Part 18

4.7K 161 0
                                    

PARANG déjà vu ang nangyayari. Katabi uli ni Christine si Alexander pero this time ay sa isang eight-seater chartered plane sila nakasakay. Pagkasundo ni Alexander sa kanila ni Daphne, dumeretso sila sa isang private hangar kung saan naghihintay roon ang isang chartered plane. Katulad noong una, abala uli ito sa pakikipag-usap sa anak niya.Parang may sariling mundo uli ang dalawa. Pero parang may kakaiba ngayon sa paraan ng pagtingin ni Alexander sa anak niya. May pagkakataon na parang may kumislap na luha sa mga mata ng binata habang nakatitig kay Daphne.

"Xander, bakit wala yata tayong ibang kasabay papunta sa isla?" naisipan niyang itanong nang makita ang mga bakanteng upuan.

"Susunod sila," maikling sagot nito nang hindi lumilingon sa kanya. Abala ito sa pakikipaglaro kay Daphne.

Ibinaling nalang niya ang kanyang paningin sa labas ng eroplano. Pagkalipas ng mahigit isang oras ay unti-unti nang bumababa ang lipad ng eroplano sa isang isla. Kitang-kita niya sa ibaba ang isang bahay na nakatirik sa isang isla. Nakakaakit ang maputing buhangin na hinahampas ng mga alon. Nangangasul din ang tubig doon. It was so enchanting. Parang gusto niyang ang unang gawin pagbaba sa isla ay maglunoy sa tubig.

Mayamaya pa ay bumaba na ang eroplano sa airstrip. Excited na sinamsam niya ang dalang gamit. Kinuha ni Alexander ang dala niyang malaking nappy bag at saglit na nakipag-usap sa piloto bago tuluyang umalis ang eroplano.

"Let's go," yaya ng binata.

Napakatahimik ng lugar maliban sa panaka-nakang paghuni ng mga ibon, pag-ihip ng hangin, at paghampas ng alon sa dalampasigan. It was a perfect place for soul-searching. Kumunot ang noo niya. Parang wala namang gaganaping binyagan. Wala siyang nakikita kahit isang tao na abala para sa gaganaping binyagan bukas. O baka naman maaga lang silang dumating at mamayang gabi pa sisimulan ang paggagayak sa lugar?

Pagpasok nila sa bahay ay sinalubong din sila ng katahimikan. Iginala niya ang paningin sa paligid. Kompleto sa mga kagamitan ang bahay at may linya ng kuryente.Natuon ang pansin niya sa isang crib na nasa sala.

Ibinaba ni Alexander ang sukbit na nappy bag bago nito maingat na inilapag si Daphne sa crib.

"There, baby. Good girl," anito kay Daphne sa bata bago ito naupo sa sofa. "Maupo ka muna,Christine," anito sa kanya.

Tumalima siya.

Tumayo rin ang binata. "I'm sure, may inihandang merienda si Manang Rosie. Titingnan ko lang kung ano iyon."

Sinundan na lang niya ng tingin si Alexander. Hindi mawala ang pagdududa niya. Ipinilig niya ang ulo. Ano naman kung sakali ang mapapala ni Alexander sa pagdadala nito sa kanila ni Daphne sa isla nang wala naman palang binyagang magaganap?

Pagbalik nito ay may dala na itong tray na kinalalagyan ng merienda. Tahimik na kumain siya. Pinadede na rin niya si Daphne. Pagkatapos nilang mag-merienda,dinala sila ni Alexander sa silid na ookupahin nila ni Daphne. Pumasok sila. It was spacious and simple yet there were elegance in every corner.

"Nagustuhan mo? Sa tingin mo, magiging komportable kayo rito ni Daphne? O kung gusto mo,'yong masters bedroom nalang ang sa inyo. Masyadong malaki iyon para sa akin."

"Ilang kuwarto ba ang meron dito?" tanong niya habang inilalapag sa kama ang natutulog na si Daphne.

"Four. One master bedroom, isa kay Kuya Vlad, saka two guestrooms."

Uminit ang ulo niya at lalong tumindi ang pagdududa niya. Ang sabi sa kanya ni Alexander, pagmamay-ari ng mga Moreno ang isla, pagkatapos ay sasabihin nito na ito ang umookupa ng masters bedroom at may sarili pang kuwarto roon si Vladimir? Huminga siya nang malalim at pilit kinalma ang sarili.

Story Of Us Trilogy Book 3 (Alexander Mondragon) CompletedWhere stories live. Discover now