Jec

26 2 0
                                    

Kinabukasan ay agad akong nag ayos para maka alis ng bahay. Nagsuot lang ako ng casual dahil pupuntahan ko lang naman ang kaibigan ko.

"Mamu, puntahan ko lang po si Jec tapos dadaanan ko din po uniform ko." Pagpapa alam ko pagkatapos ay kiniss na siya sa pisngi.

"Hinanap ka nila lola mo kahapon! You are very irresponsible!" Sabi niya habang busy na nag bake ng brownies para sa kambal.

"Una na po ako, mamu." Malungkot akong napangiti.

"Bye, Vanilla!" Kaway ko sa aso ko pagka tapos kong bigyan ng pagkain at tubig.

Naglakad lang ako palabas ng village namin kahit medyo malayo palabas dahil maaga pa naman. Nang maka labas na ako ay nag aabang ako ng jeep. Napa nguso ako dahil punuan ngayon, sana pala hapon nalang ako umalis. "Miss, sayo ata to." Napalingon ako sa likod ko.

Nakita ko ang kulay blue na panyo kong hawak hawak niya. "Hala, thank you!" Malaking ngiti kong sabi sakanya. Tumango lang siya pagkatapos kong kuhanin. Pero teka- "Omg, ikaw yung kahapon sa enrollment!" Napa sigaw ako sa sobrang tuwa. Haha!

"Ah oo." Maikling sabi niya.

"Thank you ulit ha. Taga dito ka din ba?" Pagtatanong ko sakanya, bakit ba feeling close ako eh.

"Yes." Tapos ay tumingin siya sa relo niya.

"Nagmamadali ka?" Pangungulit ko sa kaniya.

"Medyo." Maikling sagot niya.

Hindi ko nalang kinausap kase medyo na offend ako sa pag sagot niya. Ang sungit. Gusto ko lang naman siyang maging friend. Naka pout ako habang nag aabang ng jeep. "Go." Sabi niya na ikinalingon ko. Hala, omg. May jeep na pala sa harap ko. Sumakay nako tapos ay pumunta sa right side dahil dun nalang ang may bakante at kasya pa ang tatlo.

"Saan punta mo?"

"A- ako?" Paninigurado ko kung ako ba kausap niya.

"Who else?" Pagsusungit niya.

"Sa puregold lang." Sagot ko nalang.

Nakakapagtaka naman to. Madalas mabait minsan masungit. Daig pa ang babaeng may pms!

Inabutan niya ko ng pero kaya naman inabot ko sa tabi namin. "Bayad daw po."

"Dalawa pong puregold." Sabi ni kuya na ikinagulat ko.

"Hala, teka may pera naman ako." Natataranta ako habang kinakalkal ang wallet sa bag.

"Alam ko." Tapos ay inilabas niya ang earphones niya at nagpa music.

Ang saya ha. Hindi man lang ako makapagpa thank you. Ang dami ko nang atraso sakaniya.

"Para po!" Pagkababa ay nilingon ko siya habang tinatanggal niya ang earphones niya.

"Teka!" Pigil ko sa kaniya habang patawid siya sa ibang daan.

Tinignan niya lang ako. "Thank you!" Naka ngiti kong pagpapasalamat sakaniya. Nag nod lang siya tyaka umalis.

Pagpasok ko sa puregold ay binati ako ni manong gaurd. "Magandang umaga, ma'am!" Naka ngiting sabi niya. "Good morning din, manong!" Nag tanguan kame tyaka na ako kumuha ng cart para makapag grocery na.

Tinignan ko ang phone ko at sinimulan nang kuhanin ang mga kailangan ni Jec.

Pagkabayad ko sa counter ay tumawag ako sa labas ng tricycle papunta sa apartment ni Jec.

"Manong sa Sunshine po, block 28" Sabi ko kay manong habang nilalagay niya sa likod ang dalawang kahon na pinamili ko.

Habang umaandar ang tricycle ay kumuha ako ng picture ng daan.

'What a good day!' caption ko sa ig story ko.

"Ma'am pasok ko po ba sa loob?" Tanong ni manong driver.

"Huwag na po, kaya ko na po." Ngiti ko habang inabot ang bayad.

Kumatok ako sa pinto. "Sandali lang!" Sigaw ni Jec.

Pagkabukas ay hindi na siya nagulat nang makita ako. Tumalikod lang siya at tutuloy ata ang gagawin. "Hoy bakla, tulungan moko magbuhat." Tawag ko sakanya.

Bumalik naman siya agad. "Hay nako! Bes naman ang dami kopang stock. Pinang grocery mo palang ako last week!" Madamdaming sabi ni Jec.

"Syempre bakla lagi na nyan ako nandito, pasukan na!" Natatawang sabi ko.

Habang pinapasok niya sa loob ang mga kahon ay inaayos ko naman ang mga gamit niya sa kusina, napaka gulo!

"Kamusta naman si fafa Kev?" Nilingon ko siya ng naka simangot, ang galing mang badtrip!

"Ayun sila na ata ni Caye, pa deny deny pa." Nagsimula na ulit akong nag ayos.

"Selos ka naman? Selosa ka pa naman.." Humawak pa siya sa tyan niya sa sobrang tuwa!

"Bahala ka nga, magdidilig muna ako ng mga halaman."

Patapos nako mag dilig ng---

"Ay shit!" Literal na shit 'tong na apakan ko.

Hinugasan kona yung sandals ko. Pumasok ako sa apartment na naka simangot.. "Naka apak ako ng tae bakla."

"Okay lang, magkamuka naman kayo." Naka ngiti pang sabi..

"Alam mo upakan talaga kita." Naiinis na sabi ko sakaniya.

Sinubo ba naman sakin ang isang dakot ng popcorn! Natahimik tuloy ako.

"Halika na bilis! Tapusin na natin 'to. Episode 13 na tayo." Excited na turo niya sa kdrama na pinapanood namin.

"Eh ilang beses na nating inulit ulit yan ah."

"Ayaw mo?" Masungit na tanong niya.

"Syempre... gusto."

Habang nanonood kame naiiyak ako agad. Grabe. Ilang ulit ko nang pinapanood 'to. Pero tuwing pinapanood ko iba na yung perspective ko!

"Grabe bakla.. Sakit padin." Iyak ko sakaniya habang pinupunas ko sipon ko sa damit niya. Tapos na namin lahat ng episode. Hanggang episode 16.

"Ay! Gaga! Ang baboy mo, kahit kelan talaga!" Maarte niyang sabi.

"Sus. Nung elementary tayo balita ko crush na crush mo'ko." Pang aasar ko sakaniya.

"Hoy babaeng feelingera! Mas maganda na ako sayo ngayon no! Kalimutan mo na yun. Ew!" Maarteng sabi niya with pandidiring muka pa.

"Sus. Sige kunware wala akong nalaman!"

Nag ayos na ako ng gamit tyaka kinuha ang uniform ko at umuwi na.

Last day nalang nang summer bukas, saan kaya ako pupunta?

Silently InloveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum