●16●

743 48 27
                                    

Philippines GMT+8  6:30am



Coco's



"Coleen gising na malelate na naman ata tayo nyan may practice pa naman tayo" rinig kong sigaw ni Cole sa labas ng kwarto.



kanina pa ako gising and tapos na rin akong magbihis kaso tinatamad pa akong lumabas ng kwarto kaya naisipan ko munang magtwitter at ewan ko ba bigla nalang pumasok sa isip ko yung bago na stan acc kagabi.



habang nagsscroll ako syempre may makikita talaga akong tweet tungkol sa MNL48 and di talaga maalis sa isip ko ang stan acc na nag tweet kagabi kaya naisipan kong i stalk ito.


may tweet sya bago lang
"Can't sleep sa sobrang cuteness mo"

and may picture ko yun.




ewan ko ba pero biglang tumibok ng mabilis ang puso ko kahit na tweet lang naman yun ng isang random na tao.


pero bakit gising pa sya?nasa ibang bansa ba 'to?


aish bahala na kailangan ko muna umalis at may practice pa pala kami siguro naiinip na rin si cole kaya kailangan ko ng magmadali.




"oh bilis na malelate na talaga tayo nyan traffic pa naman ata ngayon eh" sigaw ni cole habang palabas na ako ng mansion namin.




"eto na po oh binibilisan na po miss" sigaw ko sa kanya dahilan ng pagkabago ng expression ng mukha nya kaya tumahimik na ako sksks




agad na akong sumakay sa service van namin at salamat naman ay nakarating kami agad.




papasok na kami ng building at nakita na namin ang mga ate namin na agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap.



"namiss ka namin baby coco pero si cole talaga totoong baby namin eh" sigaw ng mga ate at biglang niyakap si cole kaya agad na akong nagtampo.




"hmp ako naman talaga original na baby eh" sigaw ko sa kanila kaya natawa sila ng bahagya sakin.



"oh sya tara na mga vaklah kailangan pa natin magpractice" sigaw ni Ate Sheki at sumunod naman ang lahat.





Madrid,Spain GMT+1 3:23am



Di pa rin ako tinatamaan ng antok kanina pa ako palipat lipat ng apps mula facebook,twitter at youtube tas ngayon kakatapos ko lang maglaro ng mobile legends kaya naisipan ko munang bisitahin ang ig ko.




nakafollow ako kay coleen kaya nakita ko na may bagong ig story sya kaya agad ko 'tong na view



nasa isang building sila tas nagppractice ata ng bagong sayaw nila.


ang cute ng mga ig story nya kaya agad akong nag heart react dito.





ng biglang sumakit ang ulo ko.....


"aaaAarrghhh Ash help sumasakit ulo ko!".....




Ash's


kagabi ko pa napapansin na parang may tinatago si gabo sakin ewan ko ba pero naccurious talaga ako baka kase alam nya na ang lahat.


lahat ng nangyari sa kanya.


takot akong maiwan.


takot akong masaktan.


ewan ko ba,wala naman akong balak na mahalin 'to kaso wala eh di tumalab sakin ang pag-iisip ko.


mga magulang lang naman nya ang may gusto na dalhin sya dito.


kaso nung nasa university pa kami dati ay nakita at nasaksihan ko kung paano mahalin at ipaglaban ni Gabb si Coco sa karamihan.


halos nainggit nga ako sa mga panahon na yun eh.


pero ngayon andito na sya,pero di ko ramdam ang pinaparamdam nya kay Coco dati.


Ibang iba ang gabo na kilala ko ngayon.


nakalimutan nya na si Coco kase nung pinadala na sya dito ng mga magulang nya ay agad syang ipinadala sa laboratory at ewan ko kung anong nangyari.



akala ko sasalubungin nila si Gabb ng mahigpit na yakap kaso iba ang nakita ko.



nakita ko ang mama nya na hinaluan ang iniinom ni gabb ng sleeping pills and ang daddy nya naman ay kinakausap si gabb ng maayos para di mapansin ni gabb na nilalagyan na ng mama nya ang inumin nya.


gusto ko sanang sabihan ni gabb.


lalapitan ko sana si gabb ng tawagin ako ng mama nya.



"oh ija??ba't andito ka pa?di ba may may gagawin ka pa sa laboratory 2?need namin ng report mo bukas ah?" Sabi neto at parang hinahatak ako palabas ng laboratory nila.



masama kutob ko pero wala akong magagawa kundi ang sumunod nalang sa kanila.


yun lang ang nalaman ko.


pero di ko alam kung paano nakalimutan ni Gabb si Coco eh mahal na mahal nya pa naman yun.



pagkalipas ng araw na yun ay may ibinigay saakin ang mga magulang ni gabb na gamot.


"Please Ash ikaw na ang bahala sa anak namin. painumin mo sa kanya 'to pag sumasakit ang ulo nya" sabi ni Mr.Skribikin at mukhang naluluha na 'to.



"Yes po masusunod po" sabi ko at may halong pagtataka pa rin sa utak ko.


"aaaaAarrrghhh Ash help sumasakit ulo ko!" rinig kong sigaw ni Gabb kaya agad na akong tumakbo papuntang kwarto nya.



kitang kita ko si Gabb na hawak hawak ang ulo nya at yung mukha nyang nasasaktan kaya agad ko ng kinuha ang gamot nya.


agad ko 'tong nilapitan at pinakalma ng maayos.



pagkatapos ko 'tong pakalmahin ay pinainom ko na ang gamot na ibinilin sakin ng daddy nya.



agad kong kinuha ang gamot nya at  ipinainom ito.


ng makainom na 'to ng gamot nya ay kumakalma naman sya ng maayos at tinamaan na 'to ng antok nya kaya inayos ko na pagkahiga neto ng mahagilap ko ang phone nya.



nagulat ako ng bigla kong nakita ang mukha ni Coleen.



akala ko nakalimutan nya na?ba't ganito?naalala nya na ba?



halo halong emosyon ang pumapasoj sa isip ko ngayon.


agad ko ng in-off phone nya at nilagay ito sa side table nya at umalis na ako agad ng kwarto.



sa kabilang kwarto ako pwede matulog eh.



sa dalawang taon na magkasama kami ni Gabb ay ni minsan di kami natulog sa iisang kwarto.




kaya pinapabayaan ko nalang at mas mabuti na rin to kaysa sa wala di ba?



pagkapasok ko ng kwarto ko ay kitang kita ko mga pictures namin ni Gabb kaya napangiti nalang ako dito.




"I really didn't intend to love you gabb kaso yung puso ko eh ang kulit kulit kaya eto hinahabol ka palagi" kinakausap ko na naman sya sa litrato kaya nagmukha na naman akong tanga.




minsan lang kase yan magsalita di madaldal pero mahal na mahal ko pa rin yan.




ng tignan ko ang relo ko ay 4:00am na pala kaya naisipan ko ng matulog at maaga pa akong gigising para sa trabaho.



A/N

isang madaliang update para sa mga minamahal kong magbabasa💛
keep safe and stay hydrated💛













When I look at you (Unicoco story) SERIES IIWhere stories live. Discover now