CHAPTER 26

77 7 0
                                    

Elke's POV



"Elke are you okay?" Tanong ni Zhera nang makaupo ako sa table na kinauupuan nila Yukino at Jerry.



My heart is beating too fast when Zero hugged me. I heard his heart beating for someone. I can't explain what I heard but I know it was important for him.



Sa puntong iyon para niya akong naangkin ng buong puso, kulang na lang ay ibigay ko na ang puso ko sa kanya matapos ang pangayayaring iyon.



"Elke, what happen to you? Bat ka namumutla?" Sabi sa akin ni Jerry na nakahawak sa kamay ko.



Tiningnan ko siya at iniwas ang kamay niya sa kamay ko. Pinilit kong ngumiti parang hindi siya ganoon mag-alala.



"No, I'm okay, I'm fine" sabi ko at uminom ng tubig.



Tiningnan naman ako nina Zhera at Yukino na nag-alala ang mukha. Nginitian ko lang sila at sinabing okay lang talaga ako at walang problema. Nagsimula na ulit kaming kumain pero hindi ko man lang nagalaw ang inorder kong pagkain. inom lang ako ng inom ng tubig hanggang sa maubos ito.



"Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Yukino sakin kaya lumingon ako.

"Elke, kumain ka baka magkasakit ka pa" sabi ni Jerry kaya tumango ako at pinilit na ngumiti.



Sinubo ko yung pagkain na nasa kutsara ko at ramdam kong puno ang tyan ko kaya tinabi ko na lang ang kutsara at tinidor. Napatigil din sa pagkain sina Zhera at Yukino habang nakatingin sa akin.



"Masama ba ang pakiramdam mo, Elke?" Tanong ni Zhera.

"Medyo" pagsisinungaling ko.



Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko pero ang lungkot ko lang. Hindi pa din mawala sa isip ko ang pagyakap ni Zero sa akin kanina. Ngayon ko lang kasi naramdaman yung yakap niya na sobrang sincere na sincere.



"Kumain ka na tapos dalhin ka na namin sa clinic" sabi ni Zhera. Umiling ako at nginitian sila ng pilit.

"Alam mo Elke kahit nahihirapan ka, palagi ka pa din ngumingiti kahit alam naming di mo kaya" sabi ni Yukino.

"Oh siya sige na kumain ka kahit konti lang"



Sinunod ko na lang sila para di na magreklamo pa, konti lang yung kinain ko kasi busog talaga ako. Ewan ko kung busog ako o wala lang talagang gana. Dinala nila ko sa clinic at iniwan doon, kelangan pa kasi nilang pumasok.



Sila na lang daw yung magsasabi sa teacher namin na masama yung pakiramdam ko. Tiningnan naman ako ng school nurse na si ate Karen, siya yung tumingin sa akin nung nagkasugat ako.



Maganda si ate Karen mahaba ang buhok, matangos ang ilong, morena. May kurba din ang katawan at masasabi mo talagang sexy talaga, kapag nagsuot siya ng sexy na dress eh di mo malalaman na nurse pala siya.



Nagsinungaling pa ko kay kuya Elker nung isang araw. Tinanong kasi ako ni kuya nun kung ano nangyari sa mukha ko sabi ko na dumaplis sa upuan, medyo rough kasi. Naniwala naman siya pero sermon din abot ko di daw kasi ako nag-iingat. Di ko naman masisisi si kuya kasi alam kong concern naman siya sakin.



"Wala ka namang sakit Elke, mukhang kulang ka lang sa tulog o di kaya sa pahinga humiga ka muna roon at magpahinga" sabi nito at turo sa room kung saan nakahelera ang mga higaan.

"Kung may kailangan ka man just approach me andyan lang ako sa desk ko" sabi ni ate Karen kaya napatango ako.



Aalis na sana siya nang tawagin ko ulit kaya hinarap niya ako na nakataas ang dalawang kilay. Lumapit siya sa akin at umupo sa tapat na kama kung saan nakaupo ako.



Dumpling Head (College Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon