●2●

1.1K 47 6
                                    

Gabb's

Nandito na kami ngayon sa school ni coco kase isang linggo na rin kaming di nakapasok ng dahil sa nangyari.


nagsisitinginan ang mga tao ngayon sakin at parang namamangha sila sa nakikita nila.


napansin ko naman na nahihiya si coco kaya hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang mga kamay.


"please don't be scared baby bub" sabi ko dito at biglang kinusot ang kanya ilong. ang cute nya kaseng tignan na nahihiya.


tumingin lang sya sakin at nakakunot na ang mga noo nito.

hays ang cute talaga nya


Coleen's

Kanina pa kami tinitignan mga studyante dito sa school hanggang sa makapasok na kami ng classroom.

agad naman kaming sinalubong nina Brei,Jem,Ecka,Lara at Daryll.


"maupo na kayo coco at gabb kase may bago daw studyanteng darating ngayon sabi ng principal kahapon sorry di ko nasabi sa inyo kagabi." Sabi ni Brei at hinihila na kami ngayon sa upuan namin.


"Gabb sana naman maganda yung mga bagong darating na studyante nuh? para naman magkaroon na ko ng inspirasyon kagaya ninyo ni coco yiee." Sabi naman ni Ecka kay Gabb habang tinatapik tapik ang likuran nito.



"hoy hoy hoy ako rin kaya gusto ko ng magkaroon ng inspirasyon. sawa na kase ako sa pagmumukha ng mga studyante dito sa school lalo na dito kay Brei." Sabi ni Jem habang natatawa na kay Brei ngayon..

"psh wag mo naman ganyanin si Brei ang cute kaya nya hehe." sabi naman ni Lara habang nakayuko.

hmm I smell something hehe.



"oo nga ang cute ko kaya di ba Gabo?" Sabi ni Brei ngayon habang nakaakbay kay Gabb.


"oo nga ang cute---" sabi ni Gabb habang tinitignan na si Brei ngayon.


"oh di ba sya na ang nagsabi na--" di na natapos ni Brei ang pagsasalita nya ng nagsalita ulit si Gabb.


"cute ng height hehe" sabi ni Gabb habang natatawa na ngayon.

patay ka ngayon kay Brei gabb Hahaha


agad naman syang binatukan ni Brei kaya hinimas naman nya ito bigla.

"oh sya magsitigil na kayo kase darating na siguro yung mga bago." Sabi naman ni Daryll habang inaayos mga gamit nya.



pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok na ang teacher namin.


"Alright class nasabi naman ng principal kahapon na may bagong papasok ngayon di ba? kaya nandito na sila ngayon. ladies?please get inside na para makapagkilala na kayo ng mga kaklase niyo." Sabi naman ng teacher at pumasok na ang tatlong babae parang galing din ng ibang bansa.



tumingin naman ako kay Gabb at tila minamasdan nya ang isa dun sa mga babae.

nakasalamin ito at short hair sya parang dora lang ganern.

pero maganda pa rin ako.

napansin ko rin si Ecka at Jem na nakanganga na ngayon at tila tutulo na ang laway dahil sa kakatitig sa kasama ng babaeng tinitignan ni Gabb.


infairness ang kinis nila kaya di malabong di mahuhulog mga babae dito sa kanila except lang dun sa nerd parang ang weird lang kase.


agad naman nagpakilala ang babaeng kanina pang minamasdan ni Gabb.


When I look at you (Unicoco story) SERIES IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon