16

1.1K 79 14
                                    


"Hoy! Mamaya mo na 'yan kainin buraot ka!"



Patawa-tawa akong umilag sa binatong sandok ni Ynna sa akin nang mahuli niya akong kinakain 'yong bini-bake niyang cake. Siya kasi 'yong nagluluto tapos ako naman 'yong taga tikim. E, ang kaso kapag napasarap ako ng kain bigla bigla nalang nauubos kaya siya nagagalit.



Christmas na kasi after an hour and we're planning to at least celebrate with ourselves. Pupunta rin naman daw dito si Kai mamaya dahil makikikain siya. I don't know why he's not with his family pero ayoko naman siyang tanungin ng mga sensitive questions hihintayin ko nalang siyang mag open up sa akin.



"Ano oras ba dadating si bayaw?" Ynna scoffed when she said the last word.



Matapos niyang malaman na naging kami na ni Kai, parang hindi na siya mapakali. She told me at first kung okay lang ba talaga since magkapatid sila ni Khel and I ended up being a relationship with his brother. 



But in the end, nag approve rin naman siya dahil hindi naman daw naging kami ni Khel and he's not even public about me while Kai, ayun parang binalita na yata sa buong mundo 'yong nangyari.



Shock na shock pa siya noong umuwi ako nang iba na ang suot na damit at hinatid pa ako ni Kai. Akala niya raw tuloy na nag sex kami. Paminsan minsan talaga, napaka pasmado ng bibig nitong babaeng 'to. 



Mabuti nalang at hindi ko siya pinatulan dahil good mood ako. Bukod kasi sa nangyari sa SM, nakahinga pa ako ng maluwag dahil water proof ang cellphone ko kaya hindi nasira.



"Bayaw?! Ano kami, kasal?!" I rolled my eyes out of irritation.



Patuloy pa rin siya pagtawa ng bigla nalang may kumatok sa pinto. She gestured me to open the door since nagluluto pa siya.



Sinunod ko naman siya at pumunta sa may entrance. A smile was plastered in my face when I saw my man in his maroon v-neck shirt that was partnered with a maong pants and sneakers.



"Hi, love." He said before kissing my forehead.



Tinulungan ko kaagad siyang magbitbit sa mga dala niyang pagkain at nilapag ito sa may kusina. Napalingon naman si Ynna sa gawi namin at napangiti ng nakakaloko nang makita si Kai. Pinatay niya muna 'yong stove bago kumuha ng strainer para sa noodles ng spaghetti. 



"Hi bayaw!" Ynna waved her hand as she approached Kai with a high five.



"May dala pala akong uh.." Napakamot siya sa batok niya habang tiningnan 'yong plastic bag. "Mcdo at Jollibee?"

At the Rooftop (Medical Series #1)Where stories live. Discover now