coffee shop

19 2 3
                                    



'Mami'

"May pupuntahan kaba bukas?" Pambungad na agad na tanong ni Kevin..

Patulog na dapat ako kaso narinig ko na may tumatawag tapos makikita ko si Kevin, nag hintay muna ako ng ilang oras bago sagutin.

Huminga muna ako ng malalim.. "Wala naman ata." Malumanay na sagot ko.

"Mag bowling tayo bukas!" Excited na sabi niya.

"Okay!" Sinubukan kong pasiglahin ang boses ko..

"Nag away kayo ni tita?"

Hindi nako nagulat sa tanong niya, lagi naman kameng nag aaway ni mamu. Close kame pero laging umaabot sa away mga usapan namin..

"Inaantok lang ako, see you bukas!"

Pinatay kona agad dahil sa biglaang tulo ng luha ko.. Kailan kaya ako hindi iiyak bago matulog?

Namamaga ang mata ko..

Naligo nako at medyo humupa naman na ang maga sa mga mata ko. Sinubukan kong ngumiti sa salamin pero kitang kita kung gaano ka pilit.


"Mamu, alis na po ako. May lakad po kami ni Kevin." Pagpapaalam ko sakaniya habang nagdidilig siya.

Tinanguan niya lang ako dahil busy siya.

Maaga akong dumating sa coffee shop na tinext ni Kevin. Nagdala ako ng libro!

Napa sapo nalang ako sa noo nang makita ko ang nadalang libro, heto yung natapos ko last week!

Naisipan ko nalang maglakad lakad. Habang naglalakad ako naka kita ako ng mag nanay. Napangiti nalang ako, ganun din kame dati ni mamu..

Gustong gusto ko dito sa coffee shop na'to.. Maraming taong naglalakad lakad ang iba ay kasama pa ang kanilang mga aso! Maraming halaman, sobrang underrated ng lugar na 'to.

Bumalik nalang ako sa coffee shop at umorder ng breakfast. Before lunch pa kase ang usapan namin ni Kevin. Sinadya ko talagang umalis kaagad dahil ngayon ang punta ni ate Candy samin. Sigurado akong siya lang naman ang mukang bibig ni mamu, baka mawala lang ako sa mood bago umalis.

Umorder ako ng pancakes hindi ko pinalagyan ng hot chocolate or coffee kase madalas ako mag palpitate sa hot drinks.

Habang kumakain ako nakakita ako sa harap ko ng batang umiiyak. Hala, namumugto ang mata niya. Nilapitan ko siya.. "Hello baby, bakit ka umiiyak?" Tanong ko sakanya habang naka ngiti.

"My m mom won't let me buy any toys, she told me I'm too old to have toys.." Humihikbi pa siya habang nagsusumbong.

"Where's your Mom?" Pagtatanong ko dahil sobrang familiar ng bata..

"There!" Pagka turo niya ay parang huminto ang mundo ko.. napalunok ako sa nakita.

Si ate Ry..

Muntik pa'ko maiyak habang lumalapit siya. "Ate.. umh long time no see." Naka ngiting sabi ko sakaniya.

Hindi niya ako pinansin. Hinila niya lang ang baby niya at dali dali nang umalis.

Kung sabagay bakit nga ba niya ako papansinin. Kaaway niya ang mama ko. Ang asawa niya..


"Jec.."

Humihikbi ako habang nandito sa loob ng restroom ng coffee shop..

"Nasan ka?" Natatarantang tanong niya.

"Naalala mo nangyare sakin nung gr 9?" Hindi ko alam paano ako nakapagsalita sa sobrang hirap kong huminga.

"Bakit hindi? Putangina naman! Nakita mo siya? Nasan kaba?" Nangagalaiti niyang tanong.

"H hindi.. yung wife niya lang." Humihikbing saad ko habang tuloy tuloy yung mga luha sa mata ko.

"Aira nasan ka!?" Galit na galit na tanong niya.

"Jec.." Umiiyak lang ako at hindi sinasagot ang tanong niya.

"Aira naman! Teka lang, asan kaba kase? Huminga ka muna ng malalim!" Natataranta na siya ng sobra dahil rinig ko ang nabagsak na gamit niya.

Huminga ako ng malalim. Kinalma ko ang sarili ko. "Jec.. okay na'ko. Thank you!"

"Anong okay?! Gaga ka! Nasan ka?" Galit at inis na pagtatanong niya.

Pinatay ko nalang ang tawag..

To Jec:

Thank you bakla! Okay nako!

Tinignan ko ang oras at malapit nang mag before lunch.. nag ayos nalang ako sa restroom.

Nang matapos ay umupo na ako sa high chair ng coffee shop. Kinuha ko nalang ang earphones ko at nag play ng music..

Ocean Eyes

Napaka relaxing, one of my favorite songs.

May nagtakip ng mata ko.. alam kona agad kung sino dahil amoy na amoy ko ang pabango.

"Kanina kapa?" Naka ngiting tanong niya habang pinunasan ang muka ko.

"Umiyak ka na naman!"

"Syempre may mata ko!" Inikutan ko siya nang mata.. "Tara na!" Hinila ko siya para wala ng madaming tanong.

"Kanina ka pa no?" Pagtatanong niya.

Tumango lang ako. Habang naghihintay kame ng jeep napatingin ako sa relo ko. Maaga siya ah, pagkatapos ay napatingin ako sakaniya. Naka simple white round neck shirt na may pendant tapos ay naka pants and white shoes lang. Feel ko galing siya ng training.

"Sakay na." Pinauna niya akong sumakay sa jeep, tapos ay tumabi siya sakin.

"Ako na ha. Teka lang!" Sabi ko habang hinahanap agad ang wallet sa bag ko. Maglalabas palang ako ng pera ng pina abot na niya ang bayad para saming dalawa. Kainis!

"Gusto ko kkb eh!" Inis na sabi ko sakaniya.

"Kain kain beh?" Pang aasar niya lalo..

Nilabas ko nalang ulit yung earphones ko. Bigla naman niyang kinuha yung isa, napaka epal!

"Jowa ba kita?" Natatawang tanong ko sakaniya.

"Hindi pa." Naka ngiting sabi niya.

Napa iwas ako ng tingin.. "Psh."



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Silently InloveWhere stories live. Discover now