Saknong 9

375 149 3
                                    

Sumasakit ang aking ulo at bawat parte ng aking katawan ay sumisigaw ng hangin. Patuloy akong lumalaban hanggang sa maramdaman kong malapit nang sumabog ang aking ulo. Kailangan kong huminga.

Tinaas ko ang aking sarili sa paraang gumagalaw ang aking kamay at paa patungo sa itaas hanggang sa makakita ako ng liwanag. Sinundan ko iyon at umahon sa tubig upang makahinga.

Kahit papaano marunong akong lumangoy. Kalmado lamang ang ilog kaya hindi ako nahirapan. Ang ilog na ito ay napapaligiran ng mga puno na matatagpuan lamang sa gubat.

Lumangoy ako patungo roon at kumapit sa baging upang makaahon paakyat. Hinilamos ko ang aking mukha saka hinawi ang aking buhok.

"Marisol!" Panawagan ko. "Jacinto! Clemente!"

 Naglikha ng ulyaw ang aking mga sigaw na siyang nagpalipad ng mga ibong nananahimik sa mga sanga.

"Aling Conchita! Elena!" Sigaw ko muli ngunit ang lipad lamang ng mga ibon ang natatanggap kong tugon.

Nawawala pa ang aking bakya kaya tiniis ko munang nakapaa habang naglalakad. Tinignan ko ang sugat-sugat kong paa.  Maraming malalaking galos at mga sugat.

Sandali. Hindi ako nakasuot ng saya. Tumingin muli ako sa aking paanan at sa aking damit. Ito ang suot ko noong nagsine kami. Nahimatay ako sa simbahan noong marinig ang melodiya.

"OMG, yes!" 

Kinapa ko ang aking bulsa upang hanapin ang phone ko para makapag-google maps ako kaso wala akong makapa. Hindi na bale, susundan ko na lang itong ilog pabalik. Survival 101.

Ito ang araw na pinakahinihintay ko. Makaalis sa taong 1898.

Umikot-ikot ako at tinaas ang aking kamay upang damhin ang sinag ng araw na tumatagos sa mga puno. Wala na si Don Felipe kaya walang bawal. Makakakanta na ako. Ang saya talaga.

Somethin' in the wind has learned my name 

And it's tellin' me that things are not the same 

In the leaves on the trees and the touch of the breeze 

There's a pleasin' sense of happiness for me 

Maligaya akong lumulundag at pinitik pa ang aking mga daliri. Masaya akong nakilala ko ang mga tao noong 1898, nawa'y huwag na nila akong hanapin at mabuhay sana silang payapa. Kalimutan na nila ako.

There is only one wish on my mind 

When this day is through I hope that I will find 

That tomorrow will be just the same for you and me 

All I need will be mine if you are here

Walang guardia civil, walang Jacinto at walang Clemente. Ito na ang pinakamasayang araw. Makabalik sa panahon na kabilang ako. Nagpapasalamat naman ako sa mga alaalang nagawa ko roon kasama sila ngunit sapat na ito.

I'm on the top of the world lookin' down on creation 

And the only explanation I can find

Is the love that I've found ever since you've been around 

Your love's put me at the top of the world

Nagiging makipot na ang ilog at ito'y humulma sa batis na napupuno ng mga basura. Napakaraming basura tulad ng diapers, plastic straw, cups at iba pa. Marami ring mga malalaking bato kaya kapag piangsama-sama ang mga iyon, nababara ang pinaggagalingan ng tubig. Ibig sabihin malapit na siguro ako sa sibilisasyon. Hindi na bale kung paano ako napunta rito, ang mahalaga nakabalik ako.

Vintage Melody ✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora