F O U R T E E N

423 11 1
                                    

CHAPTER FOURTEEN:

sorry for the misspelled words and grammatical errors, oki?


KLA's

"Oo, Klariz meron"

Tumatak sa akin ang mga katagang binitiwan ni Richard. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya na pero naguguluhan ako, bakit andito si Richard?? Bakit magkasama sila ni Laura? Bakit pakiramdam ko may alam sila na hindi ko alam??

"ano ba? naglolokohan ba tayo dito?? bakit kayo magkasama Lau?" tanong kong muli pero medyo mahinahon na ako

"Richard?? anong ginagawa mo dito, I mean bat ka nandito sa baba??" singit na tanong naman ni John

"may sasabihin kase ako sa inyo" nakayukong tugon ni Chard

"teka!! asan si Aeious?? iniwan mo mag-isa yung bata??" tarantang tanong ni John

"Hindi, inihabilin muna namin kila Ai at Almi" saad ni Laura

"huhh? teka sino si Aeious??" singit ko sa usapan dahil naguguluhan na ako sa kanila

"a-ah si Aeious, anak ko" saad ni John habang nakayuko

"m-may anak ka na?" saad ko habang pinipilit ko na di mabasag ang boses ko

"guys, upo muna tayo medyo pinagtitinginan na kase tayo eh" kalmadong saad ni Lau at umupo na nga kami, bahagya naman kaming nilamon ng katahimikan hanggang si John na ang unang nagsalita

"Klariz, Im sorry. Hindi ko sinasadya lahat. Maniwala ka na ginusto ko talagang magpaliwanag sayo pero pagdating ko sa bahay natin, wala ka na at wala na din yung mga gamit mo" saad ni John

"hindi mo man lang ako hinanap, John o baka talagang mas pinili mo na wag akong hanapin kase sino mga ba naman ako diba?" mataray kong saad kahit na isang salita niya pa ay babagsak na talaga ang luha ko

"saglit lang may sasabihin si Richard!" singit ni Lau para mabawasan ang tension na meron ngayon

"Spill it out!" saad ko habang nakatingin ng diretso kay Chard

"Hindi ko naman inaasam na mapapatawad niyo ako sa nagawa ko, lalo na sainyo John at Klariz." aniya ni Chard

"ano bang pinagsasabi mo Chard? hindi kita maintindihan" naguguluhang tanong ni John

"Richard pwede ba mamaya ka na magsalita?! pwede bang patapusin muna natin magsalita si John para matapos na lahat ng kalokohang ito!!" asik ko kay Richard dahil mukang mas malalim ang pinanggagalingan nito.

"Klariz, maniwala ka naman sakin hindi ko ginusto lahat ng nangyari, nadala ako kay Agatha naging marupok ako sakanya pero Kla, ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ka..." aniya ni John na ngayon ay medyo naluluha na kaya agad ko nang pinutol ang sasabihin niya. Ayoko siyang makitang tuluyang umiyak dahil iyon ang kahinaan ko

"So, anak mo nga si Aeious? anak mo siya kay Agatha?" mahinahon kong saad

"O-oo, pero Kla walang namamagitan samin ni Agatha sa bata lang ang concern ko" paliwanag muli ni John

"Ahh sige. Sana maging mabuti kang ama sakanya, huwag na huwag mong iiwanan ang bata, hindi niya deserve ang sirang pamilya" kalmado at walang emosyon kong saad

"at ang anak niyo? so, si Aeious hindi deserve ang sirang pamilya pero ang anak mo deserve nila?? ganon ba yon haa??" asik naman ni Richard

"Chard doon na muna tayo hayaan na muna natin sila na mag-usap" aniya ni lau na hinihila si Chard

"hindi! walang aalis dito. Maguusap tayo!" ma-awtoridad na asik ni John, kita mo sa mata ni John ngayon ang sakit at galit

"Klariz, totoo ba?" tanong ni John sa akin.

"Oo, totoo. Oo, may anak tayo.Kung akala mo ay itinago ko, iyon sayo, mali ka John, mali. Sinubukan kong sabihin sayo, natatandaan mo ba nung araw na sinorpresa kita, ayun sana yun John, yun sana yung araw na malalaman mo na magiging tatay ka na, masaya sana tayo non kase alam ko gustong gusto mo nang maging Daddy noon. Pero wala, tas ngayon nalaman ko pa na naging daddy ka pa rin naman kaso hindi sa mga anak natin, kundi sa anak niyo ni Agatha." naputol ang sinasabi ko dahil nagsilandas na ang mga luha na kanina ko pa pinipigil, agad akong niyakap ni John pero tinulak ko din naman siya agad

"Huwag kang mag-alala, John. Ipapakilala pa din kita sa mga bata, karapatan mo iyon, karapatan mo na maging tatay sa kanila." walang emosyon kong saad at agad na akong umalis, ayokong mag breakdown sa harap nila, sa harap niya.

-

JOHN's

Naiwan kami dito sa baba, kasama ko si Laura at Richard. Hindi ko alam, hindi ko matanggap. Hindi ko alam na may anak kami ni Kla at hindi ko matanggap na hindi ko manlang nagawang magpakatatay sakanila.

"Uy, John okay ka lang ba?" untag ni Lau

"Hindi, sana manlang alam ko na may anak kami, sana naging tatay ako sakanila, sana naparamdam ko ng buong buo yung pagmamahal ko sakanila. Nakakapagsisi rin na dahil naging miserable ako nalimutan ko yung anak ko na nandito at kasama ko, hindi ko manlang naparamdam ang pagmamahal ko at di ko manlang naparamdam kay Aeious na sapat siya" saad ko at di ko na napigilan na di maluha

"hindi mo siya anak, John" aniya ni Chard

Nagpintig sa tenga ko ang narinig ko mula kay Richard. Kasabay non ay ang pagdagsa ng mga katanungan sa isip ko. Niloko lang ba ako ni Agatha?? Bakit alam ni Richard?

-------------------------------------------

Another bitin update huhu sorry na agad😁
Thank you again for reading lablab💜✨

You're the one I wantWhere stories live. Discover now