Part 29

4.8K 146 3
                                    

Napasinghap si Christine sa mga narinig.

Tuluyan na niyang nakalimutan ang pakikipagkita sa fashion designer. Obviously ay naiinggit ang mga itokay Alexander. Napailing siya. Pilipino pa naman ang mga ito pero ganoon mag-isip ang mga ito laban sa kapwa Pilipino. At bakit tila napakalakas ng loob ng dalawang ito na mag-usap ng ganoong paksa sa isang lugar tulad ng hotel? Marahil ay iniisip ng mga ito na Tagalog ang gamit ng mga ito kaya walang makakaintindi sa usapan ng mga ito.

Mayamaya ay nakita niyang tumayo ang mga ito at tinumbok ang papuntang elevator. Pasimpleng sinundan niya ang dalawa. Nakasakay siya sa elevator na nilulalanan ng mga ito. Ngumiti sa kanya ang tinawag na "Hugo" pero nagkunwari siya na hindi iyon napansin. Anim silang lahat sa elevator, kasama ang tatlong Pranses. Nang bumaba sa ground floor ang dalawa ay palihim na sinundan niya ang mga ito. Pumasok ang dalawa sa bar. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita si Alexander na sinalubong ang dalawang lalaki. Nagpalipas muna siya nang ilang minute bago pumasok sa loob.

What to do now, Christine? Pupuntahan ba niya si Alexander at sasabihin dito ang mga narinig niya? Ano ang tsansa na paniniwalaan siya nito gayong sa nakikita niya ay tila malalapit na magkakaibigan ang mga ito? Iisa lang ang sigurado niya, hindi niya puwedeng hayaang mapahamak ang modelo. She looked at her watch. 7:18 PM.Bigla niyang naalala ang appointment niya. She sighed. Kinuha niya ang cell phone niya sa bag at tinawagan ang dapat ay ka-meeting niya. Nagdahilan siya na masakit ang ulo niya kaya hindi siya makakapunta. Nakaunawa naman ito at napagkasunduan nilang kinabukasan na lang sila magkita.

Umupo siya sa isa sa mga mesa na malapit sa kinaroroonan ng tatlo. Um-order siya ng fruit punch. Hindi siya mapalagay lalo na at mukhang nahikayat na ng dalawa na uminom ng hard drinks si Alexander. Kung alam lang sana niya kung ano ang hotel suite ni Alexander. Pupuntahan na lang niya ang suite at palalayasin ang babae kapag pumunta na ito roon.

Parang ang bagal ng paglipas ng mga minuto. Napaigtad siya nang mayamaya ay makitang tumatayo na si Alexander sa upuan nito. Tiningnan niya ang suot na relo. Thirty minutes na pala siyang nakaupo roon. Medyo tipsy na rin siya sa ininom na fruit punch at wine na in-order niya. Pero si Alexander ay bahagya nang mabuway ang mga hakbang nang maglakad ito. Nang tumayo na rin ang dalawang lalaki para alalayan si Alexander, mabilis na nag-iwan na lang siya ng ilang euros sa table at mabilis na sinundan ang tatlo.

God help me! tanging nausal niya habang sinusundan ang mga ito. Napapalatak siya nang makita na ilang room lang ang pagitan ng room ng binata sa kanyang hotel suite.

Nang makaalis na ang dalawa na hindi na nag-abalang pumasok sa suite for obvious reasons, nagpalipas muna siya nang ilang minute bago naglakad palapit doon. Gaya ng inaasahan niya, iniwan ng dalawa na nakaawang ang pinto. Wala sa kama nito si Alexander. Baka nasa CR ito.

Hindi naglipat-sandali, nakita niyang umawang ang pinto at pumasok doon ang isang blonde na babae na naka-fur coat. Hindi na siya magtataka kung wala itong suot sa ilalim niyon. Nagulat ito nang makita siya.

"Who are you?" mataray na tanong niya sa mahinang tinig bago pa ito makapagsalita.

"Ah..." Halatang hindi nito alam ang sasabihin. Alam niyang hindi nito inaasahan na may madaratnang babae roon.

"I'm Xander's girlfriend. I know who you are and what are you up to. Now, I want you to leave this suite or I'll call the police to arrest you," mataray na sabi niya rito.

"No, no, please. I'm going out," anito at nagkakandarapang lumabas uli ito ng pinto.

Nakahinga siya nang maluwag. Napaupo siya sa kama. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. Ganoon pala ang pakiramdam na nakasalalay sa iyo ang kaligtasan ng isang tao. Nakakakaba at sobrang relief ang mararamdaman mo kapag nagtagumpay ka.

