Kabanata 7

36 1 0
                                    

Casper rubbed the bridge of his nose out of frustration when he was talking to his Dad, hindi naka loud speaker yun, pero base sa maya't maya niyang pagtanggi ay halata mo nang naiinis siya. Pabagsak niyang tinapon ang phone sa upuan, at binalingan ako sa tabi niya.

"Sorry about that," he said referring to the call.

I nodded my head, and smiled at him.

"Hatid mo na ko samin, magluluto pa ko ng dinner namin ni Brooke." Banayad kong sinabi. His lips twisted, as he cocked his head.

"Pwede ba kong sa inyo na magdinner?"

"Wag na! Normal na prito lang ang iluluto ko, uwi kana... mukhang maguusap pa kayo ng Daddy mo," kinunot niya ang noo, at pinisil ang pisngi ko.

"That old man is boring to talk with, at kaya ko namang pagtiyagaan ang prito mo.." natatawa niyang sabi para kurutin ko ang braso niya,

"Minamaliit mo ba ang cooking skills ko ha?" Asik ko para lalo siyang ngumisi.

" Meron ka ba nun?" He fired back para hilahin ko yung balahibo niya sa braso at higitin yun, napangiwi siya pero may ngiti pa rin sa labi.

"Bella, ang sadista mo ha!" Natatawa niyang saway sakin para irapan ko siya,

"Serves you right, tara na!" Suplada kong tugon pero natatawa na rin sa kalokohan niya.

"Kahit kanina nung naghahalikan tayo maya't maya mo nakakagat ang labi ko-" agad ko siyang tinapunan ng masamang tingin, at uminit ang batok at pisngi ko sa bulgar niyang sinasabi.

"Casper!" I shouted but he smirked as he snatched a quick kiss on my lips.

"What? Heavily tinted ang kotse ko kaya wag ka magalala, ako lang nakakita.." he teased as he started his engine.

Panay ang lokohan namin sa byahe, at nang makarating sa bahay ay patuloy pa rin kaming nagaasaran.

"Kuya! ML tayo!" Si Brooke, habang nasa kusina ako at nagpiprito, sinungaw ko ang ulo ko mula sa kusina,

"Brooke! Matatalo ka lang kapag sinama mo yan sa team! Puro chemicals lang alam niyan!" Asar ko para simangutan ako ni Casper, at nakangusong kinuha ang phone niya para patulan ang hamon ni Brooke.

I laughed while cooking whenever I heard him groaned out of frustration, lalo ko pa siyang inasar sa hapag ng kumain kaming tatlo. Dahil night shift si Mama ngayon, kaya talagang ako ang naka-assign sa mga gawain, dahil wala akong aasahan sa batugang si Brooke.

"Okay na to, pwede nang pag-tiyagaan," he teased while taking a bite of what I cooked for dinner. It's just a fried chicken, and beef tapa.

Tinandyakan ko siya sa ilalim ng hapag dahilan para ngumiwi siya, tumawa naman si Brooke sa harap namin,

"Alam mo ba Kuya, kung hindi sunog ang luto niyan madalas hilaw! Aish! Kaya sabi ko kay Mama mamayat ako pag night shift siya," gatong ng magaling kong kapatid para siya naman ang irapan ko.

"Itahimik mo nga bibig mo! Pasaway!" I hissed through gritted teeth, pero tumawa lang sila pareho.

Matapos ang dinner ay mabuti nagprisinta nang maghugas si Brooke,kaya naman hinatid ko na palabas si Casper.

"Goodnight," I waved my hands on him kahit na magkaharap pa lang kami.

Yumuko siya at mabilis na hinalikan ako sa labi bago ngumisi,

"I love you, See you tomorrow." Tumango ako bago niyakap siya ng mabilis.

"Drive safely, text me when you get home." Wika ko, He nodded as he opened his car.

UNIVERSITY SERIES: TOTGA EDITIONDove le storie prendono vita. Scoprilo ora