CHAPTER 3

167 9 5
                                    

Elke's POV



Tapos na naming kunin yung mga kailangan naming bilhin at nakalagay na ito sa push cart, kelangan na lang naming bayaran ito sa counter.



"Ma" tawag ko sa kanya habang binabasa ang nasa listahan ng mga pinamili niya.

"Hmm?" Nilingon niya ako.

"Daan po tayo sa school supplies, may bibilhin lang po akong libro para sa requirements ko" sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Sige dadaan tayo pagkatapos nito" sagot niya kaya tumango ako.



Ilang minuto kaming nakapila hanggang sa natapos na ding iscan yung mga pinamili namin. Tinulungan kami ng bagger na dalhin yung pinamili namin sa sasakyan ni mama. Medyo natagalan ang pagpasok dahil madami ito. Sumakay na ko sa passenger seat at isinuot ang seatbelt.



"Mama, bookstore" pagpapaalala ko sa kanya.

"I know, naalala ko" tipid niyang sabi at pinaandar na ang kotse.

"So how's your first day at Adamson?" Tanong niya kaya nilingon ko siya.

"Fine and... tired" sagot ko at tiningnan ang side mirror nito na makikita din ang repleksyon ng aking mukha.

"By the way ibaba nalang kita sa bookstore na sinasabi mo, kelangan kong dalhin agad tong grocery sa bahay andito kasi yung dinner natin tsaka malapit ng mag'six" sabi niya.

"Okay, no problem" sagot ko naman saka isinandal ang ulo sa likod ng upuan.



Naalala ko yung nangyari kanina sa school, simula nung binagsak ako ni Zero at tinapon niya yung bag ko sa fountain. Ginugulo ata ako ng lalakeng yun at pinapaalis ako sa paaralan nila.



Zero, Zero, Zero... I think i know you but i can't remember where we met...



"What happen to you?" Tanong ni mama.

"Nothing, I'm just tired" my answer.



Ilang minuto kaming nasa byahe hanggang sa ibinaba na niya ako sa sinasabi kong bookstore na pagbibilhan ko ng school supplies.


"Mag-iingat ka paguwi mo, darling"



Hindi ko nalang siya tinugon at nginitian nalang siya at isinara ko na yung pinto. Pumasok na ko sa bookstore na iyon at hinanap ang bibilhin kong libro for biology and chuchu namin. Ilang minuto akong naghanap hanggang sa nakita iyon. Lumapit na ko dun sa kinaroroonan ng librong hinahanap ko.



Andun iyon sa tapat ng ballpen and calligraphy pens section. Lumapit naman ako para kunin ang libro saka kinuha ko iyon at tiningnan kung tama ba yung nakita ko. Habang binabasa ko yung mga text sa loob ng libro may naramdaman akong tao sa likod ko kaya umabante ako para di kami magtama. Nang mapagtanto kong tama yung librong hawak ko eh naglakad na ko papuntang counter.



Kelangan ko pala ng ballpen..



Bumalik ako doon sa kinaroroonan ng ballpen section, may lalake doon na tumitingin. Nakablack na t-shirt at short na panlalake, di ko nakita mukha niya kasi nakatalikod pero pamilyar ang tinding ng katawan niya at ang buhok. Binanewala ko na lang at lumapit na ako doon sa mga ballpen. I get two black pen and a red one.



Nasa kamay ko na yung ballpen na iyon. Laking gulat ko naman nang may kumuha nito, tiningnan ko kung sinoang kumuha.



"Zero!" Sabi ko nang makita ang lalakeng nakablack na nasa katabi ko at siyang kumuha ng ballpen ko.

Dumpling Head (College Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon