Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

CHAPTER 5

156K 4.1K 5.1K
                                    

CHAPTER FIVE




MATAAS na ang sikat ng araw nang magising si Tatianna. Wala ulit sa tabi niya si Zacarias. Inilibot niya ang tingin sa bahay ngunit wala ito doon. Napilitan siyang bumangon at nakaramdam ng kaginhawaan nang hindi na siya pinahirapan ng pananakit ng kaselanan niya.



Tatianna blushed when she remembered what Zacarias did to relax her. Nasapo niya ang mukha dahil talagang nag-iinit iyon paikot sa kanyang batok.



Ayaw niya sanang alalahanin pa ang maiinit na sandali na pinagsaluhan nila ng Senyorito, kinakain siya ng hiya.



It was so wrong, but she can't stop herself from asking for more of him. The burning fire inside her body could hurt her if she didn't not allow Zacarias to please her. She can't understand her body's reactions with his touches and kisses, gustung-gusto iyon ng katawan niya.



Bumangon si Tatianna at mabilis na naligo. Kinuha niya sa cabinet ang tuyong damit niya pati na rin ang panty at bra. Paglabas niya sa pinto ay siya namang paglalakad ni Zacarias papunta sa bahay galing sa kwadra.



Wala itong damit pang-itaas, tanging kupas na pantalon lang ang suot. Umagang-umaga ay naglikot kaagad ang kanyang mga mata. Napako 'yon sa bandang tiyan nito, sa mga muscle doon na nakaumbok.



"Morning," Zacarias greeted her, making her eyes look up at his face.



"Good morning,"



"We'll leave soon."



"Sige, sa kwadra nalang kita hihintayin."



Nilingon lang ni Zacarias ang kwadra bago ito pumasok sa bahay para siguro maligo. Nilapitan niya si Rapido at hinaplos ito sa katawan. Maamo siya sa mga hayop, madali niyang napapaamo ang mga ito.



Ang sabi ni Julio baka raw pati ang mga hayop ay nabibighani sa ganda niya kaya napapasunod niya. Tinawanan niya lang ang kaibigan noon.



Sinasabi ng mga tao na sa buong Hacienda Guerrera siya raw ang pinaka-magandang babae, bukod kina senorita Zalanna at Zakia, na kapatid ni Zacarias.



Hindi sila lehitimong taga roon. Limang taong gulang pa lamang siya nang lumipat sila sa Hacienda. Sa paglaki niya, unti-unti niyang napapansin ang mga kaedad niyang babae na ayaw siyang maging kaibigan. Tanging si Julio lang ang nanatili sa tabi niya, ang taga-pagtanggol niya sa mga nang-aaway sa kanya.



Kahit sa eskwelahan, marami ang umaaway sa kanya hanggang sa ngayon na dalagita na sila. Ayaw niyang aminin na ang dahilan ay naiinggit sa ganda niya ang mga babaeng 'yon, dahil para sa kanya, lahat ng babae ay maganda, sa iba't-ibang paraan nga lang nakikita.



Napaigtad pa si Tatianna nang maramdaman sa gilid niya si Zacarias at ang simpleng paghaplos nito sa kanyang baywang.



"Ang bilis mo, ha."



Nakita niyang nakaligo na ito. Bagong damit at pantalon na rin ang suot. His boots is clean, too.



"Sa mansyon na tayo mag-almusal."



Napatingala siya sa binata. Mataas siya para sa normal na tangkad ng mga babae, pero hanggang balikat lang siya ni Zacarias.



"Uuwi na ako."



"Mag-almusal muna tayo bago ka umuwi."



Tapos ay hinawakan nito ang lubid ng kabayo, pinalakad palabas pa ng kwadra. Sinundan niya si Zacarias na mabagal na naglalakad kasabay ni Rapido.



"Sa mansyon niyo? Huwag na, nakakahiya 'yon, Zacarias."



Maisip niya palang na makikita siya ni Don Patricio at Donya Zalita na kasama si Zacarias ay para nang hinahalukay sa kaba ang kanyang tiyan. Hindi niya kaya 'yon!

HG 1: Seduction of FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon