Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte

CHAPTER 1

120K 5K 8.5K
                                    

CHAPTER ONE



NAKAHANAP sila ng magandang pwesto. Tama nga na hindi sila sasali sa mga mayayamang bisita, dahil nasa itaas ang mga ito, sila naman ay nasa likod na bahagi ng mansyon.

Humigit kumulang isang daan ang trabahador na imbitadong kasama nila doon. May ginawa rin na stage kung saan may mga nagpe-perform at nakikita iyon galing sa itaas.

"Artista 'yan, singer 'yan. Nakita ko na 'yan sa T.V." Si Julio na hindi maalis ang tingin sa stage. Mangha dahil nakakita ng artista sa personal.

Magagandang babae ang kumakanta at may gwapong lalaki rin. Pamilyar nga sa kanya ang mga mukha hindi niya lang masyado binibigyan ng pansin dahil mas focus siya sa pakikinig.

"Bababa raw mamaya ang Don para mag speech." Narinig niyang kwentuhan sa kabilang lamesa.

"Grabe talaga ang mga bisita kapag may birthday ang alin man kay Don Patricio at Donya Zarita ano? Mga big time!"

"Sinabi mo pa. Bukas na bukas din ay nasa dyaryo at TV na naman ang kaarawan ng Don. Hindi ito papalampasin na hindi pag-usapan."

"At ang ga-gwapo at ga-ganda ng mga anak nila! Hindi na ako magtataka kung bakit ang gaganda rin ng mga dalagang bisita. Maka-bingwit ka lang ng isang Guerrera, secure na ang magandang kinabukasan mo, idagdag pa ang magandang lahi."

Walang tigil sa papuri ang mga tao doon. Hindi tuloy siya makapag-focus sa pakikinig dahil naagaw ang atensyon niya ng mga nag-uusap.

"At hindi rin naman pipili ng pipitsugin lang na mapapang-asawa ang mga anak na lalaki ng Don. Kaya wala ng pag-asa ang mga kababaihan dito sa atin na nangangarap na masungkit ang isa sa kanila."

Umirap siya. Hindi pa ba halata? Syempre, ang mayaman ay para lang sa mayaman. Sa libro lang na-i-in love ang mayamang lalaki sa mahirap na babae 'no!

"Pero kapag sobrang ganda ng babae, kahit hindi mayaman, baka matipuhan pa rin nila." Bawi ng isa at napansin niyang napatingin sa kanya. "Tignan mo 'yang si Tatianna, kung gagamitin lang niyan ang ganda niya, makaka-bingwit 'yan ng mayaman."

Siya na bigla ang naging paksa sa usapang 'yon.

"Tama ka, sobrang ganda ng batang 'yan. Marami raw ang nagkakagusto d’yan sa eskwelahan nila."

Nang tignan niya ang mga ito ay bigla siyang nginitian. Ngumiti nalang siya pabalik tutal naman ay pinuri ang kagandahan niya.

"Naiihi ako," Bulong niya kay Julio.

"Doon 'yung cr. Pasok ka sa pasilyo. Sa kanan makikita mo."

May itinuro ito, kailangang dumaan pa sa mahabang pasilyo bago makarating sa banyo.

Dahil busy si Julio, hindi niya na ito inabala pa para magpasama. Siya nalang ang mag-isang naghanap kung saan man mayroon.

Naglakad si Tatianna nang naglakad hanggang sa makita niya nga ang mahabang pasilyo. May iilang kasambahay ang mga dumadaan at pare-pareho ng suot. Dark blue at white na bestida. May puting parang headband pa, parang sa mga kasambahay sa mga pelikula.

"Excuse me, saan po ang cr?" Magalang na tanong niya sa isa sa mga 'yon.

Ngintian siya nito at halos mapayuko pa bilang respeto. Kumikislap ang mga mata habang nakatingin sa kanya, kung mangha o ano, hindi niya alam.

HG 1: Seduction of FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon