Part 14

4.5K 165 1
                                    


HINDI alam ni Alexander kung bakit ganoon na lang kagaan ang loob niya sa anak ni Christine na si Daphne. Naalala niya nang bumisita siya sa bahay ng mga ito. Gayon na lang ang halakhak siya nang bumungad sa sala si Daphne karga ng isa sa mga kasambahay nina Christine. Nanlaki ang mga mata nito at biglang patiling umirit nang makita siya, sabay lahad ng mga matatabang braso na parang nagpapakarga. Halos hindi na niya namalayan ang oras dahil sa pakikipaglaro sa bata. Nang mapagod si Daphne at makatulog, saglit silang nagkuwentuhan ni Christine bago siya nagpaalam na umuwi.

Aaminin niyang masaya at kompleto ang araw niya kapag kasama niya ang mag-ina. Sobra ang nararamdaman niyang fondness para kay Daphne. At kayChristine, aminado siya na attracted siya rito unang kita pa lang niya rito. Gusto niya na parati itong nakikita. He loved the way she smile, the way she laugh, everything about her. Hindi mahalaga sa kanya kung dalagang-ina ito. Sa katunayan, hinahangaan pa nga niya ang panininidigan nito na buhayin at palakihin si Daphne kahit mag-isa lang ito.

Dinampot niya ang cell phone niya. Napangiti siya nang makita ang mukha ni Daphne na siyang wall paper niyon.Tumikhim siya bago i-d-in-ial ang numerong kabisado na niya. Nakailang ring muna bago may sumagot sa kabilang linya.

"Xander..." ani Christine. Paos pa ang boses nito. Halatang kagagaling lang sa pagtulog.

Maagap na tinakpan niya ang mouthpiece nang kumawala ang isang ungol mula sa kanyang lalamunan. Kakaiba ang epekto ng paos na boses nito sa kanya. Na-imagine niya ito na nasa kama nito at nagising dahil sa tawag niya. Then he pictured her he was there in her room embracing her.

"Chris..."Nakagat niya ang ibabang labi dahil hindi pa rin mawala sa imahinasyon niya si Christine habang nasa bisig niya ito. Goodness! Nangangarap pa yata siya ng gising,

"Napatawag ka? Mr. Model, baka sira ang relo mo kaya ipapaalala ko sa 'yo na ala-una na ng madaling-araw—"

"Alam ko.Sorry, hindi kasi ako makatulog," putol niya sa sinasabi nito.

"Hindi ka makatulog kaya gusto mo akong idamay, ganoon ba?" anito na hindi naman tonong-galit.

"I was thinking..." Tumigil siya nang wala siyang narinig na tugon sa kabilang linya.Marahang huminga siya at matamang inisip ang sunodna sasabihin. "Gusto mo bang malaman kung ano ang iniisip ko,Christine?"Ikaw, si Daphne, tayo...I don't care about the past, Christine. Ang mahalaga sa akin ay ang ngayon at bukas...

"Bakit, may kinalaman ba ako diyan? Iniisip mo ba na nadehado ka sa talent fee mo at ngayon ay balak mong maghabol ng karagdagang bayad?" tanong nito na halatang nagbibiro.

Natawa si Alexander at sinakyan ang biro nito. "Yes. Na-contact ko na ang mga abogado ko. Magkita na lang tayo sa korte." Pakikisakay niya rito.

"What? Seriously?"

Lalo siyang natawa. Inaantok pa nga ito. "Biro lang. Sige na, bumalik ka na sa pagtulog mo. Sorry sa pang-iistorbo ko. Ahm, gusto ko lang kasing marinig ang boses mo."

Nanahimik ito sa kabilang linya. Bigla tuloy siyang nag-alala. Hindi ba nito nagustuhan ang sinabi niya? Akmang magsasalita siya nang marinig niya itong magsalita.

"O-okay. Goodnigh—I mean, goodmorning na pala."

Lumamlam ang mga mata niya, sabay napangiti. "Good morning," malambing na sabi niya.

"B-bye."

"Bye." May ngiti pa rin sa mga labing ibinaba niya ang cell phone. Tumitig siya sa malawak na kisame ng kanyang silid. Tila isa iyong malaking sinehan, pero wala siyang ibang nakikita kundi ang mukha ni Christine.

Napailing na lang siya. Malala na siya. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagiging teenager na pinagpapantasyahan ang kanyang crush. Pero paghanga lang ba ang nararamdaman niya para kay Christine? Parang higit pa roon ang nararamdaman niya.

Story Of Us Trilogy Book 3 (Alexander Mondragon) CompletedWhere stories live. Discover now