Saknong 1

1.5K 224 202
                                    

Ngumiti kahit na napipilitan

Kahit pa sinasadya

Mo akong masaktan paminsan-minsan

Bawat sandali na---

"And let's stop you there. Do it again, this time a bit more rock and metallic. You know, do the death growl." 

Napakurap ako ng ilang beses sa isa sa tatlong pinakasikat na song writers sa Pilipinas na ngayon ay kumportableng nakaupo sa pinakadulong silid at inaasahan ang aking susunod na gagawin. 

"I'm sorry what? This song is not heavy metal." Tumaas ang kanilang kilay at nagbulungan na parang sila lang ang tao dito sa puting kwarto. Tanging ang camera, lamesa at mga upuan lamang ang pumupuno sa maliit na espasyo nito.

Napakagat ako sa aking labi at alanganing sumilay sa camera saka tumikhim. Tumigil sila at sumandal muli sa silya.

"Do you have any instruments? Kahit 'di mo dala."

"U-uhm I don't ha--" Hindi ko na natatapos ang sasabihin ko nang umigting ang aking tenga sa mga linyang paulit-ulit ko nang naririnig sa loob ng apat na taon.

"Next!"

Inis akong napapadyak palabas ng gusali at kiniyom ang aking mga kamao. Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil padabog kong sinipa ang nanahimik na puno sa tabi. Bakas sa kanilang mga mukha na nababaliw na ako nang kumawala ang impit na sigaw sa aking lalamunan.

Maraming beses ko nang pinag-iisipang isuko ang aking pangarap pero may katiting na pag-asa sa akin na balang araw mapapabilang ako sa mga matataas at kumikinang na mga bituin.

----

Pasado ala sais na ng gabi at buhay na buhay pa rin ang lungsod. Sumusupil sa buong lugar ang mga matatayog at maliliwanag na mga gusali alinsunod sa mga rumaragasang sasakyan at mga abalang tao pauwi na siyang lumilikha ng kaingayan sa paligid.

Nakapaskil sa salaming pinto ng tindahan ng mga instrumento ang tarpaulin ng upcoming concerts ng mga sikat na mang-aawit. Inangat ko ang aking kamay at nagkunwaring may hawak na baso.

"Cheers sa akin na nangangarap kahit malabong matutupad."

Sa mga katagang iyon, muling nagliyab ang puso ko puno ng determinasyon upang makamit ang aking minimithi. Minarapat kong bumili ng bagong gitara para sa susunod na mga auditions.

Tinulak ko ang pinto at napalanghap sa dami ng pagpipilian. Ito na siguro ang itsura ng heaven sa bawat mata ng mga musikero. Sumalubong sa akin ang pamilyar na samyo ng musikang nakalakip sa bawat instrumento. Ang amoy na hinding hindi ko pagsasawaan at patuloy na hahanap-hanapin.

Tinignan ko isa-isa ang mga bentang gitara sa display pero hindi sapat ang perang dala ko sa mamahaling mga gitara. Dismayado akong nilibot ang bawat sulok ng tindahan. Mukhang hanggang window shopping lang ako.

Nakarating na ako sa dulo at nawawalan ng pag-asang tumingin sa mga glass cabinets hanggang sa napatitig ako sa nag-iisang gitara na nasa sulok. May pagkavinatage ang kulay ng gitarang iyon na may intricate designs sa gilid.

"Maam, bibilhin mo?" Natauhan ako nang magsalita 'yung nagbebenta na sa aking palagay nasa edad saisenta.

"Manong ano meron? Malayo pa ang buwan ng wika?" Bulalas kong tanong habang pinagtatawanan ang suot niyang Barong Tagalog. 

Natawa rin siya at umiling-iling. Napagod na ako sa katatawa at hinawi ang buhok kong nakaharang sa aking mukha.

"Ah magkano po yung nasa sulok? Hehe." Ngumiti siyang katakotakot habang binubuksan ang glass cabinet upang kunin ang gitara.

Vintage Melody ✔Where stories live. Discover now