22

1.1K 67 7
                                    

"Ramen ulit? Unhealthy na 'yan girl."


Umupo si Ynna sa upuang katapat ko, mabilis na inilapag ang bitbit niyang tray na may chicken soup at rice. Tinapunan niya nang tingin ang ramen ko at inirapan ito, na para bang may galit siya rito.


Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paghigop ng sabaw. Nandito kami ngayon sa cafeteria ng hospital dahil nag early lunch break ang mga doctor. Kakatapos ko lang din kasing i check ang mga pasyente ko kaya medyo nakahinga ako nang maluwag.


Madalang lang sa'kin ang proper meal lalo na kapag mas inuuna kong bawiin 'yong tulog na nawala kaysa sa gutom.


Two days had passed after that incident in the general operating room. I got scolded by my parents, of course. Nakakahiya rin naman kasi 'yong nangyari lalo pa't maraming mga board members ang nanonood. For them, that one mistake can be a stain in my career. I wouldn't mind admitting that I really almost failed. I just can't bear to accept it that they gave it to Kai even if they knew our past relationship.


"How did that jerk ended up here?" I sipped the remaining broth after asking.


Binaba niya ang hawak niyang kutsara at tinidor. Nagdulot pa ito nang maikling ingay dahil medyo napalakas ang pagtama nito plato.


Bahagya niyang binaba sa akin ang tingin at marahan akong inirapan. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Did I do something wrong again? I was about to ask her that when she folded her arms together across her breast.


"Deadma deadma ka sa'kin kanina tapos ngayon magtatanong ka?" She leaned closer, still crossing her arms. "Sagutin mo muna shift ko mamaya."


"Ulol mo!" I said, making my eyes roll.


Tatayo na sana ako para kumuha ulit ng order nang hatakin niya ako paupo. Inis ko siyang tiningnan pero sinuklian niya lang ito nang tawa.


"Gago ka, mukha kang ipis." Turo niya sa mukha ko. Hindi pa nakutento at ginaya pa talaga ang reaction ko.


Inis ko siyang sinapak sa ulo kaya natigil siya sa pagtawa at napakamot nalang sa natamaang parte ng kamay ko. Hinaplos niya ito sandali bago ibinalik ang tingin sa akin.


"Tangina, 'to naman hindi mabiro." Prente siyang sumandal sa upuan niya, diretso lang ang tingin sa akin. "Your ex seemed to know na naghahanap sina Papa nang assistant head sa GS Department. "


"Bakit hindi siya roon sa hospital na pinagt-trabahoan ng parents niya nag apply?" My brows furrowed.


Ynna shrugged, "Ewan. His parents was long gone in the field. I just don't know kung bakit hindi siya roon nagpatuloy."


"Where did you get that kind of info." I raised a brow at her. "Did you asked Papa about that?"


"No. Khel told me." She casually said.


At the Rooftop (Medical Series #1)Where stories live. Discover now