T H I R T E E N

408 9 2
                                    

CHAPTER THIRTEEN:

sorry for the misspelled words and grammatical errors, oki?

----------------------------

Hindi ako pwedeng magka-mali, kilalang kilala ko yung boses na yun pero bakit "mama"? sino si Kurt??

---------------------------

JOHN's

Si Klariz yun hindi ako puwedeng magka-mali, alam na alam ko yung boses niya kahit pa nakapikit ako, kabisado ko lahat lahat sa kaniya. Or baka puwedeng ngang nagka-mali din ako.

Nakita ko naman si Aeious at Richard kaya nilapitan ko na sila.

"Uy Chard, saan kayo galing akala ko nasa pool area na kayo kanina pa?" tanong ko kay Chard

"a-ah ano kase nagutom kase si Aeious, kaya bumili muna kami ng pagkain sa baba" sagot ni Chard at halata ang pagkabalisa ni Chard

"okay ka lang ba Chard? parang di ka mapakali diyan?, para kang nakakita ng multo" aniya ko

"huh? hindi ah, tara na magswimming" pag-aaya naman ni Chard

"sige na, dito na lang ako sa may side table...ay teka nga!!!" wala sa sarili akong napaimik nang may na-realize ako bigla

"uy bakit??" medyo may pag-aalalang tanong ni Chard

"andito nga siya?? tanong kong muli

"h-ha? sino ba??" takang tanong ni Chard

"da-wwy, swim tayo" singit naman ni Aeious sa usapan namin ni Chard

"sige na Aeious kayo na lang muna ni Tito Chard haa, dito na lang ako" tugon ko sa bata

"okay, Dawwy" nakangiting saad ni Aeious

-

RICHARD's

Ito na nga ba yung kinakatakutan ko eh. Bakit naman kasi sa dinami rami ng condotel sa makati dito pa nagbook si John. Wala na akong nagawa kase kanina pa lang noong nagpa-park siya, alam ko na malaki yung chance na magkita silang ulit ni Kla.

Sana talaga mapatawad ako ng mga kaibigan ko sa nagawa ko lalo na kay Kla, nabulag lang naman ako. Naging marupok ako.

Tapos na kaming mag-swimming ni Aeious, nandito na kami ngayon sa room namin. Pinapatulog pa ni John si Aeious sa kwarto.

"Uy Chard, hello??" untag sa akin ni John

"uy bro, bakit?" wala sa sarili kong tanong

"sabi ko kako, kung may gusto kang kainin bibili kase ako ng pagkain sa baba." aniya ni John

"ahh wala bro, but coffee will do brotha" sagot ko naman

"wow english yon haa" pabirong saad naman ni John

At lumabas na nga si John ng room, Nagulat ako na may biglang tumawag sakin at unknown number ito.

"hello?" saad ko

"balita ko andito din kayo sa condo?" tugon ng boses mula sa kabilang linya

"Agatha? ikaw ba to? Agatha diba malinaw ma yung usapan natin? Hindi ba sinabi..." naputol ang sinasabi ko nang magpakilala ang nasa kabilang linya

"Si Laura to, At talagang tinuloy mo parin ang sabwatan niyo ni Agatha?! Richard wala kang isang salita, anong klaseng kaibigan ka?!" sigaw na asik ni Lau mula sa kabilang linya

You're the one I wantWhere stories live. Discover now