Nang maging normal na ang tibok ng puso niya, tumayo na siya para lumabas ng suite. Pero natigilan siya nang may magsalita.

"Who are you?"

Napaigtad siya sabay lingon dito. Susuray-suray na lumapit ito sa kanya. Tila natulos na siya sa kinatatayuan.

Nanlaki ang mga mata nito. "I know I'm drunk bhut I'm shuure I'm not dead. Sho why the hell am I sheeing an angel?" anito sa lasing na boses.

Kumunot ang noo niya. Wala sa loob na niyuko niya ang suot. Naka-white flowing dress siya, oo, pero wala naman siguro siyang pakpak para mapagkamalan nitong anghel.

"I'm going out. I just saved you from a bitch," aniya rito.

"You just shavedmhe from a witch? Ishakha ngang anghel," anito na namali pa ng dinig sa "bitch."

Akmang lalabas na siya nang bigla siyang pigilan nito sa braso. Kahit lasing ito ay malakas ito kaya nahila siya nito. Bumagsak ito sa kama kasunod siya.

Bago pa siya makapagprotesta, napihit na siya nito paharap dito. He gently caressed her face that gave her goose bumps all over. Biglang pumasok sa isip niya ang mga sandali na pinagpapantasyahan niya kung ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan nito.

"What a lovely angel..." anito habang titig na titig sa kanya.

Christine, get out of that room now before it's too late!

Tila iyon ang nagpabalik sa tila nahipnotismo nitong huwisyo niya. Tinangka niyang bumangon pero hindi siya hinayaan nito. Hinapit pa nito nang mahigpit ang baywang niya palapit dito. At bago pa siya makapagprotesta uli, nakabig na nito ang batok niya at sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya. Pakiramdam niya ay libo-libong boltahe ng kuryente ang sumigid sa kaibuturan niya sa ginawa nito. Then his hand went to her breast and massage it gently. Her nipples reacted. She shivered.

"Don't leave, angel. I want to make love to you," anas nito nang saglit na pakawalan ang mga labi niya.

"N—no, Alexand—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang pagpalitin nito ang posisyon nila. Siya na ang nasa ilalim nito. And before she could utter another protest, his lips went down to her lips again, teasingly exploring it, demanding her to respond. Nang iwan nito ang mga labi niya, akmang magsasalita siya pero nauwi iyon sa singhap nang ang leeg naman niya ang paulanan nito ng halik. Nanlalambot na ang mga tuhod niya sa mga sensasyong ginigising nito sa katawan niya. Hindi niya inakala kailanman na may ganito katinding epekto ito sa kanya. Ekspertong pumaloob ang kamay nito sa laylayan ng dress niya. It traveled at the apex of her thigh and sensually touch her there she almost lose her sanity.

"Alexander..." she uttered.

"You're so sweet, baby.Remind me everything tomorrow, okay?" he murmured against her neck.

"B-but this is not right," habol ang hininga na sabi niya. Pilit pinananaig ang katinuan ng isip.

"Don't fight it, baby... I wanted you so much. Feel it," anito, saka tila nanunuksong idiniin sa katawan niya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang ebidensiya ng matinding pangangailangan nito.

"P-pero—Oh, God!" sambit niya nang ikulong nito sa bibig nito ang isang dunggot ng dibdib niya. Hindi na niya namalayan na nakalas na pala nito sa pagkakabutones ang dress niya at naalis ang bra niya.She writhed in pleasure when he suckled her breasts alternately like a hungry baby. He was an expert lover. Tila alam na alam nito kung saan ang pleasure points niya na noon lang din niya natuklasan since ito lang ang nag-iisa at unang lalaki na hinayaan niyang maging ganoon ka-intimate sa kanya.

Idinidikta ng isip niya na hindi iyon tama at dapat na siyang umalis subalit hindi magawang sundin ng katawan niya na alipin ng halik at mga haplos nito.

Tuluyang nalagot ang katiting na lang na katinuan niya nang muling bumalik ang mga labi nito sa mga labi niya. Kusa nang pumulupot ang braso niya sa batok nito at ginantihan ang maalab na halik nito. At nang tuluyan nitong hubarin ang mga saplot niya at paulanan ng halik ang buong katawan niya, buong puso na siyang nagpaubaya. Together they rock the world. She gave him her body, surrendered her soul, and submitted her heart...

Story Of Us Trilogy Book 3 (Alexander Mondragon) CompletedWhere stories live. Discover now