Kabanata 5

47 2 0
                                    

I woke up in my familiar ceiling, and I felt a hand that was holding me, Casper dark eyes met mine. Lumingon ako at agad naramdaman ang kirot sa labi at sa tiyan ko.

"Are you feeling better now?I decided to bring you home and just called a doctor. Nasa baba si Tita, kausap yung doctor." He said as if he reads my mind.

Umayos ako ng upo, at maingat niyang ng unan ang likuran ko,

"Okay nako, Cas...How about Ayana?" Hindi ko mapigilang hindi magalala kahit na siya ang may dahilan kung bakit ako muntik nang mapahamak.

"They won't hurt you again, I filed a case to them now, and I will make sure they won't able to go out from that fvcking jail," may diin niyang sagot para mapaawang ang labi ko.

Inabot ko ang kamay niya.

"Casper, Ayana have her reasons to do that to me-"

"No one have no fvcking right to hurt you, Bella! Whatever damn excuses she had!" Natahimik ako dahil alam kong galit siya.

"But her Mom needs her... I'll just talk to her-"

"No. It was now settled. Stop being a hard headed, Bella. You have no fvcking idea how I get worried to you, not a single person won't change my decision." His eyes turns into slits, and just merely staring at him, I know.. He's mad, but still holding his complete outburst.

Napayuko ako. Alam kong galit siya dahil lubos siyang nagalala, at kung pagpipilitan ko pa ang pakikipagtalo ay hindi lalong makakabuti.

"Magpahinga kana, ako na ang bahala sa lahat. Nakausap ko na si Tita, bukas na ko babalik..wag ka na munang pumasok," He said with finality and dismissive tone.

I raised my head to see him, but the coldness in his eyes doesn't change a bit.

"Goodnight," he said huskily before he turned his back on me.

Tulala ako habang unti-unting rumehistro sakin ang nangyari...this happened because He used his power to help me. Mariin akong napapikit at sinandal ang ulo ko sa headrest ng kama, ayokong isisi sa kanya iyun, pero kung sana hindi na lang sya nangielam pa, hindi siguro kami hahantong roon.

The doorknob pressed, at niluwa noon si Mama na tila nabunutan ng tinik ng makitang gising nako.

"Anak naman! Bakit kaba pumunta roon ng mag-isa! Paano kung hindi dumating si Casper! Jusko! Mamatay ako sa pagaalala sayo, anak." Sermon ni Mama sa tabi ko, napakagat ako sa labi ko, at bumuntong hininga.

"I go there to look for a part-time job, hindi ko naman akalain na...ganon ang mangyayari.."

Hinaplos ni Mama ang pisngi ko at naluluhang umiling sakin.

"Stop looking for any jobs! Hayaan mo kong gumawa ng paraan, trabaho ko yun bilang ina.. Ayokong mapahamak kapa ulit, hindi ko kakayanin...Bella." Mom whispered softly, I sighed as I hold her hand. It hurts to see my Mom being this weak and soft.

"Sorry, Ma." Umayos ako ng upo at niyakap siya.

Kinabukasan ay nagpasya akong magbukas ng account, wala namang naging bago roon at mukhang walang nakaalam ng nagyari sakin. Hindi ko maiwasang hindi isipin na baka si Casper na naman ang naglinis ng gusot na 'yun.

Hindi ako nakatanggap ng tawag o text mula sa kanya sa araw na yun. Nagtataka ako dahil ang sabi niya bibisita siya, ilang beses kong sinubukang tawagan siya ngunit unattended iyun.

I feel a bit worried. Sana lang ay ayos siya.

Hanggang dumilim ay hindi na nga siya dumating. Wala naman akong ibang matawagan para alamin kung pumasok ba sya, I'm not even close with his friends.

UNIVERSITY SERIES: TOTGA EDITIONWhere stories live. Discover now