Tristan's P.O.V.
Grabe naman itong kasama ko nakasimangot pa rin. Kanina pa kami naglalakad pero wala pa rin itong kaimik imik.
"Uhmm Asher!" tawag ko dito na dahilan para lumingon naman ito.
"Punta muna tayo ng sementeryo!"
Napatigil si Asher sa paglalakad at hinintay ako.
"Bakit? Pupuntahan ba natin mama mo at kapatid mo?" tanong nito sa akin.
"Hindi eh! Pupuntahan lang sana natin yung puso kong PATAY NA PATAY SAYO!" sabi ko dito sabay kindat
Inirapan ako nito at nagmadali ulit maglakad.
"Hintayin mo naman ako Mako! Mahal ko!" sigaw ko dito na nagpainit lalo sa ulo nito dahilan upang lakad takbo niyang tunguhin ang Waiting Shed.
Hinihingal akong inabutan ito sa waiting shed at nakabusangot pa rin ang mukha nito.
"Sorry na Mako!"
"Mako mo mukha mo!"
"Gusto mo ba ng mako?... Makotsilyo!" sabi nito sa akin na nagpatawa naman sa akin.Maya maya pa ay may dumaan ng Dyip at huminto ito sa amin. Eksakto diretso itong pa divisoria, madalas kasi yung ibang ruta ay Quiapo.
Kalagitnaan ng biyahe ay napansin kong naantok pa rin si Asher. Kung kaya hinawakan ko ang ulo nito at isinandal sa braso ko.
"Ano bang ginagawa mo?" iritable nitong sabi.
"Eh ano pa ba? edi pinapatulog ka sa braso ko! baka mauntog ka kasi diyan!" tugon ko dito.
Inialis naman niya kaagad ang ulo niya sa braso ko at para bang nabuhayan ito ng diwa.
Pagkababa namin ay dumiretso kami agad sa mall. Habang patingin tingin ito sa mga paninda ay nakita ko ang isang photo booth.
"Papicture naman tayo doon oh!" anyaya ko dito.
"Bakit naman ako magpapapicture kasama ka? Aber"
"Wala lang para madevelop tayo!"
"ha ha ha nakakatuwa! kasing tanda na ng mga banat mo yung panahon ng lolo ko eh!"
Natawa na lang ako dito at hinatak ko ito papunta sa photo booth. Kahit na ito ay nakasimangot ay nagpapicture pa rin kami.
"Salamat po!" sabay abot ng lalaki sa picture.
"Mukha ka tuloy tanga dito! pinapangiti lang kasi ayaw pa eh!"
Dumiretso na kami sa tindahan ng school supplies na talagang bagsak presyo at doon ay namili na kami.
"Pasensya na sa mga kaklase ko ah! hayaan mo bukas maniningil ako at bibigyan kita ng pera para sa inabonohan niyo!" sabi nito sa akin
"okay lang!"
"Treat ko merienda natin!" sabi niya sa akin na nagpangiti sa akin.
Habang namimili kami ng order namin ay napansin kong naiinip ito sa pila. Kaya bumanat na naman ako ng pick up line dito.
"May alam ka bang gumagawa ng relo dito?"
"Wala eh bakit?" tanong nito sabay tingin sa relo ko.
"Maayos naman ah!"
"May sira ata eh! Pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko!" sabi ko dito sabay kaltok naman niya.
"ayieee!" sabi ng babae sa gilid namin na nakikinig pala sa kalandian namin.
Nahiya kaming dalawa ng oras na iyon at tanging ngiti lang ang naiharap ko sa babae.
"Maghanap ka na nga ng mauupuan natin!" utos naman ni Asher sa akin.
Mahigit kinse minutos din akong naghintay sa kinauupuan ko bago pa man dumating si Asher. Umupo na ito at kumain ka na kami.
"Sana T na lang ako...!"
"huh?"
"para I'm always right next to U!" sabi ko dito sabay tawa.
"Nababaliw ka na ata talaga! Mabilaukan ka sana!"
Sa totoo lang kahit ganoon ang mga feedback niya sa mga silly jokes ko ay napapansin kong kinikilig ito. Masaya akong nakasama si Asher ngayon. Hindi ko nga alam kung for Project ba itong pinunta namin dito eh kasi parang date na rin.
Umuwi na kami at dinaan niya muna ako sa bahay ko. Mas una kasing madadaanan yung bahay namin kesa sa kanila. Kinuha ko rin yung binili namin.
"Akin na number mo!"
"bakit?"
"para sabay na tayong pumasok bukas! ang bigat kaya nito haysss!"
Binigay naman ni Asher yung phone number niya at umalis na ng bahay. Hindi pa rin mawala ang mga ngiti sa labi ko hanggang sa makatulog na lang ako sa sofa dahil sa pagod.

KAMU SEDANG MEMBACA
From TOP to BOTTOM
Fiksi UmumSi Asher Buenaventura ay isang High School Student. Matalino na gwapo pa kung kaya siya ang Campus Crush sa kanilang School. Dahil sa taglay na kagwapuhan ay lapitin ito ng mga babae. May pagkamadaldal ito at pagkasungit lalo na sa mga hindi nito ka...