enrollment

38 4 0
                                    

"Hala sobrang inet naman." Naka pout na sabi ko habang naka pila sa may registrar.

Makapag chat nga sa gc.

To: My bebe gurls
Sana pala sumabay nako sainyo kahapon :(

From: Selene
Hanap ka nalang ng pogi, kahapon ang dami

From: Caye
Si Kevin ba wala dyan?

Wow ha. Naka seen lang si Grace tapos si Lavinia syempre busy naman lagi yun. Habang nag type ako ng reply-

"Aray! Apaka epal." Inis na sabi ko kay Kevin habang hinihimas ang noo kong pinitik niya.

"Muka kang kinuhanan ng pagkain." Tatawa tawa niyang sabi.

"Bigla bigla ka nalang sumusulpot ha."

"Alam ko kase ngayon ka mag enroll, kahapon kase wala ka nakita ko sila Caye."

"Crush mo si Caye no?" Pabigla kong tanong sakanya.

Pinitik niya na naman ang noo ko bilang sagot. Sasapakin ko na sana siya kaso-

"Umh excuse me, Miss. Pwede bang paki bantayan yung lugar ko?" Tanong ni kuya pogi sa harap ko. Wala akong nagawa, kaya tumango nalang ako.

"Aba ang yabang nun ha." Sabi ni Kev habang tinitignan ang nagmamadaling si kuya sa pag alis.

"Sus, hayaan mo na. Baka may emergency."

"Muka niya emergency." Masungit na sabi niya.

Napaka epal akala mo siya eh hindi mayabang. Tinignan ko siya habang pinapaikot niya ang bola sa left hand niya. Naka puti siyang jersey na terno sa shorts niya na may number 7 at pangalan ng school namin-

"Alam mo ang baho mo." Pangloloko ko sakanya kahit na amoy na amoy ang bango niya.

Inamoy niya ang sarili habang naka kunot ang noo- "Hindi naman ah."

"Hindi da-

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bumalik si kuya- "Excuse me, here's your water." Nagulat naman ako ng bigay niya sakin ang bottled water na mukang sobrang lamig.

"Thanks pare, kanina pako nauuhaw eh." Mahangin na kinuha ni Kev ang bottled water tapos binuksan at ininom. Aba, napaka bastos!

"Hoy Kev, napaka bastos mo talaga!" Sigaw ko sa tenga niya. Humarap ako kay kuya- "Kuya, thank you sa-- hindi kona natapos ang sasabihin ko ng hilain ako ni Kevin.

Hindi ako maka angal sa bilis ng lakad niya halos tumakbo na ako.

"Halika pasok ka, okay kalang?" Aba nag tanong pa siya pagka tapos niya ko patakbuhin.

"Ang b bilis mo maglakad." Kapos hininga kong sabi sakanya.

"Ay oo nga pala mabagal ka lumakad, si Caye kase mabilis." Napa seryoso ako sa narinig at malungkot na ngumiti sakanya.

"Ah oo." Bitaw ko sa kamay nyang naka hawak sakin tyaka mabilis na umiwas na tingin.

"Teka lang ha- kinuha niya ang documents sa kamay ko. "Puntahan ko lang si Ate." Mabilis siyang pumasok sa may admin building kung saan nandun si Ate Pam, assistant principal sa school namin. Haaaaay.

"Sabi naman sayo ayaw ko ng ganun eh." Maktol ko sa kaniya pagka labas niya ng admin tyaka nag walk out

Papunta sa canteen. Kala niyo ha. Syempre pumila ako ng maayos kahit kakilala kona sila tita na nagtitinda.

"Oh Aira, last day na ah. Ngayon kalang nag enroll?" Tanong ni tita habang kinukuha niya ang bibilhin ko kahit wala pa akong sinasabi.

"Opo, Tita. Ngayon lang po kase ako sinipag."

"Ikaw talagang bata ka. Oh Eto, libre na muna yan." Bigay niya sa frozen yogurt.

"Hala naman si Tita." Hinahanap kopa kase ang wallet ko dahil sa dami ng kalat ng bag ko.

"Sige na Aira, kunin mona. Alam mo namang paborito kita, pang wel- bago pa matapos ni tita sasabihin niya naglapag ng 100 pesos si Kev at hinila na naman ako.

Nandito kame sa terminal ng may tignan siya sa phone niya habang hiningal padin ako. "Napaka rude mo! Hindi pako nakakapagpa thank you kay tita." Kahit hinihingal nagawa ko siyang sigawan. Ang galing ko talaga.

"Si tita Amy nag text sakin, umuwi kana may pupuntahan pa daw kayo." Sabi niya habang kinuha ang frozen yogurt ko at pinunasan ang kamay ko sa jersey niya dahil sa mga tumulo.

Pero ano daw? Pupuntaha- "OMG! OO NGA PALA." Patakbo na sana ako sa jeep ng may humila sa bag ko.

"Umayos kanga baka madapa ka. Oh eto kainin mo nang maayos ha." Sabay abot niya ng frozen yogurt ko tapos ay sinamahan ako pa akyat ng jeep.

Nang naka sakay nako tyaka kolang naalala na nakalimutan ko magpa thank you kay Kev. Mag text na sana ako sakanya kaso nanlaki ang mata ko sa nakita.

"21 missed calls"

From: Mamu
AIRA JANE LOPEZ!

Anong oras na ah

Baka nakakalimutan mo may pupuntahan pa tayo!

Wag kana umuwi

From: Grace
Gaga! Si tita tumawag. Lagot ka, gumala ka na naman no?

From: Selene
Masyado mo na enjoy mga boys sa school ha, lagot ka kay tita ngayon

From: Caye
Your Mom's calling us nonstop. Aira naman can you be more responsible?

From: Kevin
Ingat ka, tatanga tanga ka pa naman

OMG! I'm dead. Ugh. Bakit ba kase makakalimutin ako. Lagot ako kay Mamu..

Silently InloveWhere stories live. Discover now