Saknong 28

228 34 4
                                    

Kinuha ko ang aking talukbong at niyakap habang nag-iingat na umalis sa kwarto namin nina Estella at Cristella rito sa bahay-tuluyan.

Sandali kong sinulyapan ang dalawa bago buksan ang pinto, may mga ngiti sa kanilang labi at kalmado ang mga mukha habang natutulog ng matiwasay sa malambot na kutson.

Dahan-dahan kong sinara ang pinto saka tinahak ang pasilyo patungo sa veranda. Hindi na ako nagbitbit ng gasera dahil  napapalibutan ang bahay-tuluyan ng malalaking mga gasera.

Ang buwan ay sumikat na parang kristal at nagngingingas sa madilim nitong kapaligiran kasama ang mga bituin. Buong gabi ay hindi ako mapakali sa plano namin ni Clemente. Ito na siguro ang huling gabi ko sa panahon nila.

Kanina ko pa ring pinag-iisipan paano mamaalam sa kanila, lalo na kay Jacinto. Ngunit hindi ko alam dahil wala raw siyang kilalang Ayang. 

Sumulyap ako sa baba ng veranda, buhay na buhay pa ang lungsod. May mga lasing na mayayamang don, may mga nagtitinda pa rin, may dulaan sa plaza at marami pang makukulay na bagay ngayong malalim na ang gabi.

Kumawala ako ng buntong hininga at taimtim na dinama ang gabi. 

Nawasik ang isipan ko nang marinig ang nakakabighaning awitin sa ibaba ko lamang. Sumandal ako sa pinakadulo ng veranda at sinilip kung sinoman ang tumutugtog. Nakakapanibago lang na ang raming sining na nagaganap sa lungsod na ito.

Mas lalo pa akong sumilip hanggang sa makita ko ang binatang nakaupo sa malaking bato habang hawak ang gitara at nakatingin sa bilugang buwan.

O maliwanag na buwan

Nakikiusap ako

Ang aking minamahal

Sana ay hanapin mo

Tadhana ma'y magbiro

Araw man ay magdaan

Ang pag-ibig ko sa kanya

Ay hindi maglalaho

Hanggang sa kamatayan


Pinagmasdan kong nakatingala si Jacinto sa buwan at mga bituin. Tumingin pa ako sa paligid niya kung may kinakantahan ngunit wala.

O, buwan sa liwanag mo

Kami'y nagsumpaan ng irog ko

"Giliw ko, " ang sabi n'ya

"Ang puso ko'y iyong-iyo."


O, buwan pakiusap ko

Saan man naroon ang irog ko

Sya'y aking hinihintay

Sabihin mo.


Panandalian akong nakaramdam ng kirot. Kahit na malinis ang pagkakakanta niya, dinidikta ng tono ng kaniyang tinig ang lungkot at pangungulila. 

Yumuko si Jacinto sa kaniyang tabi at kinuha ang bote ng alak saka lumagok at inulit-ulit ang huling linya.

Sya'y aking hinihintay

Sabihin mo.


"Magaling siyang umawit hindi ba?" Nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko.

Vintage Melody ✔Where stories live. Discover now