Kabanata 41

2K 139 11
                                    

"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Julius nang tuluyang makalapit sa akin.

"Ayos lang ako." tugon ko.

Tumango siya ngunit hindi naalis ang pangamba sa mukha niya. Sunod niyang binalingan ng tingin si Jose na sumaludo agad sa kanya. Tinugon naman niya ito.

"Mabuti't ligtas kayo."

"Hindi ligtas ngayon si Nathalia," tinig ni Jose. "Kinuha siya ng mga hindi kilalang lalaki."

"Kailangan muna nating ilayo si Carina rito." ramdam ang pangangamba sa boses ni Julius. "Sumama kayo sa akin."

Hindi na kami nag-atubiling sumama sa kanya. Isinakay niya kami sa sasakyang pandigma. Hindi ko alam kung saan niya kami dadalhin ngunit hindi na ako nag-abala pang magtanong. Ang mahalaga'y makalayo kami rito at makahanap ng ligtas na matutuluyan.

Gusto kong matawa sa naisip. Saan pa ako makakahanap ng ligtas na lugar? Mayro'n pa bang gano'n sa gitna ng gulong ito?

Huminto ang sasakyan sa isang pamilyar na bahay. Kung hindi ako nagkakamali, bahay ito ng mga Aragon. Dinala kami ni Julius sa bahay nila!

Pinagmasdan ako ang paligid, kasama na roon ang kalsadang tinutuntungan namin. Ang kapal ng alikabok. Naaamoy ko pa ang matapang na amoy ng pulbura.

"Dinala mo kami sa San Rafael, Julius! Alam mong hindi ligtas si Carina rito." angal ni Jose.

"Hindi na rin ligtas si Carina sa Maynila. Wala ka na ring bahay dahil pinasok ito ng mga hindi kilalang lalaki. Nalaman nila kung saan kayo nagtatago."

Ah, kay Jose pala ang bahay na 'yon? Hindi manlang niya sinabi sa akin.

"Pero—"

"Pumasok na tayo bago pa may makakita sa atin."

Hindi na tumutol pa si Jose. Pumasok kami sa loob ng bahay ng mga Aragon. Bumungad sa amin ang mga katulong nila Julius. Binati nila ang kanilang amo ngunit wala silang nakuhang tugon mula rito. Ni pasadahan ng tingin ay hindi manlang nito nagawa.

Umupo kami sa sofa. Hindi ako nagsalita. Maging si Jose'y tahimik lang ding nakaupo sa tabi ko. Pumwesto naman si Julius sa tapat namin.

"Paano natin maililigtas si Nathalia?" tanong ko sa dalawang lalaking kasama ko.

"Wala tayong alam kung saan nila dinala ang apo ng presidente kaya wala tayong magagawa sa ngayon kundi ang maghintay ng tawag o kahit anong paramdam mula sa mga taong kumuha sa kanya." sagot ni Julius.

"Paano kapag nakarating ito sa palasyo?" nababahala kong tanong.

Bago pa man makapagsalita si Julius ay bigla kaming nakarinig ng ingay mula sa labas. Boses 'yon ng isang babaeng nagpupumilit pumasok sa loob ng bahay ng mga Aragon.

"Papasukin niyo nga kasi ako sabi, eh! Kailangan kong makausap si Julius!"

"Hindi ho pwede—"

"Saglit lang ako! Hindi ako magtatagal, promise!"

Bago pa man kami lumabas upang silipin kung sino ang babaeng nagwawala ay nakapasok na ito. Nanlaki ang mata ko nang makilala ng babae. Agad akong hinawakan ni Jose at hinila papunta sa kanyang likuran.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Ciella?" malamig na sambit ni Julius.

"Pasensya na po sir kung hindi namin napigilan ang babaeng—"

"Iwan niyo muna kami." utos ni Julius sa mga guards na hindi na nagawang magpaliwanag.

Pag-alis nila, humakbang si Julius palapit sa pinsan ko. "Kung hinahanap mo ang kapatid mo, ikinalulungkot kong sabihin ngunit wala siya rito. Magkasama silang dalawa ngayon ni Papa at—"

My Knight in Dirty Combat Shoes (Published under Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon