T W O

484 11 0
                                    

CHAPTER TWO:

sorry for the misspelled words and grammatical errors, oki?

HUMANAP na ng puwesto si Klariz at Laura and luckily sa may harapan sila nakahanap ng mauupuan dahil wala pa namang gaanong tao sa gym.

KLA's

Hindi ko alam kung bakit mayroong kung anong kaba akong nararamdam, hindi ako mapakali parang sa oras na magsimula ang laban ay sasabog na yung dibdib ko, hindi ko talaga alam kung bakit.

"Uy Klariz, okay ka lang ba? Parang ikaw yung maglalaro diyan girll! kumalma ka nga!!" aniya ni Laura

"Ah wala, okay lang ako siguro kase dahil ngayon na lang ulit ako manonood ng game." sagot ko naman kay Lau at itinuon na ulit ang mata sa court kung saan isa isa ng tinatawag ang players ng magkalaban na teams.

THE GAME STARTED

Kaliwa't kanan ang hiyawan. Malalakas na hiyawan at palakpakan naman ang maririnig dahil sa sunod sunod na pakawala ni John ng 3 points, oo aaminin ko na magaling talagang maglaro si John at siguro nakakadagdag yon sa kagwapuhan niya bukod sa likas na may hitsura naman talaga siya pero sadyang may kasungitan lang talaga paminsan.

LAST one minute na lang at tumawag ang XAIV ng kanilang last time-out, lamang ng dalawang puntos ngayon ang BMU at mukhang nahihirapan na sila dahil magaling din naman talaga ang XAIV, nangangamba sila dahil isang pakawala lang ni Reyes ng tres mula sa XAIV ay matatalo sila hindi lang matatalo kundi matatalo sila sa sarili nilang lugar dahil ang venue ng game ay sa gym ng BMU. Umpisa na ulit ng last minute.

Naka'y Richard ang bola at 15 segundo na lamang ang natitira sa kanilang oras, mabilis na naipasa ni Richard ang bola kay John at muli ay nagpakawala si John ng nakakamanghang tres dahil buzzer beater ito. Naghiyawan naman ang mga taga suporta mg BMU at maya maya pa ay natapos na nga ang game.

Naglalakad na kami ni Lau pauwi sa dorm ng biglang...

"omg wait lang abangan natin si John na lumabas ng gym"
"papicture lang tayo sakanya, crush na crush ko talaga yon eh"
"pero girl balita ko may girlfriend na daw si John eh, pero di niya pa daw pinapakilala sa lahat."
"and so? asawa nga naagaw eh boyfriend pa kaya?" kwentuhan ng mga babaeng nagaabang sa may exit ng gym

SAKTO naman na palabas na ng gym sila John at ayun nga pinagkaguluhan naman siya ng mga babae niyang fans.

"Love, Klariz andyan ka na pala!" sigaw ni John at patakbong lumapit sakin kaya naman gulat na gulat ako at ni hindi ko na nagawang makaalis sa kinatatayuan ko ng makalapit na si John sa akin.

"hoy! anong love ka dyan??" bulong ko naman sakanya na may halong pagkainis dahil sa ginagawa niya.

"Basta makisakay ka na lang dyan." walang emosyon niyang tugon

"Ah girls, baka pwede next time na lang may lakad pa kase kami ng girlfriend ko eh." sabi niya sa mga grupo ng babae at umalis na habang hawak ang kamay ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nagpadala at ni hindi ko man lamang nakuhang umalma ng hawakan niya ang kamay ko.

"Uhm John yung kamay mo." ilang kong saad sakanya

Agad naman na tinanggal ni John ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Pasensya ka na Klariz ha, ikaw kase una kong nakita kanina kaya ikaw yung nahila ko." pagpapaliwanag ni John habang nakayuko at di magawang tumingin sa mga mata ko habang nagpapaliwanag.

"Bakit mo ba ginawa yon?" tanong ko naman kay John

"Nag sorry na naman ako kanina so hindi mo na kailangan pang malaman yung rason ko." tiim bagang niyang saad. Tignan mo to. Hello, ako kaya yung dehado dito—ako lang naman yung pwedeng sugurin anytime ng mga obsessed niyang fans.

"Hoy teka nga! dapat panindigan mo ko!" sigaw ko sakanya pero mukhang iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko.

NANLAKI naman ang mga mata ni John.

"Ay teh di naman kita binuntis, hinawakan ko lang kamay mo sa harap ng maraming tao at tinawag kitang girlfriend ko!! hindi naman siguro nakakabuntis yung ginawa ko diba?" mahabang paliwanag ni John

"Hindi nga! Pero hello andaming nakakita sa ginawa mo and for your information lang John, sa tingin mo ba hindi magagalit sakin yang mga fans mo ha?! galit kong asik sakanya dahil mukhang siya pa itong umaarteng argabyado.

"Oo na paninindigan kita, pero may rules dapat tayo." saad ni John

------------------

NAKAUWI na si John at Klariz sa kani kaniyang dorm nila.

JOHN's

Sa totoo lang gusto ko naman talaga ang nangyayaring ito sa amin ni Klariz, yung pagpapanggap na gagawin namin kase sa totoo lang parang na love at first sight ata ako sa kanya, halos apat na taon na ata akong humahanga kay Klariz pero syempre hindi pa ako umaamin sakanya kase natatakot ako na mawala yung pagkakaibigan namin lalo na at alam ko din na malabo na magustuhan ako ni Klariz pero siguro ito yung  magiging paraan para mas mapalapit kami sa isat isa.

•••••••••••••••

YTOIW chapter two done!

HIII, THANKS FOR READING
and sorry for the slow flow of update, online classes and school works are eating up all my time but babawi ako guys mwaaps. 💜

You're the one I wantWhere stories live. Discover now