyes started to water dahil sa sinabi niya.

This is the first time na sabihin niya iyon. Kaya sobrang uminit ang puso ko.

"Thank you, tita Meng," sabi ko. Ngumiti ng malapad si tita at tumingin kay Timothy ulit.

"Kailan mo 'ko tatawaging lola?" She asked kaya natawa ako. Niyakap ko si Timothy na nakangiti na ng malapad ngayon dahil sa saya.

Yes. Tita Meng will be Timothy's lola.

Dahil aampunin ko si Timothy.

He'll be my son.

To be continued...

Refueled FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon