Tristan's POV
Kaagad kong kinuha lahat ng gamit ko at hinatak si Asher. Pupunta kami pabalik sa amin at doon ay kuluhanin ang aking mga gamit.
"Anak! anong problema? saan ka pupunta?" tanong ni Mama sa akin ng mapansing nagiimpake kami ni Asher ng aking mga gamit.
"tinakwil na ako ni Papa, Mama! kahit na sabihin ko pa sa inyo wala na rin akong magagawa dahil noong araw na pinalayas ni papa si kuya Tyron wala ka ring nagawa!" sabi ko rito.
Palabas na ako ng bahay nang pilit akong hianahatak ni Mama pabalik ng bahay pero nakakalas naman agad ako.
"ANAK!" sigaw nito kahit na pinagtitinginan na kami ng mga kapitbahay
Nakarating kami kila Ariel at doon ay pansamantalang nagpahinga.
"Tristan..." tawag sa akin ni Asher
"sigurado ka ba sa lahat ng ginagawa natin?" sabi nito
"oo naman! basta kasama kita lahat ay aking magagawa!"
"Kailangan kong puntahan si Mommy! siya lang ang mapupuntahan natin sa mga oras na ito!" seryosong sabi niya sa akin
Iniwan muna namin ang lahat ng gamit ko kay Ariel. Hindi pa kami kumakain ng mga oras na iyun at mas pinagtutuunan namin nang pansin kung ano ang aming gagawin.
Pumasok si Asher sa kanilang bahay at kaagaran naman itong niyakap ng kanyang nanay.
"Anong ginagawa mo rito sa bahay ko? akala ko ba hindi mo sasaktan si Asher?" sabi sa akin ni Tita Rob
"mali po kayo nang pagkakaintindi Tita!..." naputol ang usapan namin nang biglaan akong sinugod ni Kuya Richard
Nagsapakan kaming dalawa ngunit sa kasamaang palad ay nabugbog ako ng kuya ni Asher.
"KUYA RICHARD!" sigaw ni Asher sabay sampal dito.
Kaagad naman akong inalalayang tumayo ni Asher at pinaupo sa may gilid ng kalsada.
"SUMUSOBRA KA NA KUYA! PINAGSAMANTALAHAN MO NA NGA AKO! PINAGBINTANGAN MO PA SI TRISTAN!" sigaw nitong sabi sa kanyang pinsan.
"Anong pinagsamantalahang sinasabi mo Asher?" tanong ng nanay niya
"Nung araw na nakita mong umiiyak si Asher, hindi po ako ang dahilan nun! yang magaling mong pamangkin!" sabi ko kay Tita Rob
"Ginahasa po ako ni Kuya, Mommy!" sabi ni Asher kay Tita Rob
Tumakbo si Richard na para bang nabahag ang buntot dahil sa mga ginawa nito. Mula sa pagiging tigre kanina ay nagmistula itong daga sa pagtakbo.
"Sorry anak! hindi ko alam!" sabi ni Tita sabay yakap dito
"pasensya na po kung nagsinungaling ako at napagtaasan kita nang boses kahapon Mommy!" sabi ni Asher rito
Pumasok kami sa loob ng bahay nila at doon ay kwinento ang kabuuan ng mga pangyayari. Dito ay nalinawan si Tita Rob at mas lalo akong nagustuhan.
"Anong plano mo ngayon? pagaaral mo? saan ka titira? ang anak ko?" sunod sunod nitong tanong.
Hindi ko agad ito nasagot at sa halip ay binigyan ko lamang si Tita ng isang ngiti.
"Oh siya! dito ka muna magpalipas ng gabi! hindi kayo pwedeng magtabi ni Asher ah!" bilin nito sa akin.
Kumain kami ni Asher at pagkatapos naman nun ay dumiretso akong muli kila Ariel.
"Tol! may alam ka ba diyang mapagtatrabahuhan?"
"sa amin, ayaw mong i-try? canteen helper?"
"okay na iyan Tol! basta yung kaya akong buhayin!" sabi ko rito
Kinuha ko ang aking bagahe at nagpaalam na rito.
"saan ka matutulog?"
"doon muna ako kila Asher! pinayagan naman na ako ni Tita Rob eh!"
"naks naman Tol! mukhang boto na saiyo ang nanay ah! baka makaisa ka niyan mamaya!" sabi nito sabay halakhak
"iyun ang problema! pinaghihiwalay kami ni Asher ng nanay niya ng higaan!" sabi ko rito
"basag naman 'yan si Tita!"
"sasabay na ako sa iyo! bibili pa ako ng panghapunan namin!" pahabol nitong sabi
Habang naglalakad kami ni Ariel ay nagpangabot ang aming tingin ni James. Pinsan ito ni Asher na minsan ko na ring linagselosan.
"Balita ko kayo na ng pinsan ko ah?!" bungad nito sa akin
"opo Kuya!"
"huwag mong sasaktan ang pinsan ko kung hindi dadagdagan ko pa yang basag sa mukha mo!"
"syempre naman po!"
"mas gugustuhin ko nang mapunta sa iyo si Asher kesa naman doon sa bugok nitong pinsan na si Richard!" sabi nito sa akin
Sa wakas ay unti-unti na akong natatanggap ng pamilya ni Asher. Mabuti pa nga ang pamilya niya tanggap ako, kami! samantalang ang side ko ay halos hintayin ko pa ang pag puti ng uwak bago kami matanggap.

YOU ARE READING
From TOP to BOTTOM
General FictionSi Asher Buenaventura ay isang High School Student. Matalino na gwapo pa kung kaya siya ang Campus Crush sa kanilang School. Dahil sa taglay na kagwapuhan ay lapitin ito ng mga babae. May pagkamadaldal ito at pagkasungit lalo na sa mga hindi nito ka...