CHAPTER 6

113 7 0
                                    

Elke's POV



Naalala ko lang kasi yung nangyari kahapon. Kagabi ko pa iniisip si Zero at yung sinabi niya doonsa nanay ng mga bata. Apakafeeler niya para maging boyfriend ko.



"Hoy anong iniisip mo?" Tanong ni Yukino.

"Ha? Ano sinasabi mo kanina?" Tanong ko.

"May iniisip ka ba? Kanina pa kita kinakausap di ka naman tumutugon" sagot niya kaya napangisi ako ng peke.

"Wala naman ako iniisip, napuyat lang ako matagal kasi akong nakatulog kagabi" sagot ko.



Tumango nalang siya at at umupo ng maayos sa table niya, "Zhera" tawag ni Yukino kay Zhera na kakapasok lang.

"Bat siya namumula?" Tanong ko. "Mukha siyang kamatis"



Mabilis niyang inilagay ang bag sa table niya at tumakbong papalapit sa amin. Namumula pa din siya na parang kamatis, kinakabahan nga ako kasi baka nagkaallergy siya.



"Guys!" Sabi nito at lumapit sa amin.

"Bakit?" Tanong ni Yukino na nakangisi.



Yung tono ng oagkasabi niya ay parang inaasar ito. Apakalangya ng hapon ito haha.



"Alam niyo ba—" sabi niya pero naputol yun ng magsalita si Yukino.

"Di namin alam" ay langya nga haha.



Tiningnan naman ni Zhera si Yukino ng seryoso kaya tumawa kaming dalawa ni Yukino.



"Sorry na, ano nga?" Tanong  ni Yukino.

"Kasi nga kanina papalabas ako ng bahay ng pumasok si Andrei, gosh ang gwapo niya sobra!" Sabi niya at nanggigil pa saming dalawa. "Tas hinatid pa niya ko kanina, sabay kami sumakay kami sa sasakyan niya ng sabay tapos nginitian niya ko. Mababaliw na ko sa kilig tulong" sabi pa nito at itinitik yung mata niya sa taas. Punyetang mata yan HAHAHA.

"Gusto mo ayaw na kiligin?" Tanong ni Yukino.

"Gusto, gago ka ba? Crush ko kaya yun" sabi niya saka umirap sa amin.

"Yan naman pala eh haha" sabi niya kaya tumawa kaming tatlo.



Ang sasaya ng lablayp nila, ako? Wag niyo nalang itanong.



"Uy dederitso kayong dalawa samin?" Tanong ni Zhera samin.

"Ako, oo ihahatid lang yung damit ko sa inyo" sagot naman ni Yukino.



2 days and 3 nights kami dun sa bahay nila, gusto ko ding bumisita sa bahay nila pero palagi kong makikita ang pagmumukha ni Zero. Tss.



"Ikaw Elke?" Tanong ni Zhera at napatingin din sa akin si Yukino.

"Siguro uuwi muna ako tapos magpapahatid nalang sa driver, kukuha pa ako ng gamit eh" sagot ko sa kanya.

"Pero nakapagpaalam ka na?" Tanong niya ulit at umupo sa gilid ng table ni Yukino, wala pa kasing nakaupo roon.

"Oo, pinayagan nila ako" sabi ko saka ngumiti.

"Good, ayos yan" sabay nilang sagot.



Di nagtagal ay nagsimula na ang klase namin, kanina pa kasi nandito si miss Russiana pero hindi pa siya nagsisimula kasi masyado pang maaga. Pinagpatuloy namin ang hindi natapos na discussion kahapon blablabla and chuchu.



Ilang oras ang lumipas ay tapos na kaming nagbreak. Pumasok na si miss Jimenez na napaka'professional sa pagtuturo, isang tingin niya lang sayo eh mapapatahimik ka na talaga. Sobrang strikta niya at iilang estudyante lang ang nakakasundo niya, she's our filipino teacher.



Dumpling Head (College Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon