Chapter 12

36 4 0
                                    

[VIENNE]

Lumipas ang mga araw simula no'ng pasyalan ko si tita sa restaurant niya. Balik ulit sa normal na buhay, sa trabaho ko dito sa Manila. May bagong project na ibinigay sa akin kaya naman medyo busy.

Luigi is graduate na sa kanyang Masters kaya naman sa bahay na siya umuuwi, di bale na lang kung sobrang dami niyang ginagawa ay doon sa apartment niya pa rin siya mags-stay.

"Overtime?" tanong sa akin ni Sam dito sa opisina namin sa site ng bago naming project. She's our surveyor for this project. Inaayos ko ang mga papeles na kailangang papirmahan sa ibang engineers bukas, sa akin kasi hinabilin ng architect namin na nag-leave ng dalawang araw.

"Hindi naman, inaayos ko na lang 'to tapos uuwi na din ako mamaya." sabi ko, then she smiled before siya nagpaalam at umuwi.

Palabas na ako ng office when I heard a thunder roared. Mukhang uulan pa yata.

At hindi ako nagkamali. Habang puwi ako ay bumuhos ang malakas na ulan. Binuksan ko ang radio ng sasakyan ko at napag-alamang may bagyo pala.

Nagdahan-dahan ako sa pagmamaneho dahil malakas pa din ang buhos ng ulan.

I parked the car near the convenience store na malapit na lang sa lugar namin. Nag-text kasi si Luigi na nakauwi na sa bahay at may ipinapabili.

Bitbit ang payong ay marahan akong naglakad papasok ng convenience store, mahirap ng madulas dahil maulan.

Busy akong naghahanap nung pinapabili ni Luigi na brand ng chichiria, na ewan ko lang kung meron dito ng mapansin ko ang isang bata dun sa dulo. Siguro mga nasa twelve na ang edad nito. Napangiwi ako ng maalala na gano'n din ang inisip ko kay Faith no'n, ten years old lang pala kasi matangkad.

Pinagmasdan kong muli ang bata, hindi ipinahalata na nakatingin ako sa kanya.

Hindi naman siya gano'n kadumi tignan, pero magulo ang buhok nito at medyo nanginginig. I carefully stared at him, dahil nasa iisang lane lamang kami at dahil maulan sa labas, wala gaanong tao.

The boy is being cautious at laging tumitingin sa counter na kung saan busy ang mga cashiers sa pag-aayos ng iilang products na nasa counter at paminsan-minsan din siyang tumitingin sa mga convex mirrors sa loob ng convenience store.

Napasinghap ako ng marahan ng magpasok ito ng isang tinapay sa bulsa ng shorts nito! Nanginginig pa din ang kamay nito habang ginagawa iyon.

Hindi pa rin napapansin ng bata na may nakatingin sa kanya. Akma ng aalis ang bata sa convenience store, and I'm about to call him pero may makabungguan ito. Balak na lumayo ng bata, pero mariin siyang hinawakan ng lalaking nakabungguan niya.

William hold the child in both of his shoulders. Gulat man ako na nandoon siya ay hindi na ako nagdalawang isip na lapitan sila. Nag-squat paupo si William sa harap ng bata to face him.

"Bilhin na lang natin?" bulong ni William sa bata, tamang dinig lang namin dahil ayaw naming mahuli ang bata. Nakayuko lamang ang bata at parang paiyak na, nanginginig din.

Mukhang ayaw naman ng bata ang ginagawa. Napilitan lang.

----

Halos mabulunan ang bata sa sunud-sunod na pagsubo niya sa pagkain niya. We decided to feed the child sa malapit na kainan lang sa convenience store na pinanggalingan namin.

"O, dahan-dahan.." nangingiting sabi ko.

Malakas pa rin ang ulan sa labas, I texted Luigi na mahuhuli ako dahil may nangyari.

I asked William why was he there, and sabi niya ay napadaan siya doon at may balak bilhin. Nakita niya daw ang pagpasok ko sa convenience store, ibig sabihin ay nauna siya sa akin. Sinabi niya rin na kaagad niyang napansin 'yung bata na parang di mapakali.

Refueled FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon